Saturday, July 11, 2009

driver's license

ang saya saya! grabe!

kahapon lang bago ako magtake ng driving test, nerbyos na nerbyos ako kase nga 3 weeks pa lang akong nagpapractice magdrive, so wala pa talaga akong kaalam alam, hindi naman to masyadong big deal nung nasa pinas pa ako kase andami dami namang sasakyan dun, hindi mo kailangang matutong magdrive, pero nung nandito na ako, sus sobrang kailangan pala sya, so yun, since may bago na akong work (akala ng mga taga McDonald's hindi ko sila lalayasan ha, tse!), at madadagdagan na ang hours namin pag nagbukas ang store namin, kailangan ko ng matutong magdrive papuntang work at pauwi,

gusto sana naming kumuha ng private driving instructor kaso since poor lang kami dito kaya ayun si lolo ko na lang ang nagturo sa akin, kahit sobrang nakakainis minsan kasi natataranta ako pag nagbibigay sya ng command, kahit ngitngit na ngitngit na ako kasi sobrang istrikto sya sa akin, kahit sobrang nakakainis na siya kasi masyado siyang disiplinado at ako e hindi, hmp! ayun since wala kaming pera pang hire ng private driving instructor nagtyaga na lang kaming magsariling sikap,

at sa awa ni Lord, ayun nakapasa din ako sa driving test! wooohooo! ang saya saya sobra! hindi ko naman talaga ini-expect na papasa ako kasi 3 weeks pa lang akong nagddrive, at wala pa talaga akong masyadong experience compared sa mga taga dito, akala ko nga ibabagsak ako nung nag-road test sa akin kasi may mga sablay ako e, pero ayun, buti na lang pinasa nya ako, hehehe, ang pagkakasabi pa nya, "you passed, but..." may ganon pa talaga e noh, pero sus ayos lang, ang mahalaga e yung "you passed..." nyahahahahahah

alala ko pa, siguro one week pa lang akong nag aaral mag drive sa parking lot, nung pauwi kami, sabi ni lolo, "here, take us home," weh ano daw??? punyeta e ang trapik kaya! rush hour at gusto nyang ako ang magdrive pauwi? at take note, one week pa lang akong nag aaral mag drive! susme nerbyos na nerbyos kaya ako, pero inisip ko na lang, pag nalaman to ng mga nasa pinas, ehehehe siguro may maiinggit na naman sa akin hahahaha! yun ang nasa isip ko, yun ang nagmotivate sa akin para mai-drive ko yung sasakyan pauwi, at sa awa ng Diyos, nakauwi naman kami hehehe...

anyway, may driver's license na ako nyahahahaha at makakagala na ako kung saan ko gusto, ang saya saya!