Alam nyo ba yung feeling na parang wala kayong kagana gana sa lahat ng bagay? Yun bang parang walang excitement ang buhay nyo? Yan, yan ang nararamdaman ko ngayon. Ganyan ang nararamdaman ko pag disappointed ako o kaya pag asar ako. Wala lang, nakaka asar lang ngayon. Sabagay kasalanan ko naman kase at may sinabi pa ako. Kung tumahimik na lang siguro ako wala sigurong problema.
Ano na naman ba ginawa ko? Wala lang, sinabi ko lang naman na yung isang katrabaho namin hindi mahilig tumulong at nasabi ko lang naman yun dun sa close friend nya. O davah! Yan kasi ang daldal ko. Pero kung tutuusin, e ano naman nga, sa totoo naman yung sinabi ko? Ang mali ko lang, bat pa kasi ako nagsalita? Eto ngayon ako nag aalala na baka sabihin nya yun dun sa taong yun.
Minsan tuloy nasasabi ko sa sarili ko, bat ba kasi ako nagpumilit na magtrabaho pa kung pede naman ngang nasa bahay na lang ako at kasama yung anak ko. Kung nasa bahay na lang siguro ako, malamang hindi ko naeencounter tong mga work-related issues na to. Pero naman, pag nasa bahay lang ako, aba baka naman mabaliw din ako. Nakaka aning din kaya kung nasa bahay ka lang. Yun lang ang buhay mo, araw araw. Yoko din ng ganun.
Ngayon namang may trabaho na ako, wala na akong ginawa kundi magtrabaho at mag aral. Minsan talaga dapat mag ingat tayo sa mga wishes natin, kasi hindi mo alam kung kaya mong i-handle yung mga wishes mo once na nagkatotoo.
Anyway, next time ulit...
No comments:
Post a Comment