Tuesday, June 23, 2009

Filipino Service Crew at McDonald's...

hello hello! ano daw ang work ko ngayon? well, sa lahat ng inapplyan ko online, ang pinaka unang tumawag ay McDonald's, and guess what's my job there? Weeeeeh! Service Crew! Akalain mo yon, dati akong transcriptionist tapos eto nagtatrabaho ako sa McDonald's! Myged! Di kaya masyado akong over-qualified para sa ganitong klase ng trabaho? E sa yun ang unang tumawag e, at since wala pa akong sasakyan, makikisakay lang ako kay honey papunta at pauwi, at since malapit lang ang McDonald's sa office nila e di pwede na.

First day ko sa Mcdo, myged, para akong threat sa mga co-workers ko, muntik na nga akong mag-quit sa first day ko kasi iba ang tingin nila sa akin, sa mga asians. Pano ako lang "payat" nyahahaha! Tapos unang tanong sa akin ng mga katrabaho kong lalake, "so, do you go to school?" kase akala nila 17 years old lang ako, susme! Porke ba ako ang pinakamaliit? Anyway, so yun nalaman nilang gurang na pala ako nyahahahaha...

Second day, believe it or not, naka-receive ako ng TIP from a customer! Ang saya saya di ba! Kung sa restaurant, buffet, or bar pa siguro yun, sus normal na ang tip. Pero sa McDonald's???? Geez!

Tapos nung mga sumunod na araw, nalaman ko na yung customer na nagbigay sa akin ng tip e talaga palang nagbibigay ng tip, so okay, medyo dismayado ako, hmp! Akala ko pa naman e natuwa sa akin yung customer kaya ako binigyan ng tip.

Pero kahapon, heeheehee! Naglilinis ako ng lobby, tapos may pumasok na customer, syempre dapat batiin mo sila kasi sila lang naman ang kumakausap sa akin e, yung iba kong co-workers e hindi, mga insekyora kase, nasa cashier pa yung customer na yun nung natapos akong maglinis ng lobby, inabutan nya ako ng malaki laking pera, akala ko oorder sya, nung tinanong ko kung ano order nya sabi ba naman, "no no, that's for you, that's for being so nice." Whaaaaatttt? Who gets paid for being nice? Grabe am so happy, at narining yun nung isa sa mga managers (yes, managers, kasi marami silang managers) na wala ng ginawa kundi magcomplain (one thing na never kong ginawa), so alam nyo ba kung ano ginawa nya? wala lang naman, pinaglinis nya lang naman ako ng parking lot, ng windows, ng male's restroom, at kung ano ano pa, na halos maiyak iyak na ako kasi lagpas isa't kalahating oras na e hindi pa ako pinagbe-break, tapos nakahalata siguro na umiyak ako sa warehouse kaya yung huling inutos nya sa akin e binigay dun sa isang papetiks petiks na empleyado, grabe muntik na akong mag-quit.

Anyway, my point is, who gets paid for being nice? I do, who else?

1 comment:

  1. hi... i read all ur blogs, magaling kang sumulat, napadaan ako dito, kse naghahanap ako ng recipe ng carbonara sa u tube, pumunta ako sa link na cnabi at eto, ang binagsakan ko...

    katulad mo, nandito din ako sa US, nakapangasawa din ng kano. Dumating ako dito last Nov 2008,dito ako sa arkansas, ryt now, am waiting for my stat change, pero hinde pa ako nag wo work ... nabuntis ako kse agad eh... hehhehehe... due ko this coming Oct 2009.

    nung nabasa ko blogs ko nakarelate naman ako.... hehehhehe...

    i want to get in touch wih u sana at makipag kaibigan.... here's my email sheryll_santos@hotmail.com, i have a profiles in fs and fb...

    gbu....tc.

    ReplyDelete