Monday, December 19, 2011

Imahe

Nag-iba na ang imahe ko sa trabaho simula nung natanggap ako. Una, tuwang tuwa sila sa akin kasi nga masipag ako, tapos gustung gusto pa ako ng mga pasyente. Kaya lang, sadyang ganun yata talaga sa trabaho, kung dati hindi mo makita yung mga flaws, sooner or later, makikita at makikita mo rin.

Hindi naman sa pagmamayabang, simula nung natanggap ako, tumaas ang score ng department namin. At may proof ako jan. Within four months na pinagtrabaho ko as HMSR, tatlong beses nang nabanggit yung name ko sa survey as an outstanding HSMR. Who does that? Ako lang, charing! E sa totoo naman. Wala sa mga katrabaho ko ang nabanggit ang pangalan sa survey ng sunod sunod halos kada-buwan. Kahit nga yung isang nagsasabing sya ang the best HSMR e ni hindi ko nabalitaang nabanggit yung pangalan sa survey. Iba lang talaga ang dating ko, charing!

Anyway, nakakaasar lang sa trabaho ngayon kasi napaka inconsistent ng mga bosses ko. Iba iba sila ng mga sinasabi. Tulad kagabi, kakainis. Matagal akong bumibili ng mga tirang pagkain sa trabaho sa halagang $1. Bakit kamo ang mura? Kasi nga itatapon lang naman nila yun kinabukasan. Yung isang supervisor nga hindi na ako pinagbabayad pag sya ang naka assign sa araw na yun e. Tapos kagabi yung supervisor ko aba sabi ba naman daw $4 ang dapat kong ibayad sa tira tirang pagkain na gusto ko lang namang iuwi kasi ayaw kong masayang!? Ano ko bale? At ano sya hilo? Kahit nga sya hindi kakainin yung tira tirang yun e tapos gusto nya ako pagbayarin ng $4?! Sa inis ko, sinoli ko nga yung resibo at nagpa-refund ako. Buset na yan ang epal. Samantalang yung ibang mga katrabaho ko minsang nga $0.25 lang binabayad sa isang bag na pagkain, hindi pa tira tira yung mga yun ha.

Hay nako, anyway, isa lang yan sa mga nakakabuset na kaepalan ng bisor ko. Eto pa isang nakakaasar. Meron silang policy na bawal mag absent sa weekend. Kasehodang maaksidente ka, o magkasakit ka, o tamaan ka ng kidlat, dapat pumasok ka pa rin. Pag hindi ka pumasok, write-up agad ang katapat mo. Bakit daw ganun? E kasi daw, short-handed na sa weekend, so pag may nag absent pa, e mas lalong short-handed. At eto pa ang mas nakakaasar. Nagrequest ako kung pede bang every weekend na lang ako magtrabaho kasi nga pumapasok ako sa school pag weekdays. Aba, ang sabi ba naman sa akin, hindi daw pwede kasi daw baka may magreklamo at magsabing bakit daw si ganito kada weekends pumapasok. Teka, sino ba may gustong pumasok kada weekends? Di ba karamihan naman e gustong magpahinga kada weekends? Kahit ako kung pwede lang noh, ayokong pumasok kada weekends! Kaya lang naman ako nagrequest na pumasok kada weekends lang kasi nga dun lang ako available. Hindi sa gustung gusto kong pumasok ng weekends, susmio. Nakita nyo ba yung logic? Sabagay wala naman nga sigurong logic. Ang point ko lang e kung short-handed sa weekend, e di mag-schedule ng enough na workers. At yung mga sa weekend lang available, e di yun ang i-schedule sa weekend. O di ba, para masaya lahat.

Minsan talaga sa trabaho may mga policies and procedures na confusing at walang sense. At kung dati positive ang tingin nila sa akin, ngayon negative na. Okay lang, kung disappointed sila sa akin kasi pino-point out ko yung mga flaws ng department, mas disappointed ako sa kanila kasi napaghahalatang wala silang clue kung pano magpatakbo ng department.

No comments:

Post a Comment