Friday, April 17, 2009

romantic date (fiction)

ano ang pinakaromantic date nyo? ako eto:

bandang alas dos ng hapon, sinundo niya ko sa bahay, pumunta kami sa beach, siguro 20 minutes din kaming nagbiyahe, tapos pagdating namin sa beach, pumunta kami sa pinakamataas na cottage, kwentuhan muna, tapos harutan, mayamaya lang, lambingan na, nga pala may dala kaming radio para may music naman kami.

Pagkatapos, bumaba na kami sa dagat, nagulat siya ng hinubad ko ang damit ko, naka swim suit ako hehe.. di sya sanay kasi nga laking probinsya, pero okay lang, tapos nag laro kami, mataya-taya, palaging siya ang taya, mabilis kasi akong tumakbo eh, kakapagod maghabulan, at nakakagutom din, kaya kumain kami ng baon namin, kamoteng kahoy na sinasawsaw sa sukang may asin, tapos ang inumin namin ay coke, syempre sosyal kami hehehe...

pagkakain, niyaya niya kong mamangka, nga pala, lolo niya may ari ng mga cottages sa beach, tapos namangka kami, nung andun na kami sa dagat, dun ko siya pinagmasdang mabuti.

hindi ko alam kung proposal na ba yun, basta ang sabi niya, kayang kaya niya na daw akong buhayin kung papayag daw ako, kaya lang sa probinsya kami titira, sobrang tuwa ko nun, siya ang unang nagsabi sakin nun, nung narinig ko yun, parang ayaw ko ng bumalik kami sa pampang, parang gusto kong maging isda na lang kami pareho, para manatili na lang sana kami sa kinaroroonan namin nung mga panahong iyon,

dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko, nilapitan ko siya at hinalikan ko siya, sabay talon sa tubig, di nagtagal sumonod na rin siya.

Pagbalik namin sa pampang, nakita kami ng lolo niya, sabay sabi, "o ano, siya na ba?" nakangiti ang lolo niya sakin, sumagot naman siya, "kung papayag siya," hehehe touched ako dun, ngiti lang iginanti ko sa kanya...

Pauwi na kami, siguro alas sinko na ng hapon, at dahil gusto ko pa siyang makasama, sinabi ko kung pwedeng maglakad kami kahit napakalayo, umoo naman siya, di man lang nagpapilit,

magkahawak kamay kaming umuwi, ganun pa rin, harutan sa daan, para kaming mga bata, sabay nanakaw ng halik pag walang taong nakakakita...

nung nakarating kami sa bayan, magkahawak kamay pa rin kami, kahit pagod, masaya naman kami...


yang ang date na hinding hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon, yang ang klase ng date na pinapangarap ko, sana mangyari ulit...


ikaw? kwento ka naman ng sayo...

No comments:

Post a Comment