Eto na naman ako, nagsisimula ulit mag-blog. Hay naku, ilang beses ko na bang ginawa to? At kada na lang gagawin ko to, palagi ko ding iiwan? Sa umpisa lang naman ako masipag e, tapos after 2 or 3 posts iiwan ko na lang basta. Walang kwenta. Ang tamad ko kayang magsulat ngayon. Ewan ko ba. Siguro kasi sobrang busy ako sa buhay namin dito.
Iba ang buhay dito sa America. Pag hindi kayo mayaman, wala na kayong ibang gagawin kundi magtrabaho. Sa kaso naman namin, wala na kaming ginawa ng asawa ko kundi magtrabaho, mag aral, mag alaga ng bata, maglinis ng bahay, magluto, maglaba, etc. Kung tutuusin, mas maganda pa yung buhay ko sa pinas. Dun, pede kang kumuha ng katulong. Hay nako.
Minsan nakaka asar na ring maging dukha. Nakakasawa na yung walang pera. Kaya minsan hindi ko masisi yung iba kung bat ginagawa ang lahat para lang magkapera e. Hindi ko naman gusto na magkaroon kami ng limpak limpak na salapi noh! Ang gusto ko lang e tumama sa lotto nyahaahhaha. Punyeta nakaka aning! Oo naaaning na rin ako kasi wala pa rin akong pahinga.
Walang time mag relax. Konting babad lang sa internet gigising na si baby. Marinig lang na nagta-type ako e magigising na. Palagi na lang akong nasa trabaho at nasa school. Lumalaki ang anak ko ng hindi ko namamalayan. Nakakalungkot. Pero ang iniisip ko na lang, pag nakatapos akong mag aral at nakapagtrabaho ng maayos ang sahod, para rin sa kanya to.
Nakakatuwa lang yung anak ko kasi ang cute. Oo na kamukha ko yung anak ko, pero ewan ko ba, cute na cute ako sa anak ko, e hindi naman nga ako cute. Wala e, ganun yata talaga pag anak mo. Kahit kamukha mo e cute na cute ka pa rin.
Anyway, para dun sa nagbabasa ng blog ko, parang sinasayang nyo lang yung time nyo sa totoo lang. Wala naman kaseng kwenta kadalasan sinusulat ko dito e. Pero salamat pa rin sa pagdaan.
Lentek anong oras na naman. Makaligo na nga at ng makatulog na rin. Buti na lang wala akong pasok bukas. Wooohooo!
No comments:
Post a Comment