Ano mararamdaman mo pag nalaman mong binansagan ka ng mga subordinates mong Ms. KIA, as in Ms. Know-It-All? Matuwa ka kaya? Ano gagawin mo pag nalaman mong sinusunod ka lang ng mga subordinates mo pero hindi ka nirerespeto? Malalaman mo kaya na wala silang respeto sayo? E pano ka naman rerespetuhin kung ikaw mismo ang nagba-violate ng company policies? Tapos hindi mo maipaglaban yung karapatan ng mga tao mo. Ano pa silbi mo?
Ganito kase yun, nung kasama pa ako sa team nila, pinagbawal ang pagdadala ng headset dahil sa ka-voice chat ko asawa ko, okay sige nyahahahah letse tetano daw ako nun, pati yung part-time job ko e sinilip, sa pagkaka alam ko kase, bawal ang part-time job na katulad ng trabaho namin, which is hindi ko maintindihan, bakit bawal ang magkaroon ng part time job e kung hindi naman sapat ang kinikita mo sa company? kaya walang asenso sa pinas e, may mga walang kwentang policies na kung tutuusin e illogical, napaka-selfish, buti sana kung anlaki laki ng pinapasweldo nila sayo di ba? tapos yung part time job ko naman e iba kesa dun sa nature ng work namin, o di ba unfair?
Anyway, sa inis ko, nagresign ako, aba baket? andaming pwedeng applyan noh! sa swerte ko naman, pagkaresign na pagkaresign ko e may job offer na agad, at di hamak na mas okay kesa sa trabaho ko sa kanila, sus!
Eto naman ang nakakainis, after ko magresign, nabalitaan kong hindi na bawal magdala ng headset nyahahahah tapos si Ms. KIA, may part time! nyahahaha at katulad na katulad ng trabaho namin! and worse, pinagmamayabang nya pang may part time sya! o di ba kaloka? pano ka nga naman di mawawalan ng respeto sa kanya di ba? tapos ang yabang yabang pa, 2k daw sa isang araw ang kita nya dun sa part time nya! pekpek nya 2k! sino niloko nya! tapos malaman laman ko na lang, halos kalahati lang pala nung rate ko yung rate nya dun sa part time nya, tapos 2k sa isang araw??? tse!
Anyway, masyado na akong nagmumukhang maldita sa post ko, mabait naman ako eh, hindi lang halata, nyahahahah, oo pramis! tsaka ano ba mas mabute, yung mabait ka pero hindi halata, o yung mukha kang mabait pero hinde?
Sunday, May 17, 2009
Friday, May 8, 2009
Ever heard of oDesk?
oDesk is an online system where buyer (the company) meets the provider (job seeker). In other words,oDesk is an employment agency for those who are looking for a job and for those companies who are looking for workers. So, if you are an independent contractor and you want to find contracts, then oDesk is for you. On the other hand, if you have a project that needs to be done and you want somebody to do it, then go ahead and register with oDesk, because there, you can find talented people who are willing to work for you at a reasonable price.
For the providers, to be able to get a contract, you must bid. This is a bidding process. The only way to win the bidding is to qualify for the job and to offer the cheapest reasonable price. Upon completion of the project, the provider and the buyer can then give each other feedback about the project itself, or just about each other.
I wish I was able to find oDesk when I was still in the Philippines so that I didn't have to deal with all the crap that went on at work. Oh well.
Click on the banner to get started.

Grapevine - Budou no Ki

This is an excellent movie and I do recommend it to everyone. But before you watch it, I would like to remind you to have a box of tissue handy because it would be impossible for anyone to watch this movie without crying. I do not want to spoil this by telling the highlights so just watch it and see if I am wrong for giving this a rate of 10!
Grapevine.
Wednesday, May 6, 2009
ang bra, bow!

nung nasa pinas pa ako, hindi ako makalabas ng bahay ng hindi nagsusuot ng bra, sabi pa nga ni papaya_queen nung nasusunog yung condo nya, di bale ng malitson wag lang malitson ng walang bra, o di ba!
ano ba ang bra? para kay papaya_queen, ang bra ay dignidad, para sa mga flat chested, ang bra ay pampa-sexy lalo na pag wala namang ba-bra-han, para sa mga boobsy, ang bra ay pangtakip sa higanteng ut*ng, pero para sa akin, ang bra ay sagabal, ewan ko, pero kasi hindi ako kumportable ng naka-bra, kaya lang hindi naman ako makalabas nga ng bahay ng walang bra at andaming mga manyak!
pero dito sa tate, woohoo! walang pakealaman! sabi pa nga ni lolo ko, bat daw ako magsusuot ng bra, e kung hindi naman kailangan? nyahahahah nakakagala ako dito sa mall ng hindi nagsusuot ng bra, nakakapag-grocery kami ng wala akong bra, at higit sa lahat, laking tipid kasi hindi na ako bumibili ng bra, o davah! e panty kaya? secret! nyahahahaha
Friday, April 17, 2009
ang mga lalake talaga oo...
nung mga panahong kami pa, alam nyang mahal ko talaga sya, pero hindi nya ako pinaglaban, siguro nga kasi hindi pa sya handa, pero pilit kong inalagaan relasyon namin kasi nga inlove ako, at ayokong mapunta lang sa wala yung kung anumang meron kami, kaya lang, siguro nga ganun talaga ang buhay, nagkahiwalay kami ng hindi nagbbreak, sabi nga sa isang post na nabasa ko:
"Leaf's departure is because of Wind pursuit. Or because Tree didn't ask her to stay..."
nung nagkahiwalay kami, may dumating sa buhay ko, na handa kong iwan kung hahabulin nya lang sana ako, at kung ipinakita nyang ayaw nya akong mawala, babalik talaga ako sa kanya, at kahit kelan, hindi sya nawala sa puso ko, napunta na ako't lahat dito sa maynila, sya pa rin, sya ang laman ng blog ko, ng mga posts ko, naikwento ko din dito ang love story namin, ang pinakaromantikong date sa buhay ko, lahat na, napasikat ko nga sya ng hindi nya nalalaman eh, pero wala pa ring nangyari,
ginawa ko lahat para makontak sya, nakibalita ako sa mga kaibigan ko tungkol sa kanya, sinagot ko kapatid nya para lang magkaroon ako ng balita sa kanya araw araw, ganun ako naloka sa kanya, ganun ko sya minahal, nakaplano na nga ang gusto ko mangyari five years from now eh, kaya lang wala pa rin talaga,
in fairness naman sa kanya, kahit kelan hindi ko nabalitaan na nagkaroon sya ng iba maliban sa akin, wala syang naging girlfriend simula nung nagkahiwalay kami, kaya hindi ako mawalan walan ng pag asa na magkakabalikan kami kasi nga wala naman syang nililigawan dun, kaya lang, nakakapagod ding maghintay, lalo na kung naghihintay ka sa wala, at wala naman akong makitang effort mula sa kanya para makontak ako,
hanggang sa dumating ang asawa ko sa buhay ko, na labis kong pinagpapasalamat kasi nga ang saya saya ko ngayon, wala na akong mahihiling pa sa kanya,
tapos bigla akong makakatanggap ng text isang gabi, "musta ka na?" tapos tatawag na lang bigla at sasabihing "ano bang meron ka at hindi ka mawala wala sa isip ko? magkita tayo bukas na bukas din!"
weh! ano daw? after five years? hay nako, ang mga lalake talaga oo...

romantic date (fiction)
ano ang pinakaromantic date nyo? ako eto:
bandang alas dos ng hapon, sinundo niya ko sa bahay, pumunta kami sa beach, siguro 20 minutes din kaming nagbiyahe, tapos pagdating namin sa beach, pumunta kami sa pinakamataas na cottage, kwentuhan muna, tapos harutan, mayamaya lang, lambingan na, nga pala may dala kaming radio para may music naman kami.
Pagkatapos, bumaba na kami sa dagat, nagulat siya ng hinubad ko ang damit ko, naka swim suit ako hehe.. di sya sanay kasi nga laking probinsya, pero okay lang, tapos nag laro kami, mataya-taya, palaging siya ang taya, mabilis kasi akong tumakbo eh, kakapagod maghabulan, at nakakagutom din, kaya kumain kami ng baon namin, kamoteng kahoy na sinasawsaw sa sukang may asin, tapos ang inumin namin ay coke, syempre sosyal kami hehehe...
pagkakain, niyaya niya kong mamangka, nga pala, lolo niya may ari ng mga cottages sa beach, tapos namangka kami, nung andun na kami sa dagat, dun ko siya pinagmasdang mabuti.
hindi ko alam kung proposal na ba yun, basta ang sabi niya, kayang kaya niya na daw akong buhayin kung papayag daw ako, kaya lang sa probinsya kami titira, sobrang tuwa ko nun, siya ang unang nagsabi sakin nun, nung narinig ko yun, parang ayaw ko ng bumalik kami sa pampang, parang gusto kong maging isda na lang kami pareho, para manatili na lang sana kami sa kinaroroonan namin nung mga panahong iyon,
dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko, nilapitan ko siya at hinalikan ko siya, sabay talon sa tubig, di nagtagal sumonod na rin siya.
Pagbalik namin sa pampang, nakita kami ng lolo niya, sabay sabi, "o ano, siya na ba?" nakangiti ang lolo niya sakin, sumagot naman siya, "kung papayag siya," hehehe touched ako dun, ngiti lang iginanti ko sa kanya...
Pauwi na kami, siguro alas sinko na ng hapon, at dahil gusto ko pa siyang makasama, sinabi ko kung pwedeng maglakad kami kahit napakalayo, umoo naman siya, di man lang nagpapilit,
magkahawak kamay kaming umuwi, ganun pa rin, harutan sa daan, para kaming mga bata, sabay nanakaw ng halik pag walang taong nakakakita...
nung nakarating kami sa bayan, magkahawak kamay pa rin kami, kahit pagod, masaya naman kami...
yang ang date na hinding hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon, yang ang klase ng date na pinapangarap ko, sana mangyari ulit...
ikaw? kwento ka naman ng sayo...

Subscribe to:
Posts (Atom)