Tuesday, December 20, 2011

Ang daldal ko talaga, hmp!

Alam nyo ba yung feeling na parang wala kayong kagana gana sa lahat ng bagay? Yun bang parang walang excitement ang buhay nyo? Yan, yan ang nararamdaman ko ngayon. Ganyan ang nararamdaman ko pag disappointed ako o kaya pag asar ako. Wala lang, nakaka asar lang ngayon. Sabagay kasalanan ko naman kase at may sinabi pa ako. Kung tumahimik na lang siguro ako wala sigurong problema.

Ano na naman ba ginawa ko? Wala lang, sinabi ko lang naman na yung isang katrabaho namin hindi mahilig tumulong at nasabi ko lang naman yun dun sa close friend nya. O davah! Yan kasi ang daldal ko. Pero kung tutuusin, e ano naman nga, sa totoo naman yung sinabi ko? Ang mali ko lang, bat pa kasi ako nagsalita? Eto ngayon ako nag aalala na baka sabihin nya yun dun sa taong yun.

Minsan tuloy nasasabi ko sa sarili ko, bat ba kasi ako nagpumilit na magtrabaho pa kung pede naman ngang nasa bahay na lang ako at kasama yung anak ko. Kung nasa bahay na lang siguro ako, malamang hindi ko naeencounter tong mga work-related issues na to. Pero naman, pag nasa bahay lang ako, aba baka naman mabaliw din ako. Nakaka aning din kaya kung nasa bahay ka lang. Yun lang ang buhay mo, araw araw. Yoko din ng ganun.

Ngayon namang may trabaho na ako, wala na akong ginawa kundi magtrabaho at mag aral. Minsan talaga dapat mag ingat tayo sa mga wishes natin, kasi hindi mo alam kung kaya mong i-handle yung mga wishes mo once na nagkatotoo.

Anyway, next time ulit...

Monday, December 19, 2011

Imahe

Nag-iba na ang imahe ko sa trabaho simula nung natanggap ako. Una, tuwang tuwa sila sa akin kasi nga masipag ako, tapos gustung gusto pa ako ng mga pasyente. Kaya lang, sadyang ganun yata talaga sa trabaho, kung dati hindi mo makita yung mga flaws, sooner or later, makikita at makikita mo rin.

Hindi naman sa pagmamayabang, simula nung natanggap ako, tumaas ang score ng department namin. At may proof ako jan. Within four months na pinagtrabaho ko as HMSR, tatlong beses nang nabanggit yung name ko sa survey as an outstanding HSMR. Who does that? Ako lang, charing! E sa totoo naman. Wala sa mga katrabaho ko ang nabanggit ang pangalan sa survey ng sunod sunod halos kada-buwan. Kahit nga yung isang nagsasabing sya ang the best HSMR e ni hindi ko nabalitaang nabanggit yung pangalan sa survey. Iba lang talaga ang dating ko, charing!

Anyway, nakakaasar lang sa trabaho ngayon kasi napaka inconsistent ng mga bosses ko. Iba iba sila ng mga sinasabi. Tulad kagabi, kakainis. Matagal akong bumibili ng mga tirang pagkain sa trabaho sa halagang $1. Bakit kamo ang mura? Kasi nga itatapon lang naman nila yun kinabukasan. Yung isang supervisor nga hindi na ako pinagbabayad pag sya ang naka assign sa araw na yun e. Tapos kagabi yung supervisor ko aba sabi ba naman daw $4 ang dapat kong ibayad sa tira tirang pagkain na gusto ko lang namang iuwi kasi ayaw kong masayang!? Ano ko bale? At ano sya hilo? Kahit nga sya hindi kakainin yung tira tirang yun e tapos gusto nya ako pagbayarin ng $4?! Sa inis ko, sinoli ko nga yung resibo at nagpa-refund ako. Buset na yan ang epal. Samantalang yung ibang mga katrabaho ko minsang nga $0.25 lang binabayad sa isang bag na pagkain, hindi pa tira tira yung mga yun ha.

Hay nako, anyway, isa lang yan sa mga nakakabuset na kaepalan ng bisor ko. Eto pa isang nakakaasar. Meron silang policy na bawal mag absent sa weekend. Kasehodang maaksidente ka, o magkasakit ka, o tamaan ka ng kidlat, dapat pumasok ka pa rin. Pag hindi ka pumasok, write-up agad ang katapat mo. Bakit daw ganun? E kasi daw, short-handed na sa weekend, so pag may nag absent pa, e mas lalong short-handed. At eto pa ang mas nakakaasar. Nagrequest ako kung pede bang every weekend na lang ako magtrabaho kasi nga pumapasok ako sa school pag weekdays. Aba, ang sabi ba naman sa akin, hindi daw pwede kasi daw baka may magreklamo at magsabing bakit daw si ganito kada weekends pumapasok. Teka, sino ba may gustong pumasok kada weekends? Di ba karamihan naman e gustong magpahinga kada weekends? Kahit ako kung pwede lang noh, ayokong pumasok kada weekends! Kaya lang naman ako nagrequest na pumasok kada weekends lang kasi nga dun lang ako available. Hindi sa gustung gusto kong pumasok ng weekends, susmio. Nakita nyo ba yung logic? Sabagay wala naman nga sigurong logic. Ang point ko lang e kung short-handed sa weekend, e di mag-schedule ng enough na workers. At yung mga sa weekend lang available, e di yun ang i-schedule sa weekend. O di ba, para masaya lahat.

Minsan talaga sa trabaho may mga policies and procedures na confusing at walang sense. At kung dati positive ang tingin nila sa akin, ngayon negative na. Okay lang, kung disappointed sila sa akin kasi pino-point out ko yung mga flaws ng department, mas disappointed ako sa kanila kasi napaghahalatang wala silang clue kung pano magpatakbo ng department.

Thursday, December 15, 2011

500 calories of junk

I can't believe that I just ate 500 calories of junk! Grabe gutom na gutom kasi kami ng anak ko pagkagaling namin sa school tapos pagdating namin ng bahay e walang pagkain. Susme napagdiskitahan ko tuloy yung isang de-lata sa cabinet. Huli na nung mabasa ko yung label na 500 calories pala yung laman ng isang lata! Punyeta!

Ano na naman ba ang gagawin ko? Panigurado bloated na naman ako nito mamaya. Makapag juice na nga lang. Eto share ko lang sa kung sino mang baliw na nagbabasa ng blog ko yung mga recipes ko ng juice.

Kelan lang kasi e nakalibre ako ng juicer sa Amazon. Maliit lang yung juicer, hindi heavy duty, pero okay na okay na, libre naman e.

So far, ilang beses na naman akong nagju-juice, ang pinaka da-best na juice na nagawa ko e yung combination ng cucumber at carrots, cucumber at melon, at tsaka yung carrots at apples. Sabagay, yan pa lang naman kasi ang nata-try ko nyahahahaha. Pero grabe ansarap! Kung ganito kasarap mag-detox aba e kahit araw araw magde-detox ako.

Actually, kung may garden lang siguro ako, malamang mag juice fasting ako for a month. Hindi ko lang to magawa ngayon kasi nga sobrang mahal ng gulay dito. Ngayon ko tuloy nami-miss ang pinas. Dun kasi wantusawa ka sa gulay. Doon, pag gulay lang ang ulam nyo, ibig sabihin dukhang dukha na kayo, kawawang kawawa, aping api, at kung ano ano pa. Susme, hindi lang alam ng mga nasa pinas, yun ang pinaka-healthy na lifestyle.

Hosia jan na muna kayo at makainom na ng carrot cucumber juice :)

Wednesday, December 14, 2011

wala lang na naman...

Eto na naman ako, nagsisimula ulit mag-blog. Hay naku, ilang beses ko na bang ginawa to? At kada na lang gagawin ko to, palagi ko ding iiwan? Sa umpisa lang naman ako masipag e, tapos after 2 or 3 posts iiwan ko na lang basta. Walang kwenta. Ang tamad ko kayang magsulat ngayon. Ewan ko ba. Siguro kasi sobrang busy ako sa buhay namin dito.

Iba ang buhay dito sa America. Pag hindi kayo mayaman, wala na kayong ibang gagawin kundi magtrabaho. Sa kaso naman namin, wala na kaming ginawa ng asawa ko kundi magtrabaho, mag aral, mag alaga ng bata, maglinis ng bahay, magluto, maglaba, etc. Kung tutuusin, mas maganda pa yung buhay ko sa pinas. Dun, pede kang kumuha ng katulong. Hay nako.

Minsan nakaka asar na ring maging dukha. Nakakasawa na yung walang pera. Kaya minsan hindi ko masisi yung iba kung bat ginagawa ang lahat para lang magkapera e. Hindi ko naman gusto na magkaroon kami ng limpak limpak na salapi noh! Ang gusto ko lang e tumama sa lotto nyahaahhaha. Punyeta nakaka aning! Oo naaaning na rin ako kasi wala pa rin akong pahinga.

Walang time mag relax. Konting babad lang sa internet gigising na si baby. Marinig lang na nagta-type ako e magigising na. Palagi na lang akong nasa trabaho at nasa school. Lumalaki ang anak ko ng hindi ko namamalayan. Nakakalungkot. Pero ang iniisip ko na lang, pag nakatapos akong mag aral at nakapagtrabaho ng maayos ang sahod, para rin sa kanya to.

Nakakatuwa lang yung anak ko kasi ang cute. Oo na kamukha ko yung anak ko, pero ewan ko ba, cute na cute ako sa anak ko, e hindi naman nga ako cute. Wala e, ganun yata talaga pag anak mo. Kahit kamukha mo e cute na cute ka pa rin.

Anyway, para dun sa nagbabasa ng blog ko, parang sinasayang nyo lang yung time nyo sa totoo lang. Wala naman kaseng kwenta kadalasan sinusulat ko dito e. Pero salamat pa rin sa pagdaan.

Lentek anong oras na naman. Makaligo na nga at ng makatulog na rin. Buti na lang wala akong pasok bukas. Wooohooo!

Saturday, May 15, 2010

Pinoy Recipe - Ginisang Mungo



This is my first time cooking this Pinoy recipe with Nunnie. I was a little hesitant because it's vegetable and he doesn't like vegetable that much. And if he does not like it, then it means I will have to eat this ginisang mungo by myself. But luckily after smelling the aroma from the sauteed pork and shrimp, he finally said the magic words, "it smells good," which means, I am don't have to worry about this food being thrown away.

This ginisang mungo is just a very ordinary food in the Philippines. I guess everybody knows how to cook this. We just filmed the cooking of ginisang mungo for the sake of those Non-Filipino viewers who wants to try Pinoy recipes. And I have also shared a little secret that can make the taste of this Pinoy recipe even better (although not very healthy) which is the addition of the fried pork skin or what we call chicharon. My mother does not even add chicharon to her ginisang mungo. I just got that secret from my aunt who lives in Pasig City. Thanks Tita Myrna! And I tell you what, her ginisang mungo won't last very long on the table. And she would put probably 3 times the bag of pork skin than what I have put on mine on the video. And also, the quality of pork skin really does affect the flavor of the ginisang mungo. When I was still living with them, I would eat ginisang mungo just because of the pork skin. It's that good.

Also, I personally like ginisang mungo with lots and lots of shrimps. I can even eliminate pork but not shrimp. I guess it's because shrimp is quite expensive in the Philippines that I was not able to really indulge myself with that. But here, luckily, it is not be cheap, but it's relatively affordable. I am just so glad that Nunnie likes it. I wish I can also share everything that I cook to whoever watch the Pinoy recipe videos because every time we cook, it's always a lot. And I won't mind sharing it with everybody.

Visit Pinoy Recipe for more mouthwatering Pinoy Recipe.

Join Us On Facebook.

Follow Us On Twitter.

Pinoy Recipe - Inihaw na Liempo



Have you heard Anthony Bourdain said that we, Pinoys, have the best pig? He meant that the Philippines has the best lechon in the world. Well guess what, I just heard something like that from Nunnie after I served him this really mouthwatering inihaw na liempo. He said that so far, the inihaw na liempo was the best grilled meat he has ever had. And that makes me really proud of myself because I made it. He also said that if we can, we should marinate and grill our meat just like this every time we want some grilled meat.

Inihaw na liempo is a very popular food in the Philippines. You can see this being cooked and sold on every street of Manila, Cubao, Pasig, everywhere. It may not be healthy to eat this all the time, but sometimes, due to the distinctive taste of this inihaw na liempo (especially the ones with lots of fat) you just can't help it. I remember when I was still in Pasig, I would purposely standby near the grill when somebody is grilling some barbecue or any kind of street foods because I wanted to smell the smoke. I didn't mind smelling like grilled food because it's actually not bad.

Inihaw na liempo taste really good but be careful not to eat this everyday. Especially the ones with lots of fat. It is not healthy. It's okay to indulge with this once in a while, but you've got to be careful. And not just for inihaw na liempo. I guess you should try to be careful with everything that you eat. Take me as an example. I am trying my best to watch my food intake, but sometimes, when the food is as good as inihaw na liempo and when you are pregnant (of course that's a perfect excuse) you just can't help but satisfy your cravings.

Visit Pinoy Recipe for more mouthwatering Pinoy Recipe.

Join Us On Facebook.

Follow Us On Twitter.

Pinoy Recipe - Grilled Jalapeno Potatoes




This is not considered a Pinoy recipe but I still want to include this recipe on this blog because it was Nunnie who made this. See, Nunnie can cook too. I was surprised that this grilled jalapeno potatoes turned out really good. It's just a little too spicy for me. But of course, you can adjust the seasoning according to your preference. You can even add green bell peppers and chopped onion to further enhance the taste. I have tried it. If you don't want to put it in a grill, then you can also put it in the oven. But since we were doing Inihaw Na Liempo at that time, then why not cook the potatoes with the marinated pork belly meat?

Grilling this potatoes with the marinated pork belly meat plus the smoke from the charcoal really added a very nice flavor to the potatoes. It was like grilled potatoes with a very subtle hint of the pork marinade. It was delicious. And the good thing about this not-so-Pinoy-recipe is that it's very flexible. You can actually season your potato however you want. But I really encourage everyone who are planning on trying this recipe to add some green bell peppers and chopped onion because I have tried it and I promise you won't be disappointed.

For those who are health conscious, you can substitute butter with extra virgin olive oil and still get the same good flavor. I know that some of you would think that me and Nunnie are not really health conscious. Believe it or not, we are. It's just that sometimes, it's hard to control ourselves from indulging in some tasty food. Just like what Nunnie said, he did not get fat by eating healthy foods. And round is a shape too you know. We will try to cook healthy food next time.

Visit Pinoy Recipe for more mouthwatering Pinoy Recipe.

Join Us On Facebook.

Follow Us On Twitter.

Pinoy Recipe - Adobong Manok



Chicken adobo or adobong manok is one of the most popular dish in the Philippines. Everybody likes it and almost everybody knows how to cook it. And also, everybody has their own way of making their adobo. Like me for example. I have seen some of my relatives cook adobo and without tomatoes. I have also seen one of my aunt put tomato sauce on her adobo. See, everybody has their own style. And this particular recipe is "my style." But I actually got it from my Aunt Ruth because that's how she makes her adobo. She would put tomatoes and I find it a lot better compared to adobo without tomatoes.

But anyway, like what I have said, everybody has their own style and preference when it comes to cooking. You should go with what you are comfortable with. Like on this particular video recipe, at first, we mentioned that the optional ingredients are Mang Tomas All-Purpose Sauce and oyster sauce. While cooking the adobo, I was really hesitant on adding those two ingredients because I don't know how it will turn out. It will probably turn out good, but the thing is, we made this particular video recipe for my brother-in-law who doesn't even know what adobo tastes like. And besides, I don't even know if there is an Asian store where he can buy Mang Tomas All-Purpose Sauce. So, we decided to not include those two optional ingredients and just go with what I know and what Nunnie likes.

Anyway, it came out really good. I am glad that Nunnie likes it. And I like it too. The good thing about chicken adobo or even pork adobo, is that the longer you store it, the better it tastes. I don't know, for me, it just tastes better when you serve it the next day. Next time, I am going to try to make it with Mang Tomas All-Purpose Sauce and oyster sauce and I will let you know how it turns out.

Visit Pinoy Recipe for more mouth watering Pinoy recipe.

Join Us On Facebook.

Follow Us On Twitter.

Monday, October 12, 2009

Buhay May Asawa...

Hindi pala madali...

Oo, alam ko na nuon pa na ang pag-aasawa e parang sugal. Sumusugal ka naman talaga eh. Narinig ko na rin hindi lang sampung beses na ang pag-aasawa e hindi parang mainit na kaning isinubo na pwede mong iluwa pag napaso. Narinig ko na rin na ang pag-aasawa e hindi madali. Hindi lang puro saya, may hirap din. Oo nga.

Sampung buwan na kaming magkasama ng asawa ko. Ngayon ko lang napatunayan na totoo palang babae ang nagdadala ng relasyon. Hindi ko nilalahat. Pero sa kaso ko, oo, babae ang nagdadala ng relasyon. Ako. Kung ako siguro e "nagger," malamang matagal na kaming naghiwalay ng asawa ko. Kung ako siguro e hindi marunong magparaya, malamang wala na ako dito sa bahay namin.

Ngayon ko pa lang nadidiskubre ang buhay may asawa. At hindi ako magsusulat kung hindi ako nahihirapan. Oo, aaminin ko, nakakahiya man, pero nahihirapan ako. Iba pala kasi talaga pag magnobyo pa lang kayo eh. Saka mo pa lang talaga makikilala ng lubos ang isang tao pag nagsama na kayo sa iisang bubong. Malamang sasabihin ng iba, "Kasalanan mo yan, ikaw tong atat na atat mag-asawa eh." Eh ano naman, pero isa lang ang alam ko na totoo, hindi ako nag-iisa sa sitwasyong ito. Sinong may asawa ang hindi dumaan sa pinag dadaanan ko ngayon?

Hindi sa masamang tao ang asawa ko. Ang totoo, hindi siya nananakit. Mabuti siyang tao. Pero, iba pala talaga ang kultura nila dito. Iba pala talaga pag hindi ka sanay sa hirap. Iba ang "lifestyle" ika nga. Sa pinas, pag may isasaing ka, ayos na. Kumbaga, sanay na sanay ako sa hirap kaya hindi ako nag aalala ng husto. Sila dito, konting hirap lang, hindi na alam ang gagawin. Hindi halos mapakali. Hindi makatulog. Ewan, mas nananaig lang siguro talaga sa akin ang dugong Pinoy. Dalang dala ko hanggang dito ang ugaling "bahala na" si batman. Ugaling sana eh makuha sa akin ng asawa ko. Kahit konti lang.

Sa kabilang banda, hindi naman puro hirap lang din ang nararanasan ko sa buhay may asawa. Siyempre may sarap din noh. Lalo na sa gabi, hahaha! Kasi kahit na sa kabila ng hirap eh masarap isiping may karamay ako. Sana lang, hanggang wakas ko siya karamay.

Friday, September 4, 2009

A Tribute To Ka Erano G. Manalo - Iglesia Ni Cristo Executive Minister




Mahal na mahal po namin kayo Ka Erdie... Magkita-kita po tayong muli sa Bayang Banal...


Ama huwag na huwag Mo pong pababayaan ang Iyong mga lingkod, aliwin Mo po kami sa panahon ng pagdadalamhati, maawa Ka pong bigyan kami ng lakas ng loob at ng higit pang pananampalataya para huwag kaming mahiwalay, at kung sakaling nakikita Mo kaming nalilihis ng landas, O Ama kabigin mo po kami pabalik sa Iyo, huwag Kang papayag na mahiwalay isa man sa amin, huwag Ka pong magsasawa na mahalin kami, kalingain Mo po ang bawat lingkod Mo, hinding hindi po kami hihiwalay hanggang bawian Mo kami ng buhay, Amen...

Thursday, September 3, 2009

Saturday, July 11, 2009

driver's license

ang saya saya! grabe!

kahapon lang bago ako magtake ng driving test, nerbyos na nerbyos ako kase nga 3 weeks pa lang akong nagpapractice magdrive, so wala pa talaga akong kaalam alam, hindi naman to masyadong big deal nung nasa pinas pa ako kase andami dami namang sasakyan dun, hindi mo kailangang matutong magdrive, pero nung nandito na ako, sus sobrang kailangan pala sya, so yun, since may bago na akong work (akala ng mga taga McDonald's hindi ko sila lalayasan ha, tse!), at madadagdagan na ang hours namin pag nagbukas ang store namin, kailangan ko ng matutong magdrive papuntang work at pauwi,

gusto sana naming kumuha ng private driving instructor kaso since poor lang kami dito kaya ayun si lolo ko na lang ang nagturo sa akin, kahit sobrang nakakainis minsan kasi natataranta ako pag nagbibigay sya ng command, kahit ngitngit na ngitngit na ako kasi sobrang istrikto sya sa akin, kahit sobrang nakakainis na siya kasi masyado siyang disiplinado at ako e hindi, hmp! ayun since wala kaming pera pang hire ng private driving instructor nagtyaga na lang kaming magsariling sikap,

at sa awa ni Lord, ayun nakapasa din ako sa driving test! wooohooo! ang saya saya sobra! hindi ko naman talaga ini-expect na papasa ako kasi 3 weeks pa lang akong nagddrive, at wala pa talaga akong masyadong experience compared sa mga taga dito, akala ko nga ibabagsak ako nung nag-road test sa akin kasi may mga sablay ako e, pero ayun, buti na lang pinasa nya ako, hehehe, ang pagkakasabi pa nya, "you passed, but..." may ganon pa talaga e noh, pero sus ayos lang, ang mahalaga e yung "you passed..." nyahahahahahah

alala ko pa, siguro one week pa lang akong nag aaral mag drive sa parking lot, nung pauwi kami, sabi ni lolo, "here, take us home," weh ano daw??? punyeta e ang trapik kaya! rush hour at gusto nyang ako ang magdrive pauwi? at take note, one week pa lang akong nag aaral mag drive! susme nerbyos na nerbyos kaya ako, pero inisip ko na lang, pag nalaman to ng mga nasa pinas, ehehehe siguro may maiinggit na naman sa akin hahahaha! yun ang nasa isip ko, yun ang nagmotivate sa akin para mai-drive ko yung sasakyan pauwi, at sa awa ng Diyos, nakauwi naman kami hehehe...

anyway, may driver's license na ako nyahahahaha at makakagala na ako kung saan ko gusto, ang saya saya!

Tuesday, June 23, 2009

Filipino Service Crew at McDonald's...

hello hello! ano daw ang work ko ngayon? well, sa lahat ng inapplyan ko online, ang pinaka unang tumawag ay McDonald's, and guess what's my job there? Weeeeeh! Service Crew! Akalain mo yon, dati akong transcriptionist tapos eto nagtatrabaho ako sa McDonald's! Myged! Di kaya masyado akong over-qualified para sa ganitong klase ng trabaho? E sa yun ang unang tumawag e, at since wala pa akong sasakyan, makikisakay lang ako kay honey papunta at pauwi, at since malapit lang ang McDonald's sa office nila e di pwede na.

First day ko sa Mcdo, myged, para akong threat sa mga co-workers ko, muntik na nga akong mag-quit sa first day ko kasi iba ang tingin nila sa akin, sa mga asians. Pano ako lang "payat" nyahahaha! Tapos unang tanong sa akin ng mga katrabaho kong lalake, "so, do you go to school?" kase akala nila 17 years old lang ako, susme! Porke ba ako ang pinakamaliit? Anyway, so yun nalaman nilang gurang na pala ako nyahahahaha...

Second day, believe it or not, naka-receive ako ng TIP from a customer! Ang saya saya di ba! Kung sa restaurant, buffet, or bar pa siguro yun, sus normal na ang tip. Pero sa McDonald's???? Geez!

Tapos nung mga sumunod na araw, nalaman ko na yung customer na nagbigay sa akin ng tip e talaga palang nagbibigay ng tip, so okay, medyo dismayado ako, hmp! Akala ko pa naman e natuwa sa akin yung customer kaya ako binigyan ng tip.

Pero kahapon, heeheehee! Naglilinis ako ng lobby, tapos may pumasok na customer, syempre dapat batiin mo sila kasi sila lang naman ang kumakausap sa akin e, yung iba kong co-workers e hindi, mga insekyora kase, nasa cashier pa yung customer na yun nung natapos akong maglinis ng lobby, inabutan nya ako ng malaki laking pera, akala ko oorder sya, nung tinanong ko kung ano order nya sabi ba naman, "no no, that's for you, that's for being so nice." Whaaaaatttt? Who gets paid for being nice? Grabe am so happy, at narining yun nung isa sa mga managers (yes, managers, kasi marami silang managers) na wala ng ginawa kundi magcomplain (one thing na never kong ginawa), so alam nyo ba kung ano ginawa nya? wala lang naman, pinaglinis nya lang naman ako ng parking lot, ng windows, ng male's restroom, at kung ano ano pa, na halos maiyak iyak na ako kasi lagpas isa't kalahating oras na e hindi pa ako pinagbe-break, tapos nakahalata siguro na umiyak ako sa warehouse kaya yung huling inutos nya sa akin e binigay dun sa isang papetiks petiks na empleyado, grabe muntik na akong mag-quit.

Anyway, my point is, who gets paid for being nice? I do, who else?

Monday, June 1, 2009

ang ganda ganda ko!

charing lang! last saturday kasi nag-date kami ni mike, tapos dressed to kill kami, naka barong sya at naka formal dress ako, myged ang takong ko, lisensyado! sa pinto pa lang, may bumati na sa barong ni mike, ang gara daw, naks! ampogi talaga ng jowa ko, tapos nung kumakain na kami, lumapit yung waitress at may dalang isang bote ng champagne, sabi may nagpapagbigay at ang ganda ganda ko daw nyahahahaha pakshet! muntik akong mabulunan nyahahaha... ang mga kano talaga, pareparehong malalabo ang mata...

Sunday, May 17, 2009

Si Ms. KIA, bow!

Ano mararamdaman mo pag nalaman mong binansagan ka ng mga subordinates mong Ms. KIA, as in Ms. Know-It-All? Matuwa ka kaya? Ano gagawin mo pag nalaman mong sinusunod ka lang ng mga subordinates mo pero hindi ka nirerespeto? Malalaman mo kaya na wala silang respeto sayo? E pano ka naman rerespetuhin kung ikaw mismo ang nagba-violate ng company policies? Tapos hindi mo maipaglaban yung karapatan ng mga tao mo. Ano pa silbi mo?

Ganito kase yun, nung kasama pa ako sa team nila, pinagbawal ang pagdadala ng headset dahil sa ka-voice chat ko asawa ko, okay sige nyahahahah letse tetano daw ako nun, pati yung part-time job ko e sinilip, sa pagkaka alam ko kase, bawal ang part-time job na katulad ng trabaho namin, which is hindi ko maintindihan, bakit bawal ang magkaroon ng part time job e kung hindi naman sapat ang kinikita mo sa company? kaya walang asenso sa pinas e, may mga walang kwentang policies na kung tutuusin e illogical, napaka-selfish, buti sana kung anlaki laki ng pinapasweldo nila sayo di ba? tapos yung part time job ko naman e iba kesa dun sa nature ng work namin, o di ba unfair?

Anyway, sa inis ko, nagresign ako, aba baket? andaming pwedeng applyan noh! sa swerte ko naman, pagkaresign na pagkaresign ko e may job offer na agad, at di hamak na mas okay kesa sa trabaho ko sa kanila, sus!

Eto naman ang nakakainis, after ko magresign, nabalitaan kong hindi na bawal magdala ng headset nyahahahah tapos si Ms. KIA, may part time! nyahahaha at katulad na katulad ng trabaho namin! and worse, pinagmamayabang nya pang may part time sya! o di ba kaloka? pano ka nga naman di mawawalan ng respeto sa kanya di ba? tapos ang yabang yabang pa, 2k daw sa isang araw ang kita nya dun sa part time nya! pekpek nya 2k! sino niloko nya! tapos malaman laman ko na lang, halos kalahati lang pala nung rate ko yung rate nya dun sa part time nya, tapos 2k sa isang araw??? tse!

Anyway, masyado na akong nagmumukhang maldita sa post ko, mabait naman ako eh, hindi lang halata, nyahahahah, oo pramis! tsaka ano ba mas mabute, yung mabait ka pero hindi halata, o yung mukha kang mabait pero hinde?

Friday, May 8, 2009

Ever heard of oDesk?

oDesk is an online system where buyer (the company) meets the provider (job seeker). In other words,oDesk is an employment agency for those who are looking for a job and for those companies who are looking for workers. So, if you are an independent contractor and you want to find contracts, then oDesk is for you. On the other hand, if you have a project that needs to be done and you want somebody to do it, then go ahead and register with oDesk, because there, you can find talented people who are willing to work for you at a reasonable price.

For the providers, to be able to get a contract, you must bid. This is a bidding process. The only way to win the bidding is to qualify for the job and to offer the cheapest reasonable price. Upon completion of the project, the provider and the buyer can then give each other feedback about the project itself, or just about each other.

I wish I was able to find oDesk when I was still in the Philippines so that I didn't have to deal with all the crap that went on at work. Oh well.

Click on the banner to get started.
The On Demand Global Workforce - oDesk

Grapevine - Budou no Ki


This is an excellent movie and I do recommend it to everyone. But before you watch it, I would like to remind you to have a box of tissue handy because it would be impossible for anyone to watch this movie without crying. I do not want to spoil this by telling the highlights so just watch it and see if I am wrong for giving this a rate of 10!

Grapevine.

Wednesday, May 6, 2009

ang bra, bow!







nung nasa pinas pa ako, hindi ako makalabas ng bahay ng hindi nagsusuot ng bra, sabi pa nga ni papaya_queen nung nasusunog yung condo nya, di bale ng malitson wag lang malitson ng walang bra, o di ba!

ano ba ang bra? para kay papaya_queen, ang bra ay dignidad, para sa mga flat chested, ang bra ay pampa-sexy lalo na pag wala namang ba-bra-han, para sa mga boobsy, ang bra ay pangtakip sa higanteng ut*ng, pero para sa akin, ang bra ay sagabal, ewan ko, pero kasi hindi ako kumportable ng naka-bra, kaya lang hindi naman ako makalabas nga ng bahay ng walang bra at andaming mga manyak!

pero dito sa tate, woohoo! walang pakealaman! sabi pa nga ni lolo ko, bat daw ako magsusuot ng bra, e kung hindi naman kailangan? nyahahahah nakakagala ako dito sa mall ng hindi nagsusuot ng bra, nakakapag-grocery kami ng wala akong bra, at higit sa lahat, laking tipid kasi hindi na ako bumibili ng bra, o davah! e panty kaya? secret! nyahahahaha

Friday, April 17, 2009