Friday, April 17, 2009

roasted chicken

This was our main dish last night.

ang mga lalake talaga oo...

nung mga panahong kami pa, alam nyang mahal ko talaga sya, pero hindi nya ako pinaglaban, siguro nga kasi hindi pa sya handa, pero pilit kong inalagaan relasyon namin kasi nga inlove ako, at ayokong mapunta lang sa wala yung kung anumang meron kami, kaya lang, siguro nga ganun talaga ang buhay, nagkahiwalay kami ng hindi nagbbreak, sabi nga sa isang post na nabasa ko:

"Leaf's departure is because of Wind pursuit. Or because Tree didn't ask her to stay..."

nung nagkahiwalay kami, may dumating sa buhay ko, na handa kong iwan kung hahabulin nya lang sana ako, at kung ipinakita nyang ayaw nya akong mawala, babalik talaga ako sa kanya, at kahit kelan, hindi sya nawala sa puso ko, napunta na ako't lahat dito sa maynila, sya pa rin, sya ang laman ng blog ko, ng mga posts ko, naikwento ko din dito ang love story namin, ang pinakaromantikong date sa buhay ko, lahat na, napasikat ko nga sya ng hindi nya nalalaman eh, pero wala pa ring nangyari,

ginawa ko lahat para makontak sya, nakibalita ako sa mga kaibigan ko tungkol sa kanya, sinagot ko kapatid nya para lang magkaroon ako ng balita sa kanya araw araw, ganun ako naloka sa kanya, ganun ko sya minahal, nakaplano na nga ang gusto ko mangyari five years from now eh, kaya lang wala pa rin talaga,

in fairness naman sa kanya, kahit kelan hindi ko nabalitaan na nagkaroon sya ng iba maliban sa akin, wala syang naging girlfriend simula nung nagkahiwalay kami, kaya hindi ako mawalan walan ng pag asa na magkakabalikan kami kasi nga wala naman syang nililigawan dun, kaya lang, nakakapagod ding maghintay, lalo na kung naghihintay ka sa wala, at wala naman akong makitang effort mula sa kanya para makontak ako,

hanggang sa dumating ang asawa ko sa buhay ko, na labis kong pinagpapasalamat kasi nga ang saya saya ko ngayon, wala na akong mahihiling pa sa kanya,

tapos bigla akong makakatanggap ng text isang gabi, "musta ka na?" tapos tatawag na lang bigla at sasabihing "ano bang meron ka at hindi ka mawala wala sa isip ko? magkita tayo bukas na bukas din!"

weh! ano daw? after five years? hay nako, ang mga lalake talaga oo...

romantic date (fiction)

ano ang pinakaromantic date nyo? ako eto:

bandang alas dos ng hapon, sinundo niya ko sa bahay, pumunta kami sa beach, siguro 20 minutes din kaming nagbiyahe, tapos pagdating namin sa beach, pumunta kami sa pinakamataas na cottage, kwentuhan muna, tapos harutan, mayamaya lang, lambingan na, nga pala may dala kaming radio para may music naman kami.

Pagkatapos, bumaba na kami sa dagat, nagulat siya ng hinubad ko ang damit ko, naka swim suit ako hehe.. di sya sanay kasi nga laking probinsya, pero okay lang, tapos nag laro kami, mataya-taya, palaging siya ang taya, mabilis kasi akong tumakbo eh, kakapagod maghabulan, at nakakagutom din, kaya kumain kami ng baon namin, kamoteng kahoy na sinasawsaw sa sukang may asin, tapos ang inumin namin ay coke, syempre sosyal kami hehehe...

pagkakain, niyaya niya kong mamangka, nga pala, lolo niya may ari ng mga cottages sa beach, tapos namangka kami, nung andun na kami sa dagat, dun ko siya pinagmasdang mabuti.

hindi ko alam kung proposal na ba yun, basta ang sabi niya, kayang kaya niya na daw akong buhayin kung papayag daw ako, kaya lang sa probinsya kami titira, sobrang tuwa ko nun, siya ang unang nagsabi sakin nun, nung narinig ko yun, parang ayaw ko ng bumalik kami sa pampang, parang gusto kong maging isda na lang kami pareho, para manatili na lang sana kami sa kinaroroonan namin nung mga panahong iyon,

dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko, nilapitan ko siya at hinalikan ko siya, sabay talon sa tubig, di nagtagal sumonod na rin siya.

Pagbalik namin sa pampang, nakita kami ng lolo niya, sabay sabi, "o ano, siya na ba?" nakangiti ang lolo niya sakin, sumagot naman siya, "kung papayag siya," hehehe touched ako dun, ngiti lang iginanti ko sa kanya...

Pauwi na kami, siguro alas sinko na ng hapon, at dahil gusto ko pa siyang makasama, sinabi ko kung pwedeng maglakad kami kahit napakalayo, umoo naman siya, di man lang nagpapilit,

magkahawak kamay kaming umuwi, ganun pa rin, harutan sa daan, para kaming mga bata, sabay nanakaw ng halik pag walang taong nakakakita...

nung nakarating kami sa bayan, magkahawak kamay pa rin kami, kahit pagod, masaya naman kami...


yang ang date na hinding hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon, yang ang klase ng date na pinapangarap ko, sana mangyari ulit...


ikaw? kwento ka naman ng sayo...

romantic tragedy... part 1

This song is very special as for me. This is the one that really describes my real feelings toward this man. Not only that, listening to every word of this piece is like listening to our story, our very own love story. I’m very happy to find it here.

Siya si Neil, at ako si Eil (pronounces as Ayel). Dati kaming magkaklase nung grade school. Pero di kami close, maloko kasi siya e. Tapos naging kapitbahay namin siya, pero sadyang maloko talaga kaya di ko siya naging kabati.

High school, sa ibang school ako nag-aral dahil lumipat kami ng bahay. Simula non, hindi nako nagawi sa bayan namin.

Second year high school nung muli kong makita si Neil. Binatilyo na siya. Nagkita kami sa school kung saan ako nagha-high school. Athlete kasi siya e, pareho kami. Alam kong nakikilala niya ko, pero hindi pa rin kami nag usap, naiilang kasi ako sa kanya. One week din kaming magkasamang di nag-babatian. Pagkatapos ng event, di ko na siya nakita pa.

October 2002 nung umuwi ako sa probinsya. Nakakatamad sa bahay kaya naisipan kong umuwi sa bayan namin, sa mga pinsan ko.

Iba pala talaga ang feeling pag matagal kang hindi nakauwi, pero halos walang nagbago sa bayan namin, ganun ang ganun pa rin ang ambiance.

Lumabas agad kami ng bahay ng pinsan ko para hanapin yung kapatid niya. Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti, pano ba naman, dun ako halos lumaki na, at pagkatapos ng siyam na taon, eto akong muli.

Habang naglalakad kami, may nakita akong lalaking nakatingin at nakangiti agad sakin. Una, hindi ko agad matandaan yung pangalan niya kaya nagtanong pako sa pinsan ko, “sino nga yun?” “Si Neil.” Ayun, siya nga! At nag-iba na itsura niya, kung dati hindi ko makitang gwapo siya, ngayon, oo, yun na ang tamang description sa kanya. Panahon lang pala ang kailangan para lumabas ang pagkagwapo niya na hindi ko makita sa kanya nung mga bata pa kami.

Kaya lang may karga siyang bata! Kaya imbes na “kamusta” ang una kong masabi, “Anak mo?” ang nasabi ko. Pamangkin niya daw. Gusto ko pa sana siyang kausapin, kaya lang itinuro niya na agad sakin yung mga dati kong kaklase na tulad ko, dalaga na rin, at ang gaganda namin, hehehe…Gulat sila nung nakita ako, at bigla ko silang namiss grabe.

Gabi gabi na kami lumalabas, hanggang bayan lang naman kami e, lakad lakad lang, tambay lang sa beach, padalaw dalaw sa mga teachers namin nung elementary. Kung dati terror sila samin, ngayong mga dalaga’t binata na kami, hindi na, instead, parang mga kabarkada na lang namin sila.

Isang gabi na magkakasama kami, napansin kong si Neil ang pinakatahimik sa lahat. Siya yung palaging nasa hulihan, pero nagsasalita naman pag kinakausap. Sa bakada, palagi talagang meron mas close sayo. Kaya nung pagkaupo namin sa may flower pot, humiwalay yung dalawang babae, hanggang sa naiwan ako kina Neil at Dante. So sila ang kinausap ko, puro kalokohan lang naman ang pinag uusapan namin. Tapos may sayawan pala non, malapit lang sa pinupwestuhan namin. Bigla na lang akong niyaya ni Neil na sumayaw, hindi ako marunong, wala daw problema dun sabi niya, hindi rin daw kasi siya marunong hehehe..

Hindi naman talaga kami nakapagsayaw, lumayo lang kami sa mga kaklase namin. Nagusap lang kami, konting kamustahan, tapos yun lang. Wala pa siguro kaming 30 minutes na nag uusap, dumating yung pinsan ko at niyaya na kong umuwi kasi daw andun na si kuya niya, baka daw makita kami. Kaya yun, medyo bitin yung pag uusap namin.

Tapos nung gabi, sabi ko sa pinsan kong parang nagiging crush ko na siya, sabi naman ng pinsan ko, dati daw nanligaw sa kanya yon, wala lang, loko-lokohan lang.

Isang gabi ang ulan ulan, tapos nakakatamad talaga sa bahay ng pinsan ko kasi wala man lang TV, sawa na ko sa kakapakinig ng mga CD ko, buti na lang, pumunta si Donna sa bahay, tapos tyempo namang wala ng ulan, tinatamad din daw sya kaya lumabas kami para pumunta sa tambayan. Kaya lang wala dun yung mga barkada namin, pero naghintay pa rin kami. Maya maya lang, ayan na si Tisoy. Si Tisoy, tisoy talaga siya, gwapo, parang artistang naligaw sa probinsya. Lumapit siya samin. Kwentuhan ulit. Mayamaya lang, eto na ang pinakahihintay ko, si Neil!

Kaya lang, lasing siya! Kaya medyo madaldal, tapos maloko, panay ang titig sakin. Tinutukso na kami nung dalawa, hehehe kinikilig ako. Tapos dumadami na yung tao sa pinupwestuhan namin, hindi ko mga kilala yung iba, tapos hindi ko na namalayan na wala na si Donna at si Tisoy, hmm san kaya sila nagpunta? Hehehe anyway, since wala na kong masyadong kakilala dun, sinabi ko kay Neil na ihatid na niya ko. Magpahatid daw ba, hehehe.. Hindi bale, willing naman siya e. Tapos hinatid na niya ko. Lakad lakad, tapos minsan nasasanggi pa niya yung kamay ko, nanadya baga. Siguro dalawang bahay na lang at bahay na namin, bigla pang bumuhos ang ulan. Grabe! Ano ba to pagkakataon? Sumilong kami sa bahay ng dati namin kaklase, si Chris, kaya lang sarado na at napakadilim pa kasi nga probinsya pa yung samin, la pang street light. Ako pa naman ginawin, at talaga namang nanginginig ako sa lamig! Masyadong mahina ang tolerance ko sa lamig. Nahalata niya siguro na giniginaw na ko, kaya sabi niya, “pwede mo kong yakapin kung gusto mo para hindi ka masyadong ginawin,” hehehehe what an offer! Syempre tumanggi pa ko nung umpisa, sabi ko “hindi okay lang, titila din naman yan maya maya lang” pero siguro 30 minutes na hindi pa rin humihina yung ulan, parang bumabagyo. Ano ba to? Pagkakataon? Pinagbibigyan ba kami? Hehehe I don’t know. Tapos nung halos nanunuot na sa buto ko yung lamig, feeling ko nagfreeze nako, yumakap na ko sa likod niya. Walangya naman, para siyang nilalagnat, hahaha. Pero okay lang, nawala bigla yung ginaw ko.

Tapos dun na siya nagsimulang magsalita. Sabi niya, “hindi ko alam kung bakit ganito, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko sayo, hindi ako sigurado, ang alam ko lang, hindi ka na nawawala sa isip ko simula nung nakita kita ulit, kaw ba, ganito rin ba nararamdaman mo?” Dyuskoday! Halos hindi ako makaimik sa sinabi niyang ito, lalo na’t hawak niya na ang mga kamay ko, ang tanging nasabi ko lang, “lasing ka Neil, hindi mo alam ang sinasabi mo” sumagot naman siya, “pasalamat ka nga at lasing ako, dahil kung hindi, hindi ko to masasabi sayo,” tapos tumahimik lang ako, ipinikit ko ang mga mata ko, lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa likod niya, gusto kong tumatak sa isip ko yung eksenang yun, yung kaming dalawa lang, madilim, umuulan, bumabagyo, nakayakap ako sa likod niya, hawak niya ang mga kamay ko, gusto kong manatili sa isip ko ang alaalang yun.

Nung mga pagkakataong iyon, ayoko munang mag isip, ayokong bigyang daan ang duda sa puso ko, ang tanging gusto ko lang ay pagbigyan ang sarili ko, yung sundin ang gusto ng puso ko. Ayoko munang magpakaipokrita, ayoko munag isipin na aalis din ako agad para bumalik sa maynila. Kaya naman ang sabi ko sa kanya “alam mo, hindi ko rin alam ang sasabihin ko sayo, basta ang alam ko, masaya akong kasama kita ngayon, hindi na rin ako mahihiyang aminin sayo na iniisip din kita gabi gabi simula ng makita kita,” tapos sumagot siya, “kaya mo bang tanggapin kung ano lang ako?” sabi ko naman, “hindi mahalaga sakin kung ano ka, ako, matatanggap mo ba kung ano ako?” at ang sabi niya, “oo naman” hehehehe at kami na nga. “Bukas kaya, pag nahimasmasan kana, maalala mo pa kaya yung sinabi mong yan?” “kahit naman lasing ako, alam ko ginagawa at sinasabi ko,” “sinabi mo yan ha,” Kinilig ako, hanggang ngayon andito pa rin ang pamilyar na pakiramdam na yun, hindi nawawala, kahit matagal ng nangyari.

Ambilis diba? Ambilis talaga. Pero hindi na mahalaga yun, ang tanging mahalaga ay masaya kami pareho sa nararamdaman namin.

Sa wakas, tumila na ang ulan, pero ayaw pa naming umuwi, kaya umupo muna kami sa may flower pot sa harap ng bahay nila Chris. Ganito ang pwesto namin, nakasandal siya sa semento at nakasandal ako sa hita niya paharap sa kanya. Wala lang, nakuntento na kami sa hawak lang ng kamay, titigan kahit madilim. Ang saya namin nun, kahit walang nagsasalita samin, siguro ganun talaga, pag nakakaintindihan ang puso nyo, wala ng halaga ang salita, para sakin, yun na ang the best moment na tinitreasure ko. Habang nasa ganung ayos kami, tong kantang to ang naririnig naming pinapatugtog sa kung saan, basta dinig na dinig namin.

Maya maya lang, kinabig niya ko sa dibdib niya, tapos yakap yakap niya lang ako. Hanggang sa halos naiidlip na ko sa ganung ayos namin. Malamig sa labas, pero hindi ko maramdaman. Para kaming nasa ibang mundo, yung kaming dalawa lang.

Dun sa kinapwepwestuhan namin, tanaw namin yung tambayan ng mga kabarkada namin, habang nasa ganung pwesto kami, nakita na namin na andun nay ung mga barkada namin. Pero mas ginusto pa naming magsolo na lang, tutal, pagkakataon na namin to, kasi paalis na din ako nun.

Ayos na sana, kaya lang umaambon na naman, kaya sa ayaw namin at sa gusto, kelangan na naming umuwi. Inihatid na niya ko sa bahay namin, hindi siya umaalis hanggat hindi ako nakakapasok sa bahay. Nung pumasok nako, saka siya tumalikod, pero parang may kulang pa, kaya hindi ako nakatiis at tinawag ko siya, “Sandali!” Noon na ko tumakbo para yakapin siya at halikan. First kiss namin. Hindi ko alam kung gano katagal. Hindi na mahalaga yun, parang biglang tumigil ang mundo nung mga sandaling yon. Niyakap niya rin ako ng mahigpit, mahigpit na mahigpit. Dahil siguro sa sobrang tuwa ko din, kaya napaiyak ako. Unexplainable yung halik na yon, unforgettable. Sabi ko, “uuwi nako bukas samin, mamimiss kita,” ang hindi niya alam, malapit na din akong bumalik ng maynila, hindi ko sasabihin sa kanya, ngayon pa na kami na? Ayoko. Gusto ko bago ko umuwi ng maynila, gusto kong naging masaya kami, tutal yung alaalang yun ang babaunin ko pag alis ko. Ang sabi niya naman, “ihahatid kita hanggang sa inyo, hintayin mo ko,” “Sige” tapos isang halik pa bago ko tuluyang pumasok ng bahay.

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto namin ng pinsan kong si Enoy, patingkayad pa ko kasi tulog na sila kuya sa salas. Pagkapasok ko sa kwarto, aba at gising pa, nakangiti, nakakalokang ngiti, ako naman ewan ko ba pero hindi pa rin mawala sa mukha ko ang ngiti ko. “Nakita ko kayo hehehe” sabi niya sakin, “Kayo na no?” ngumiti lang ako, “sana lang wag kang magkaproblema sa pag alis mo,” sabi ko naman, “okay lang, kakayanin ko, at eto pa, ihahatid niya ko bukas! Yessss!” humaglpak ng tawa ang pinsan ko, “sana lang wag niyang makalimutan ang mga sinabi niya,” Pero ang sakin lang, imposibleng makalimutan niya yung sinabi niya, yung ihahatid niya ko, pwede nya pang makalimutan yun, kaya hindi ako umasa dun, kasi nga gabi na at maaga pakong magbibiyahe bukas. Pero yung moment namin, imposibleng makalimutan niya yung tagpong yon, imposible.

Kinabukasan, parang nagdilang anghel si Enoy, yung pinsan ko, hindi nga siya dumating para ihatid ako, usapang lasing nga. Hay naku! Okay lang kahit medyo mabigat sa loob ko na umuwi mag isa, pero hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya, mas nangingibabaw pa rin yung sayang nararamdaman ko nung nagdaang gabi. Imposibleng makalimutan niya yon. Imposible talaga.

romantic tragedy... part 2

Sa wakas papunta na ulit ako ng hernani matapos ang mahabang paliwanagan at paalaman kay nanay. Hayyyy kung hindi ko lang namimiss si Neil, well sa totoo lang, miss na miss ko na siya. Mag iisang linggo na ding hindi ko siya nakikita. Excited na talaga kong makita ulit siya.

Nagulat pa si Enoy nung nakita niya kong bumaba ng jeep. Sabik din kasi sya sa kasama, at sa aming magpipinsan, kaming dalawa ang pinakaclose. At nagulat din ako sa ibinalita niya sakin, buntis daw siya, at walang ibang nakakaalam kundi ako siya at ang boyfriend niya. Problema yun, pero gayunpaman, okay na rin ako para sa kanya, kasi wala namang balak ang boyfriend nya na iwanan siya.

Wala lang, hehehe, bigla ko lang naisip, ano kaya kami ni Neil? Hehehe… anu nga kaya kung magkababy na rin kami? Hahaha! Dyuskupo! Hindi pa ko ready no, pero bakit naman si Enoy? Hindi pa rin naman siya ready diba? Hahaha! Ako lang tong nag iisip ng ganito, nakakahiya kay Neil pag nalaman niya, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag isip.

Ako naman ang pumunta kina Donna nung gabing yon at sa kanya ko din nabalitaan na may reunion pala ang batch namin. Hmmnn… hehehe… what if malaman nilang kami na? Tsaka hindi pa namin napapag usapan kung ipapaalam namin na kami na nga, ah basta maghihintay na lang ako ng mga pangyayari.

Lumipas ang gabing yun na hindi ko sya nakita, alam ko namang hindi niya alam na andito na ulit ako pero naiinis ako na hindi ko sya nakita bago ko mahiga. Namimiss ko na talaga siya.

Kinabukasan, tanghali na ko nagising, pinuntahan nako sa bahay ng mga kaibigan namin, dun kami nagprepare ng mga pagkaing dadalhin namin sa beach, kasi sa beach lang naman pinakamagandang icelebrate ang reunion dun. Matatapos na kami magluto pero wala pa siya, hindi ko pa siya nakikita, hindi nako nakatiis, nagtanong nako, “Nelia asan si Neil” sabay sabay kamo silang lumingon sa kin, “Uy namimiss!” hahaha! Ang lalakas nilang mang asar! Halatang halata bako? Gusto ko mang itago ang ngiti ko pero hindi ko magawa, “baket masama bang magtanong?” hehehe…Ewan ko ba pero hindi na natapos ang panunukso nila sakin, ang hirap ng ganun, kasi ako lang mag isa ang inaasar nila, dapat dalawa kami! Hahaha!

Gayunpaman, pumunta na kami sa beach, marami rami rin kami, nakita ko ulit yung mga kabatch kong iba, at yung iba may mga dalang anak na. Ewan ko pero parang bigla akong naiingit, hehehe konti lang naman.

Mahigit isang oras na pero wala pa siya, hindi na ko nakatiis, nagtanong nako kay Nelia, “nasabihan nyo ba si Neil? Pupunta ba siya?” “nasabihan yun, at tsaka pupunta yun, yun pa, hehehe, ayan na siya oh” sabay lingon ko at nakita ko siya! Shet ang gwapo ng boyfriend ko. Hehehe…

Nakangiti agad sya sakin, tapos tinukso na agad kami, “o ayan na pala yung hinihintay mo,” Dyuskupo ang kukulit nila, nahihiya tuloy ako kay Neil. “musta?” sabi niya sakin, “okay lang, bat ngayon ka lang, hindi mo man lang kami tinulungan,” sabi ko, wala lang, nasabi ko lang kasi hindi ko alam sasabihin ko, bigla akong ninerbyos ngayong andito na siya, parang may paruparo sa tyan ko, grabe!

Pero para matigil na rin sila sa pang aasar, pinanindigan ko na, tinawag ko na si Neil at pinaupo ko siya sa tabi ko, yes! Hindi ko maiwasang hindi mangiti, ganun din naman siya, basta tuloy pa rin ang kwentuhan ng mga alaskador. Pero ang napapansin ko, kanina magkadikit lang ang braso namin, aba! Ngayon nakayakap na siya sakin! Hinayaan ko lang, gusto ko rin naman. Maya maya lang, may ibinulong sya sa kin, “sinabi mo na sa kanila?” “hindi pa, pero tingin ko hindi na kelangan,” Basta ang lambing lambing nya, may pahalik halik pa sa buhok ko, at sa harap ng mga kaklase namin yun ha. PDA nga daw kami, e ano naman nga diba? Sila nga, ganito rin siguro sila dati, kaya ngayon may mga anak na sila. Nga pala, tatlong pares na sa mga kaklase namin ang nagkatuluyan, tatlong pares din ang steady, at isa na kami ni Neil dun, hehehe.

Eto na, pictorial na! Dyuskupo! Andami naming picture na nakayakap siya sakin! Lagot ako sa nanay ko. Hahaha! Pero wala akong pakialam. Pagkatapos nun, lumayo muna kami, pumunta muna kami sa may dagat, in short magsosolo muna kami, ang lakas nga nilang mang-asar e, wala lang umupo lang kami sa puting buhangin, syempre medyo matagal din kaming hindi nagkita noh, la lang namiss lang namin isat isa. Nakaupo lang kami sa buhangin, tapos syempre nakaakbay siya sakin, ano pa nga ba, hehehe

Ang sarap pala ng ganun, yun bang wala kayong pakialam sa mundo, magkatabi lang naman kami sa buhanginan, nakasandal ako sa dibdib niya at nakayakap siya sakin, walang nagsasalita samin, pinapanood lang namin ang dagat. Sapat na yun, hindi na kelangang magsalita.

Halos kalahating oras na kami sa ganung ayos nang may ibinulong siya sakin, “hindi ka siguro maniniwala, pero sayo ko lang naramdaman to,” kinilig naman ako, napakalambing naman ng nobyo ko, “ano naman yun?” “hindi ko nga alam kung ano to e,” “sasabihin mo lang na mahal mo na ko, hindi mo pa masabi,” hahahha! Dun siya natawa, masyado daw akong prangka, pero ganun talaga ko, “oo na, mahal nga kita, masaya ka na ba?” ang lakas ng boses niya nung sinabi niya to, nananadya, gustong iparining sa lahat ang pinag uusapan namin, “syempre masaya, lika nga dito,” sa pagkakataong iyon, ako ulit ang humalik sa kanya, pero saglit lang naman, kahit papano alam ko pa ring may mga tao sa paligid namin.

Tapos may binulong ulit siya sakin, dun ako natawa, tapos nagpaalam kami sa mga kasama namin, at syempre hindi matapos tapos ang pang aasar nila. Hehehe, umalis kami gamit ang motor niya. Ano kaya iniisip nila? heheheheh

Ang layo ng pinuntahan namin, siguro 20 minutes kaming nagbiyahe, dapit hapon na nun.

Dinala niya ko sa beach, sabi niya lolo niya ang may ari nun, walang tao. Tapos pinuntahan namin yung pinakamataas na cottage, “ako ang hari dito, dito ako madalas pumunta, dito ako tumatambay, wala lang, mahilig lang akong mag isa,” sabi niya, “at ako ang magiging reyna nito, at gusto kong ako lang ang dadalhin mo dito, wala ng iba pa,” tapos niyakap niya ko, “ako lang ha, ako lang,” sabi ko habang yakap yakap niya ko, “masusunod kamahalan,” hahahaha para kaming mga baliw.

Tapos nagstay muna kami dun ng mahigit isang oras, la lang, nagmomoments lang kami, hehehe…

Madilim na nung bumalik kami sa mga kaklase namin, at ang kukulit nila! Panay ang pang aasar nila samin, Hehehe tawa lang naman kami ng tawa ni Neil ko.

Neil ko, oo akin lang siya, at hindi siya makukuha ng iba, sa mga tingin pa lang niya sa kin, hindi maaaring ikaila na ako ang nagmamay ari sa kanya. Ako lang.

Isang gabi naman, dinalaw niya ko sa bahay, kami lang ni Enoy ang tao, tapos la pa sa mood, ewan ganun daw talaga ang buntis, moody.

Pinatuloy ko sya sa terrace, at kahit may upuan, sa hita niya ko umupo, hehehe, wala lang, miss nya lang daw ako, ako din naman, ewan ko ba, pero parang kahapon lang magkasama kami, hehehe

“ano ba yan dadalaw ka sakin la ka man lang dala,” “meron naman, kendi gusto mo?” hehehe “syempre,” kaya lang kinakain na niya yung kendi, alam nyo na siguro kung pano ko yun kinuha sa kanya, hahahah

at nasa ganung akto kami ng may biglang tumikhim sa likuran namin, hahahah

“ehem!” ang tito ko! Hahahahah bigla akong nataranta. Napatayo agad ako, nyahahah “gandang gabi po” sabi ni neil, tumango lang sit song sa kanya “tsong, andyan po pala kayo hehehe,” palusot ko, “oo, andyan ba si Enoy?” “nasa kwarto po,” “pakisabi pumunta siya mamaya sa bahay, may pag uusapan kami, sige na, Oy Neil, wag kayong lalabas pa,” “opo!”

At umalis na din agad si tsong! Hahahhha grabe! Ang kaba ko nun, kala ko papagalitan ako heheheh, pero kinabahan din ako para kay Enoy, alam na ba ni tsong?

Nagkatawanan talaga kami at balik ulit sa pagkuha ng kendi sa kanya, hehehe, dun namin napagusapan ang magiging
first date namin, na sabi niya ay kakaiba sa lahat ng mga naging date ko dati, yun daw yung date na hinding hindi ko makakalimutan, hmmnnnn…

Actually, everything about my Neil is unforgettable. Hanggang diyan na lang muna, haba na e...

romantic tragedy... part 3

The real essence of romantic love, is that wonderful beginning, after which, sadness and impossibility may become the rule.

Sa kaso namin ni Neil, totoong totoo ito. Oo, hindi kami nagkatuluyan gaya siguro ng iniisip ng marami. Magtatanung siguro kayo kung bakit, ewan ko, sadyang ganun lang talaga ang buhay.

Nung minsang pauwi kami, magkahawak kamay pa kaming naglalakad, walang pakialam sa sasabihin ng iba, bingi sa mga bulung bulungan sa paligid tungkol samin, at bulag dahil sa wala kaming ibang nakikita kundi ang isa’t isa lamang.

Dahil siguro sa masyado pa kaming lasing sa nararamdaman naming saya, hindi namin namalayan na may nakamasid pala samin. At nakasunod samin. Ang mama niya.

Alam ko naman yun, alam kong ayaw sakin ng parents niya. Pano ko nalaman? Kay Donna. Minsan isang gabi nagkausap kami ni Donna. Sa kanya ko nalaman na si Rachel, yung kapatid ni Neil na sumunod sa kanya, nakapag asawa ng taga ibang relihiyon. Nagpalit ng relihiyon si Rachel. Sumunod siya sa relihiyon ng napangasawa niya. Nalaman ko kay Donna na itinakwil si Rachel ng parents nyo, pati na ng ibang kapatid mo.

Sinabi sakin ni Donna yung sinabi ng mama mo. “Nawala na nga si Rachel, pati ba naman si Neil?” Ayaw sakin ng mama mo dahil magkapareho na kami ni Rachel. Natatakot din siyang baka ikaw ang sumunod. Na siyang gusto ko. Dun ako nagsimulang magkaroon ng alinlangan sa ating dalawa.

Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka sakin. Kaya kinausap kita Neil. Natatandaan mo ba yun? Sinabi ko pa nga sayo na handa akong hintayin ka, na hindi naman talaga ko umaasa na gagawin mo yung ginawa ni Rachel para sa napangasawa niya, ang gusto ko lang, ipaglaban mo ko. Yun lang ang hinintay kong gawin mo.

Ito hindi mo pa to alam. Hindi ko na sinabi sayo. Hindi mo na din kasi kelangang malaman pa. Isang gabi, kakauwi lang natin galing sa palagi nating pinupuntahan. Siguro wala pang isang oras kang nakakaalis sa bahay namin, dumating si Ate Lucille, yung ate mo. Hindi naman talaga ako ang pakay niya, si Ate Flor ang hinahanap niya. Pero wala pa si ate flor nun, ako pa lang sa bahay. Naiilang man ako, pero hinarap ko si ate mo.

Kamustahan lang kami nung umpisa. Small talk. Hanggang sa napunta sayo ang usapan. Sinabi niya sakin na hindi ka pa nga daw pwedeng mag-asawa. Na marami ka pa daw responsibilidad sa pamilya nyo. Na marami ka pang mga pangarap sa buhay. Hindi naman niya ko diniretsang iwasan na kita, pero yun na yun! She was saying things to mean another thing! I’m not that stupid not to understand what she was saying! Hindi rin ako ganun kamanhid. Alam na alam kong ayaw sakin ng pamilya mo. Hindi ka pa daw pwedeng mag asawa, pero bakit panay ang pahiwatig mo sakin na gusto mo nang lumagay sa tahimik? Hindi isang beses na sinabi mo saking gusto mo ng bumukod sa pamilya nyo. Marami ka pa daw responsibilidad sa pamilya mo, bakit? Sino bang wala? Sa tingin ba ng ate mo, sarili ko lang iniintindi ko? Marami ka pa daw pangarap sa buhay. Hah! Kasinungalingan! Alam na alam kong ang tanging pangarap mo ay ang makatuluyan tayo! Ang makasama ako habang buhay! Yan ang hindi alam ni Lucille, ng mama mo, ng pamilya mo. Pero ako alam na alam ko yan dahil yan ang palagi mong sinasabi, yang ang palagi mong ipinadadama sakin, yang ang nakikita ko sayo!

Nakahanda naman akong harapin ang lahat ng mga yun, basta alam ko lang na ipaglalaban mo ko. Sapat na para magbigay sakin ng lakas ng loob ang maramdaman kong nasa likod kita, na kahit ano mangyari, hinding hindi mo hahayaang papaghiwalayin tayo ng pamilya mo.

Sa panig ko nga, galit din sakin ang lahat, dahil hindi ka naman namin kapananampalataya. May mga kapintasan ka din na hindi ko tinitingnan, na sila lang ang nakakakita. Ayokong tingnan dahil sa ayaw ko itong bigyan ng puwang kahit sa isip ko, lalo na sa puso ko. Pero ipinaglalaban kita. Naging matigas nga daw ulo ko dahil sayo. Dahil sa palagi kitang kasama at ayaw nila. Ang katwiran ko, hindi ko maramdaman sa piling nila yung nararamdaman ko pag tayo ang magkasama. Marami pa silang sinasabi Laban sayo na ayoko ng maalala pa. Dahil nasasaktan ako pag nagsasalita sila Laban sayo, pakiramdam ko sakin nila sinasabi yun, ako ang sumasalo ng masasakit na salita na ukol sana sayo.

Ang gusto ko lang naman, ang pakiusap ko lang sana sayo, ipaglaban mo ako. Tutal sabi mo ako ang buhay mo, patunayan mo. Yun lang ang hinihintay ko.

Kaya lang, halos madurog ang puso ko nung bigla ka na lang nanlamig sakin. Iniwasan mo ako, pinuntahan pa nga kita para komprontahin ka kung bakit ka nagkakaganyan, pero anong sinagot mo sakin? Busy ka. Hah! Busy?! Samantalang nung nagsisimula pa lang tayo, lahat ng oras mo na sakin? Halos ayaw mong umalis sa tabi ko! Pinahanga mo pa nga ako dahil sa sinabi mong “when I’m with you, I will sleep little, dream more, understanding that each time we close our eyes, we lose 60 seconds of light.” Pinahanga mo ko nung sinabi mo to dahil linya to ng favorite author ko! To think na hindi ka mahilig magbasa, na iba ang hilig mo.

Kaya hinayaan muna kita, inaamin ko, nagtampo talaga ko sayo. Miss na miss na kita. Pero parang hindi mo ko namimiss. Hindi ka man lang nagagawi sa bahay, hindi mo na ko dinadalaw.

Tapos magseselos selos ka nung nalaman mong may nagpupunta pala sa bahay na kaibigan natin, na alam mo palang may gusto din sakin, pero hindi ko alam. Tapos ang lakas pa ng loob mong awayin ako sa bahay dahil sa nagpang abot kayong dalawa dun! Hindi ako nagtatago dahil sa wala naman akong itatago. Hindi ako nagpapaligaw at hindi rin niya ko nililigawan!

Tapos naglasing ka pa nung gabi! At saka ka pumunta sa bahay. Kakausapin mo ko ng lasing ka? Sabagay, sanay nako, nung niligawan mo nga ako lasing ka diba? Kaw pa itong may ganang magalit, ikaw na nga tong lumayo sakin.

Pero nung gabing yon, nakabuo na ko ng desisyon, at hindi na magbabago pa yun,

Nung gabing yon din, dun mo inamin sakin na nahihirapan ka sa ginagawa mong pag iwas sakin. Bumalik ulit ang dating Neil na kilala ko, yung Neil na mahal na mahal ako. Napaiyak ako nun, nagmistula akong bata na umiiyak sa dibdib mo. Nakakatuwang isipin na ikaw na malambing ka na ulit, pero tinatagan ko loob ko. Kaya lang huli na. Nakapagdesisyon na kasi ako at yun ang tama. Hindi pwedeng masira ang plano ko. Para satin din naman yun, para hindi na tayo masyado pang mahirapan at masaktan balang araw.

Kaya kahit nasasaktan ako, umalis ako kinabukasan. Umuwi ako samin, para lang bumili ng ticket at lumuwas papuntang Maynila kinabukasan.

Hindi nako nagpaalam pa sayo. Hindi na mahalaga yun. Baka hindi lang ako matuloy. Sa bus, dun ko na lang ibinuhos lahat ng luha ko. Kasehodang pag-usapan at pagtawanan ako ng mga kasabay ko sa biyahe, dahil sa halos buong biyahe akong umiiyak dahil sayo.

Dito sa Maynila, pinilit kong magmove on. Nilibang ko ang sarili ko. Nagpakabusy ako sa trabaho. Nakipagnobyo din ako. Nakalimutan din kita. Well, akala ko.

Apat na taon na ang nakalipas, apat na mahabang taon. Hindi na kita nakita simula nun. At hindi ko rin alam kung bakit kita naaalala pa. Hindi ko alam kung pano kong naalala lahat. Naikwento ko kung pano tayo nagsimula. Kung gano tayo kasaya nung tayo pa. Kung gano ka memorable yung date natin. Pero siguro hanggang dun na lang yun.

Kung sa gusto, gusto ko pang makita ka, gusto kong bumalik sa beach na palagi nating pinupuntahan, sa beach kung san tayo bumuo ng mga pangarap natin.

Pero may bahagi din ng puso ko, na nagsasabing tama na. Alam ko namang hindi tayo ang para sa isa’t isa. At ako na lang ang nakakaalam nun.

anong klaseng boyfriend/girlfriend ka?

Anung klaseng boyfriend/girlfriend ka?

Ako? Simple lang akong girlfriend. Malambing, makulit, madaldal, at masaya. Masarap din daw akong kausap (sabi nila). Kahit ano pwedeng pag usapan, mula sa napakasimpleng bagay, hanggang sa mga bagay tungkol sa buhay na to. Naniniwala kasi ako na dapat pag mag-on kayo, dapat open kayo sa isa’t-isa. Dapat napag-uusapan nyo ang lahat ng bagay. Importante kasi yun para sakin.

May naging boyfriend ako. Sa lahat siya ang pinakasimple. At yun ang nagustuhan ko sa kanya. Simple lang siya mamuhay. Ayaw niya ng magulo. Ayaw ng masyadong maingay. Gusto niya tahimik lang. Nung niyayaya niya na kong lumagay na kami sa tahimik, ayaw niyang tumira kami sa Maynila. Hindi sa hindi siya sanay, tumira na din kasi siya dito kahit papano. Kaya lang, mas gusto niya talaga sa bayan namin. Tahimik lang kasi dun e, simple lang mamuhay ang mga tao. Dun, kahit wala kang masyadong pera, mabubuhay ka. Hindi mo kailangang maging masipag para kumita ng pera, kasi naman, aanhin mo naman dun ang maraming pera? Magkakaroon ka nga dun ng pagkain ng hindi bumibili e.

Yun ang gusto niya. Hindi sa tamad siya, hindi sa wala siyang pangarap, pero may mga tao pa pala sa panahon natin ngayon na ganun ang gusto. Sabagay, ako rin, gusto ko rin yung ganun, kaya lang hindi ko alam kung kaya kong tumagal sa ganung klase ng buhay. Palibhasa nasanay ako dito sa Maynila.

Pero sa baryo namin na yun? Masarap mabuhay dun. Lahat ng tao halos kakilala mo. Malapit ka sa mga kaibigan mo, andiyan lang sa tabi ang mga kamag anak mo.

Wala nga lang mall, pero aanhin mo naman ang mall kung para ka namang nasa boracay sa ganda ng beach dun? Dun walang polusyon, walang trapik. Maaga gumising ang mga tao dun, pero hindi nagmamadali.

Yun ang gusto niya, na gusto ko rin sana. Kaya lang, may iba pa kasi akong pangarap nun e. May mga pangarap akong gusto pang mangyari na hindi sana nangyari kung nag-asawa kami agad. Isang bagay pa, may pagka-ambisyosa din akong tao, pero konti lang naman. At dahil sa pagkaambisyosang iyon, nawala siya sakin.

Kung alam ko lang sana na makakaramdam ako ng pagsisisi sa ngayon, kung alam ko lang na ganito mangyayari sa bandang huli, sana pala hindi na ko umambisyon ng sobra. Tutal parang wala din naman akong narating pa e. Oo may maayos na trabaho ako ngayon, nakakabili ako ng gusto ko, pero palagi akong pagod. Masaya ko, pero masaya ba akong talaga? Ngayon ako nagsisisi. Ito ba talaga ang buhay na gusto ko? Kung ito nga, bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang? Hindi kaya nagkamali ako ng desisyon? Naguguluhan ako.

Gayunpaman, anung klaseng boyfriend/girlfriend ka?

perfect routine...

To me, the perfect routine for me and my husband would be:

Make love, sleep, eat, make love, sleep, eat, make love, sleep, eat, make love, watch TV, make love, sleep, eat, make love, sleep eat, make love, sleep eat, do the shopping, make love, sleep eat, make love, sleep, eat, visit a friend, make love (not at our friends house...unless they have a spare room) sleep eat, make love sleep eat, make love, sleep eat, take a walk, make love, sleep eat, make love, sleep eat etc.

naniniwala ka ba sa sumpa?

lately, nabanggit ng kagalang galang na poon na meron daw sumpa sa barkadahan namin, ang sagot ko naman, baka sayo lang nyahahahah

pero napag-isip ako nun ah, meron nga bang sumpa sa barkadahan namin? eto, bahala na kayo, aheheheh

si alex: ilang taon ng inaambisyon si admin, pati si brent IT, pero hanggang ngayon, ambisyon pa rin kamusta naman! walang birtud ang kanyang pamatay na asset na sabi ni magz ay mabilog, mapintog, at kapansin pansin nyahahahah nagbertdey na't lahat, nagwish na't lahat na maisogo isa man lang sa dalawang ito, pero alaws pa rin, as in ZERO pa rin...

si magz: ang masasabi ko lang dito kay magz ay... pwedeng pwede na! papaya pa lang nito panalong panalo na nyahahhaha, maganda naman si magz, matalino pa sobra, wala ka ng hahanapin pa, pero wag ka! walang boypren to noh! as in certified bachelor nyahahhahahah

si lumen: eto ang swerte ng magiging boypren nito, kasi si lumen ang isa rin sa matatawag kong perpek gelpren, abs pa lang pamatay na, o di ba? punyeta lumen ano bang sikreto mo sa abs mo eh mas malakas ka pang kumain sa min ni alex? share naman jan o...

si neo: ah ito, ito napakaraming -lets nito, mapagerlet, pati boylet, nyahahah oi kamusta naman ang pamomocahontas? balato naman jan, nyahahah si neo napakaraming nagkakandarapa, dumadapa, nasusubsob, pero minsan, siya ang nakasubsob, ay ano ba yan, hulsam ako noh! si neo, ang masasabi kong maraming kakariran pero palagi rin siyang available...

si poon: hay naku nagkaanak na't lahat pero la pa ring boypren! hanggang ngayon si juz na walang malay ay wala pa ring malay awa ng Diyos nyahahahah. Siya ang pinakabunso samin pero siya ang pinakamaagang lumande, kitamo siya ang may beybi ngayon. hoy poon dalhin mo sa bahay beybi mo!

si LTP: ah ito, swerte ng magiging gelpren nito, as in napakaswerte, sayang nga lang at ayaw talaga kong sagutin ni LTP eh, hay naku! kung di ka lang magagalit e pinakulam ko na yang isfeyshal samwan mo ha nang magayuma na kita, kaso mo, si isfeyshal samwan bulag! kaya hanggang ngayon, zero pa rin ang lablayp nito.

si ate malou: dito kapit na kapit ang sumpa nyahahahah aylabshu teh! yoko na baka mapatay na ko nito bukas eh nyahahahah

si ate sybil: need i say more? nyahahah ikaw talaga uday! you and your big mouth talaga! nyahahahah ate sy labs kita nyahahahahah

hay naku! teka papahuli bako? hinde noh!

ako: ilang taon ko ng pinagpapantasyahan ang lalaki sa kapilya noh! punyeta gang ngayon pantasya pa rin! kanina nadaanan ko na siya, kung wala lang tao sa paligid namin, malamang nagahasa ko na yun, nyahahahah joke! (half meant)...

o ano, naniniwala ka na ba sa sumpa? nyahahahah


Click on the banner if you want to earn extra cash =)



extra challenge!

Date of arrival: November 24, 2006 10:35 am

Destination: Sa aking bagong mansyon

Partner: Whoelse? nyahahhaha

Challenge: Makipagtitigan sa partner ko sa loob ng isang araw! nyahahhaha


okay eto na, dumating kami ni luvrina sa bago kong mansyon ng mag-a-alas dyes y media ng umaga,

jusme nagkaligaw ligaw pa kami dahil sa hindi ko matandaan kung san nakatirik ang bago kong mansyon nyahahahahha

buti na lang, may konti pa kong load kaya natawagan ko ang aking landlord bweheheheheh

so, ayun na, nakarating na kami sa wakas sa aking bagong mansyon,

maingay dun tapos medyo magulo pa kasi kasalukuyan pang inaayos ang aming bahay, pero okay na ang kwarto ko, kaya kahit maingay ang paligid, nakatulog din kami ni luvrina,

kamusta naman pagkagising namin, wala ng tao dun kundi kaming dalawa na lang, jusme!

ang masama pa, wala kaming tv dun, wala ding radyo, at wala kahit anu!

nung umpisa okay lang kasi okay pa kami,

naisipan din naming lumabas para maggrocery, susme nilakad namin simula bahay gang palengke kamusta naman yon! kaya wag ng magtaka pag nakita nyo kung gano kalaki ang binti ko nyahahhahah

so ayan, nakapaggrocery na kami, nakauwi na rin, nga pala, sumakay naman kami ng jeep pauwi noh,

eto na, magluluto na kami, susme! napaka-high tech ng kalan namin! siya ang latest kalan nung 1920s nyahahhahaha

natakot pa kami kasi bigla siyang umapoy ng malaki, akala namin masusunog na kami dun, nyeta ng dahil sa pagluluto ng noodles, muntik pa kaming magkasunog

pero nairaos din namin ang pagkain namin,

eto na, nung matapos na kaming kumain, wala na kaming ibang magawa, as in wala!

Pano wala kaming tv.

Wala ding radio.

Walang relo.

Walang cellphone!

Nyeta talaga!

Hay naku!

At alam nyo ba kung pano namin nalaman ang oras? Dahil sa mabilis na mata ni luvrina, nakakita siya ng relo sa kapit bahay naming parang haunted house

At pagabi na rin nung nakakita kami ng relo

Wala kaming ginagawa, nakakasawa ng magkwentuhan, problema naming kung pano palilipasin ang oras.

Kaya nagkwentuhan na lang kami ng mga walang kakwenta kwentang bagay, nagbolahan na lang kami, naglokohan, sabi pa nga niya, mas okay na daw yun compared to lugaw nyahahahhaha

At last! Nakatulog din kami sa wakas! At nagising din kami ng maayos at mapayapa! Nyahahahhaha

So to make it short, iniwan din ako ni luvrinang p*kp*k nyahahahhaha

At ako na lang mag-isa

Alam nyo, maganda naman yung mansion ko, maayos, maaliwalas at malinis. Kaya lang habang gumagabi na, eeeeeeeeeeeee!!!

Alam nyo kasi, kung dun kila alex, may mga naliligaw na kaluluwa,

Dun sa min, wala,

KASI NAMAN TERITORYO NILA YUN!

Kakatakut!!!!

Nyetang buhay to, pero since mambabarang ako, ah, wa epek sila sakin bwahahahaha

si uday...

Si Uday! Bow!

1. Pambansang Star Dancer - Move over Sex Bomb Girls and Beyonce Knowles! Kapag si Uday ang humataw, tiyak na mahahawi ang dance floor! Mahihiya ang mga star dancer sa Pegasus! Ang hitsura lang naman nya eh parang turumpong tumira ng katol na nagpapa-ikot-ikot sa dance floor! Panalo di ba?

You'd better push the buttons and let me know....

2. Dakilang Chochalite - San ka ba naman nakakita ng trainee pa lang sa Chochal Society pero suki na ng Celine at mas chochal pa sa founder na si Alex! Yun nga lang, kalevel pa rin nya si Jepay sa pagiging trainee. Hindi pa kasi kumpleto ang kanyang training. Kailangan ko pa syang turuan ng mga Table Etiquette gaya ng tamang paggamit ng tutpik sa pagagamitan ng paa at si Alex naman, tuturuan sya sa tamang paggamit ng kubyertos at tamang pagkain nito.

3. Si Uday na Walang P - Kung anong P ang wala sya, kung puri, pera, papabol, pandesal o problema, i-fill in the blanks nyo na lang sa inyong mga wild but creative imaginations. Basta ang alam lang namin, wala sa bokabolaryo nya ang finesse, penis lang.

4. Pambansang Kamao - Bakit nga ba tinatawag na boksingero si Uday?

a. Dahil kamukha sya ni Pacquiao? Hindi ni Manny ha? Ni Jinky! (yoko masapak eh!)

b. Dahil parang boksingero sa laki ang kanyang mga braso? Impernes, halos magkasinglaki na rin naman kami ng braso. (yoko sabing masapak eh, kaya laglag ko na rin sarili ko!)

c. Dahil parang boksingero sya sa tapang? Wala syang inuurungang kaaway. Kagaya ni Pacquaio, kayang-kaya nyang patulugin ang kanyang mga kaaway in three rounds only!

d. Dahil para syang boksingero sa tibay ng katawan, lakas ng pananampalataya, at tigas ng mukha, este, tigas ng loob.

Kaya nyang magtrabaho sa loob ng 48 hours! Basta meron lang syang kapeng maligamgam na nilagyan ng malamig na tubig at isang sandok na coffeemate. Kung makapagtrabaho sya eh parang meron syang pinapag-aral na boylet sa Ateneo na kumukuha ng Law.

Kahit saang lupalop sya ng mundo naroroon, kahit sa Timbuktu pa yan, hahanap at hahanap sya ng simbahan nila para makasamba! Hindi nya palalagpasin ang Hwebes at Linggo na hindi sya nakakasamba! Kaya abut-abot ang sermon nya sa amin ni Alex dahil ang huling simba pa namin eh nung Linggo...Linggo ng Pagkabuhay.

Kung meron man dito sa atin ang karapat-dapat tawagin na survivor si Uday yun. Kung anuman ang pinagdaanan nya sa buhay, di na kailangan pang sabihin pa dito. Basta ang masasabi lang namin, taas ang kamay namin sa katapangan at katatagan ng babaeng ito.

5. Dakilang Kaibigan, Matinik na Kaaway - Marahil nga, maraming nakakaaway si Uday dito. Marahil nga prangka sya at palengkera. Marahil nga, iba ang impression ng ilan sa kanya. Yan ay dahil hindi pa nila nakikilala ng lubusan si Uday.

Una naming nakilala si Uday sa Give A Gift project. Mga sampung minuto pa lang ang nakakaraan mula ng makilala namin sya, feeling namin eh mga sampung taon na namin syang barkada. At simula nun, lagi na namin syang kasama sa lakwatsa. Siguro, kung bibigyan lang ng iba ng pagkakataon si Uday para makilala sya ng lubusan o maging kaibigan sya, most probably maiiba ang impression nila. That Uday doesn't only have a big mouth, but a big heart as well. At meron pang isang big sa kanya, hulaan nyo na lang kung ano.



Kahit maging isang batalyon pa ang makaaway mo, labs na labs ka pa rin namin! Kahit naging si Nancy Navalta ka na dahil tinakasan mo kami kahapon, ok lang. Me next week pa naman!

Wish namin, sana magkaroon ng kahihinatnan ang lablayp mo kay Lomboy! At sana manalo ka pa uli sa boksing! Este, sana patuloy kang lumaban sa mga pagsubok sa buhay!

We Labshu Uday!





Aytenchu! Bow!

pag-aasawa

Habang kumakain ako kanina sa tapsihan sa labas ng building namin, may dumating pang dalawang babae, at umupo sila sa tabi ko. Habang hinihintay nila yung order nila, dinig na dinig ko usapan nila. Narinig kong balak ng mag-asawa nung isa habang yung isa naman, pinapayuhan yung dalaga ng mga dapat at hindi dapat gawin, kung anu gagawin niya kung gusto na nilang magkaanak, at kung anu anu pa. Narinig ko rin na yung isang babae, may dalawang anak na. In fairness, hindi siya mukhang may anak. Alaga ang katawan niya at hindi losyang.

Natapos din akong kumain at nakaalis na sa tapsihan, pero yung topic nila ang hindi mawaglit sa isip ko hanggang dito sa work station ko.

Pag-aasawa. Yeah, right, pag-aasawa. Doesn’t it sound exciting? Well, as for me, in my state of mind right now, oo, it sounds exciting. At oo, aaminin ko, at my young age, gusto ko ng mag-asawa. Kung may boyfriend nga lang ako ngayon malamang ako na magyayang magpakasal na kami.

Bakit nga ba gusto ko ng mag-asawa? Hmmm, its not because of sex. Its quite unexplainable pero sige try ko pa rin. Gusto ko lang kasi na meron na akong aasikasuhin, yung may ipagluluto na ako, yung may ipaglalaba, ipagpaplantsa, at yung may kasama na ako sa buhay. In short, ready na kong maging ganap na longkatuts, nyahahahha

Hinde, seryoso ako. Isa pang dahilan, gusto ko na rin kasing magkaanak. Miss na miss ko na kasi yung isang pamangkin ko, na ako ang nag-alaga simula nung iwan siya ng mama niya, tapos bigla na lang kinuha at dinala sa Thailand. Hay… Pero gusto ko na rin talagang magkaanak. Sabi kasi ng mga tita ko na gusto na akong mag-asawa, iba rin daw pag sarili kong anak yung inaalagaan ko. Kung dati yung mga tita ko sobrang higpit sakin pag dating sa boyfriend, akalain mong halos ipagtulakan na akong mag-asawa na? Susme! Kung kailan nalipasan na ko ng panahon nyahahahahah joke lang, I’m still as young looking as ever nyahahahaha hay naku joke pa rin. Ang totoo niyan, ngayon pa lang ako nagmumukhang tao, kasi dati, susme bisayang bisaya na hindi mo maintindihan itsura ko, eeeewwww!!! Well, at least ngayon, pacquiao na tawag nila sakin, o di ba improving? nyahahahahahah

Gusto ko ng mag-asawa. Hindi sa sawa na ko sa buhay dalaga, ang totoo, ngayon pa lang ako nag-eenjoy sa mga gimik at lakwatsa. Marami pa rin akong gustong marating na lugar. Gusto ko pang malibot ang pilipinas. Pero, magagawa ko pa rin naman yun kahit may asawa na ko. Pwede rin naman na hindi muna kami magkaanak, para magawa pa rin namin lahat ng gusto naming gawin.

Sobrang nag-eenjoy ako pag kasama ko mga real friends ko sa lahat ng mga gimik namin, sa lahat ng lakwatsa, sa mga out-of-towns namin, pero anu nga kaya kung ang kasama ko ay yung asawa ko naman? Pano nga kaya pag ang kasama kong nagboracay ay yung lalaking mahal na mahal ko? Di ba? Iba rin siguro yun.

Alam ko, ang pag-aasawa ay hindi birong bagay. Dapat sobrang careful ka sa mga ganito kaseryosong desisyon, at kailangan higit sa lahat ng guidance Niya para di ka magkamali.

Naalala ko lang tuloy yung tita ko, kung pano siya mamalakad ng pamilya niya. Siya yung maituturing kong perfect wife. Bukod sa maganda na, sobrang maalaga pa. Yung tita ko, grabe mukha lang kaming magkaedad kung titingnan, at ako kung iko-compare sa kanya, mukha pa rin talaga kong tagabitbit ng tsinelas nyahahahah

E pano naman kasi ang ganda ganda ng tita ko. Hindi pa losyang, oo tumaba pero susme artistang artista pa rin ang itsura. Tapos ang gwapo pa ng tito ko. Tito ko, habulin ng lahat, mapa bata, matanda, may asawa o wala, lalake, babae, at syempre pati bakla, name it. Oo, ganun kahabulin tito ko. Kamukha niya si Julio Diaz nung bata pa siya. At kahit ngayong may edad na, mala-Pierce Brosnan naman ang appeal niya, kaya naman ang tita ko, di pwedeng magpakalosyang noh.

Pero ang nakakabilib sa tita kong yun, nakuha pa niyang imaintain yung postura niya, kahit na wala siyang katulong, never siyang kumuha ng katulong. Nagagawa niyang asikasuhin ang buong pamilya niya na hindi napapabayaan ang sarili niya. Kahit nung nandun pa ko sa kanya. Ang totoo niyan, anak ang turing sakin ng tita ko. Ni hindi ako obligadong gumawa sa bahay kasi estudyante ako nun e. Pero syempre sa kanya ko natutong makisama.

Hay sana nga ganun din ako pag nag-asawa na ko. At sana, tulad ng tita at tito ko, sana mahal na mahal din ako ng magiging asawa ko.

Wala lang talaga. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganitong feeling. Akala ko pa naman nun, ang pag-aasawa ay pag nabuntis ka lang, pag gusto mo lang ng seks, at pag may nakita ka lang na kayang magprovide para sayo, hindi pala.

Ikaw, naramdaman mo na ba yung ganitong pakiramdam?

ang tahong, bow!

This sucks, really. Nung isang gabi, habang nasa kwarto ako at tinatamad pang bumangon, narinig ko ang mga housemates kong nag-uusap tungkol dun sa isang friend nila. At alam nyo ba kung ano pinag-uusapan nila? Hay nako, nakakatetano, or siguro kasi babae lang ako kaya medyo naiirita ko sa pinag-uusapan nila, well, malamang nga, siguro kung lalake ako, hindi siguro ako mao-offend. At least napatunayan kong babae ako diba, bweheheheh…

So eto ang pinag-uusapan nila, yung kaibigan daw nila, nakakainggit, bakit daw, kasi since nagkaroon ng pera, afford niya ng bumili ng “tahong.” Yes, you read it right, “tahong” nga. At nakabili nga daw si friend nila ng tahong that night.

So magkano naman daw yung nagastos ng friend nila? Eto, 250 per hour ang presyo ng tahong, tapos 150 per hour yung lungga ng tahong, tapos 100 pamasahe sa tricycle back and forth, kasama na paghihintay ni manong dun. So sa halaga palang 500 pesos, makakatikim ka na ng tahong sa loob ng isang oras, susmeeeeee!!!!!

Hindi ko alam kung mamumurahan ba ako o mamamahalan sa presyo nun, nyemas na yan! Kung ako yung lalake, sasayangin ko ba yung 500 ko sa isang oras lang? Sa hirap ng buhay ngayon, hinde noh! Maliban na lang kung sadya lang talagang may sira ako sa tuktok noh!

Sa point of view naman nung tindera ng tahong, sa halaga bang 250 pesos papayag akong ipakain sa kung sino lang yung tahong ko? Ganun na ba kamura yun? At binibenta bay un?? Susme noh! Maliban na lang kung ako ay sadyang haliparot at palaging nangangati, pwede pa siguro. Pero, considering the face value of that guy, eeeeeeeeeeeeewwwwwwwwww!!! Papayag na lang akong maging tigang habang buhay noh!!!

I just don’t get it. Ganun na ba kadesperado yung ibang mga lalake para lang makatikim ng sex? Hindi ko nilalahat ha, sabagay, gaya nga ng sabi ko kanina, considering the face value, mapipilitan talaga siyang magbayad na lang kasi malabong may pumatol sa kanya. Oh c’mon, hindi ako ganun kasama, siguro mahihirapan akong sabihin to kung mabait yung tao, kaso mo, ala na ngang face value, nyetang yan, patapon pa ugali, haynaku! So kahit papano may katotohanan din pala yung dati kong post, nyahahahahha, makikita mo rin pala sa mukha ng tao kung anung klaseng tao siya, pero hindi ko nilalahat ha,

Sensya na, kelangan ko lang maisulat to, para mawala na sa isip ko hehehe…

Gusto nyo bang maging sexy at pansinin?

Tanong lang, gusto nyo bang maging sexy at pansinin?



Ako, kasi, HINDE!



Ayoko!



Nakakasawa!



Hindi na nakakatuwa!



Palagi ka na lang makakarinig ng sipol!



Palagi ka na lang lilingunin pag dumadaan ka!



Palagi ka na lang titingnan ng mga tao!



At makakarinig ka pa sa likod mo ng “Ang sexy naman nito!”



Tapos pag nilingon mo naman yung nagsabi nun, makakarining ka naman ng:



“Ay hindi pala siya maganda!” sabay tatawa, kamusta naman yun!!!



@#%#%*@#%!!!



Tapos kanina pa sa bahay, since summer, nag tube lang ako at nagshort ng maigsi. Tapos biglang nagring yung phone sa bahay. Syempre sinagot yun nung dakilang telephone operator namin, at tyempo, para sakin yung tawag.



“Uday phone si Kuya Alex!”



“Okay anjan na,” sabay baba ng double deck.



Aba naman pagkakita sakin ng impakta, alam nyo ba sinabi niya na sigurado akong narinig nung nasa kabilang line, eto:



“Punyeta uday ang sexy mo ah, pwedeng pwede ka ng magpose sa FHM (For Horse Magazine) ah!”



Nakakahiya tuloy kay Alex, hay naku! :roll:



Hay naku talaga, nakakastress din ang maging sexy pramis!



Seriously speaking, being in good shape is good, but it has also its own disadvantages. Like yung nangyari sakin. Kwento ko na ha, kasi ganito yun.



Kung natatandaan nyo, lumipat ako ng bahay before, okay siya sa umpisa. Not until may naboso sakin twice, which is naisumbong naman namin sa homeowner’s association. Tatanga tanga yung namboso, hindi niya alam, lalake din ako bwahahahah!



Tapos yun nga, since walang trabaho yung isang housemate namin, nababarkada siya dun sa mga patapon sa paligid, which is itinuturing pa nga daw nilang proteksyon, well not for me.



Kasi, ambabastos ng mga @#%$#&%$ yon!



At binastos nila ko! Kaya napilitan akong magmove out ng walang sabi sabi.



Nakakatakot kaya, mamaya kahit operada ko ma-rape ako dun noh, wag na uy!



Nga pala, nawitness din ng isang forumer dito kung pano ko tingnan ng mga bastos dun sa nalipatan ko nung minsang isama ko siya sa bahay.



Hayyy… Sabi sa inyo, every morning na uuwi ako at dadaan dun, madalas kong winiwish na sana magmukhang bakekang ako habang dumadaan dun para hindi ako mapansin.



Anyway, since gift sakin tong shape na to, tatanggapin ko na rin, since malapit na ang palawan namin, yeheyyyyy!!! Mapapalaban na naman kami ng tupis nito bwehehehe… At pag nagpicture taking kami, hinding hindi ko kakalimutang magsuot ng maskara sa mukha since ito lang naman ang nakaka-spoil sa kin e, nyahahahhaa



At hindi naman maririnig sa picture yung mga #@^$#^&%$ ko e, nyahahahahah



Hay buhay… Have a good summer everyone!

naging tigyawat ka na ba?

eto na naman ako, kakapost ko lang ng tungkol sa tigyawat, tigyawat na naman ang taytol ng post ko, hay nako...

so ano nga ang tigyawat? ito ang mga nakakainis na elemento na nakakainis talaga pag tumubo sa mukha mo, ang iba, ginagawa ang lahat para lang wag tubuan ng tigyawat, nagpapa-facial, skin peeling, at kung ano ano pang chechebureche para lang mapanatiling tigyawat free ang mukha nila, pero may mga tao namang katulad ko na bukod sa nasa lahi na ang tigyawatin, e may pagkapabaya pa pagdating sa tigyawat, o siguro sadya lang kaming lapitin ng mga tigyawat, leche!

nito lang, nasabi ko kung gano ko ka stress sa trabaho, well, totoo naman siya, at dahil dito, lalong lumalala ang mga tigyawat ko, pero ang mga tigyawat kong ito na ayaw magsigaling ang isa pang nakakadagdag ng stress ko, lalo akong naiistress dahil sa kanila, bwesit!

pero, aminin na natin, ang tigyawat ay bahagi na ng buhay natin, sino ba ang hindi tinubuan ng tigyawat dito kahit minsan? ang magtaas ng kamay panget nyahahahahhahah joke!

ibat ibang klase din ang tigyawat, meron sandali lang magaling na, meron namang kahit anong gamot ang ilagay mo nyeta ayaw pa ring gumaling, meron din naman na parang hindi mo maintindihan kung gusto niyang lumabas o hinde pero nararamdaman mong bumubukol siya sa mukha mo, at meron din namang tinatawag na blackheads at whiteheads na para sa kin ay walang kwentang tigyawat kasi hindi mo siya halos papansinin lalo na kung hindi ka masyadong conscious,

sa ngayon, may mga lentek na tigyawat na palaging bumabalik sa mukha ko, at talagang nakapwesto pa sila sa noo at magkabilang pisngi ko ha, hindi na nga ako maganda, lalo pa akong pumanget, hay nako!

napansin ko lang, yung isang tigyawat ko, ito rin yung dati eh, kasi tumubo ulit siya kung saan siya dati nakapwesto, ito yung pinakamalupet kasi ito yung pinakamasakit at pinakamali sa lahat, pinakapansinin, at pinakanakakahiya kasi nung tumubo ito, halos gusto ko ng manghiram ng fez sa aso, pero in fairness, gumaling naman after a few years, gumaling to kung kelan nagsawa na ko sa kakagamot sa kanya, ang kaso lang, ngayon bumabalik na naman siya, pakshet!

meron pang isang tigyawat sa kabilang pisngi ko naman, ito ang pinakamatagal kong tigyawat, ewan ko ba pero ito lang ang nakatagal sa akin, nyahahahah punyeta mahal na mahal ako ng tigyawat na ito kasi ginawa ko na lahat para mawala siya pero hindi pa rin niya ko iniiwan, so ang ginawa ko nun para mawala siya, ininoman ko nga ng isang gramo ng antibiotic tatlong beses isang araw sa loob ng isang lingo, at presto! gumaling siya damay pati lahat ng mga maliit na tigyawat ko bwahahahaah kala niya ha,

kaya lang, ngayon na medyo nakalikot ko ng konti, bumalik na naman at nambubwesit na naman hay naku!

tapos meron namang maliit na tigyawat sa noo ko, ang liit liit niya, hindi naman siya masakit, hindi rin malala, hindi masyadong nakakairita pero nagtataka lang ako kung bakit hindi siya mawala wala ng tuluyan, ayoko namang kalikutin baka lalong lumalala,


pero, kahit naman papano, naiintindihan ko naman ang mga tigyawat na ito eh, kaya nga ngayon, halos pabayaan ko na lang silang nakatambay sa mukha ko kasi wala naman akong magawa sa kanila, sa mahal nila mukha ko eh, nyahahahah yun nga lang, hindi ito yung pagmamahal na nakakahaba ng hair, hindi na nakakaflatter, kundi nakaka-flat na nyahahahahah nakakairita na, pero gaya ng sabi ko, ano ba magagawa ko?

at higit sa lahat kaya ko sila naiintindihan, kasi tigyawat din ako ngayon, sa mukha ng isang tao, hehehe...

oo naiirita na siya sakin, nagsawa na siya sa kakalagay ng gamot , at sa totoo lang, nasasaktan na rin ako sa mga gamot na inilalagay niya sa akin para lang mawala ako sa mukha niya, kaya eto pinapabayaan niya na lang ako, pero gaya ng ibang tigyawat, mawawala at mawawala din ako sa mukha niya, anyway, wala naman sa lahi nila ang tigyawatin, ako lang naman tong nag iisang tigyawat na nagpupumilit na makatira sa mukha niya habang buhay,

pero alam ko rin na darating din ang araw na tuluyan ko ng iiwan ang mukha niya, at alam kong hindi na magtatagal yun, hehehe, ang daming mukha jan na pwede kong pwestuhan noh sus!

at sa susunod, sisiguraduhin ko na pag may nakita ulit akong mukha na pwedeng puntahan, kikilalanin ko muna ng husto ang mukha na yun, aalamin ko muna kung okay lang bang tumira sa pisngi niya habang buhay, at higit sa lahat, kung ituturing ba niya akong tigyawat o hinde, at sana, ang susunod na mukhang makikita ko, sana hindi tigyawat ang turing sa akin kundi isang mahalagang elemento ng buhay niya na hindi niya na gugustuhing mawala pa,

ikaw, tigyawat ka ba ngayon?

lentek na pimples yan!

hello hello! eto na naman ako, gusto ko lang ulit dumaldal ng dumaldal, maglabas ng sama ng loob, at mag-inarte bweheheheh!

so, kwento ko lang yung nangyari sakin kahapon, well kasi family reunion namin kahapon, kasi nga bortdey ng pinsan ko nung friday, o davah! kabortdey niya pa ang ex-kras ko, kamusta naman yon, pero wala akong pakialam sa ponsiopilatong yon, mabalik tayo, since birthday ng mahadera kong kuya, syempre, reunion na naman, at as usual, obligadong pumunta kunde naku mapuputukan na naman ako ng mga tita ko, sasabihin na naman kung saan saan ako nakakarating pero hindi ako makarating sa bahay nyahahahaha

so, what happened yesterday? well, wala lang, wala lang silang ibang napansin sakin kundi ang namumutaktak kong pimples, nyemas talaga!

aba naman, pagkadaan ko pa lang sa may gate, nakita ko ang kapatid ko, syempre binati ko, sabi ba naman, ang dami mong tigyawat teh, sabi ko naman, sus stressed lang ako, palaging double shift, pero gagaling din yan,

pasok ako sa bahay, at nakita kong lahat sa sala yung mga tita ko, jusme! walang ibang napansin sakin kundi ang pimples ko! siguro mahigit sampung beses kong narinig ang tanong na: "anong nangyari sa mukha mo? bat nagkaganyan?" at syempre pa, mahigit sampung beses din akong sumagot na: "stressed ako eh, palaging double shift, kulang sa tulog, gagaling din yan pag nakabawi ako sa tulog."

Sa sagot kong yan, iba iba ang naging reaction nila, eto:

Reaction ng mga tita kong beauty conscious: "Ne dapat kasi since sumusweldo ka naman, palagi kang magpapafacial, tingnan mo ko,"

reaction ng mga pinsan kong concern sakin: "Uday may gamot ako sa bahay, bibigyan kita, pero dun ka muna matulog, bwehehehe,"

reaction ng mga alaskador/liberated kong pinsan: "Tigang ka lang kase!"

reaction ng unwanted unwelcome unknown pinsan-daw-namin-ewan na mas mataba pa sa baboy: "papala-Palawan ka tapos stressed ka?" (wag na kayong magtaka, bitter lang talaga siya nyahahahaha)

Matapos ang mahaba habang kwentuhan tungkol sa katigyawatan ko, napunta naman sa usapang kapektyuran ko, o davah! mistula akong nasa hot seat kahapon susme!

Sabi ng tita kong concervative: "aba ikaw, pinakita sakin ng pinsan mo yung picture mo daw sa internet, anak wag ganun, kadalagang tao mo chuvachuvachuvachuvachenezz!"

sabi ng mga pinsan kong hanga sa lakas ng loob ko: "Uday ikaw ba talaga yun? grabe ang sexy mo naman, kakainggit ka, maganda ba sa palawan? e sa boracay?"

sabi ng mga pinsan kong alaskador: "alam mo, perfect ang kuha mo dun, buti na lang tinakpan mo mukha mo nyahahahahah!"

at syempre, sabi ng unwanted unwelcome unknown pinsan-daw-namin-ewan na mas mataba pa sa baboy na hindi naman kagandahan: "sino nag edit niyan?" nyahahahahahah pakshet! dito ko nabwiset, pero syempre, since family gathering yun, nagpaka-cool lang ako kahit na umuusok na bumbunan ko sa sobrang ngitngit, at naisip ko rin, hindi ako dapat magpaapekto noh, susme! kaya sinagot ko siya ng:

"ateh, hindi po edited yan, kung may ipapaedit man ako sa picture, walang iba kundi yung mukha ko, pero ang katawan ko, never, sus sa sexy kong to, ano pa ipapaedit ko dito? sinuwerte lang ako at sexy ako, e teka ikaw kelan ka maggygym?" nyahahahahaha sabay tayo at kuha ng pagkain sa kusina nyahahahahaah

pero kahit na merong unwanted at unknown people sa family namin, okay pa rin, masaya pa rin, minsan lang kasi kami makumpleto eh, pag nakumpleto kami, halos ayaw ng maghiwahiwalay, pag nagtawanan, walang humpay, hagalpak kung hagalpak, wala ring tigil sa kainan, kwentuhan kung kwentuhan, at ang pinakamahirap lang dun, pag gumagabi na, syempre uwian na, ang hirap maghiwahiwalay, pero ganun yata talaga...

so yun, ganun ang naging weekend ko, may part na nakakabwiset, pero nasa sayo na kung pano mo ihahandle at kung ano gagawin mo para hindi maapektuhan ang mood mo,

okay jan lang muna, byerz!

para sa isang ate ko jan...

wala lang, gusto ko lang malaman mo na happy ako na naging friend kita, thanks,

happy ako na successful ka sa career mo ngayon, (te malu peram muna ng line ha, hehehehe),

pero siguro mas magiging happy ako kung makikita mo na yung lalaking makakapagpabago ng isip mo,

wag mong isiping okay lang tumanda mag-isa, u-huh! a big no-no,

baket ko nasabi?

just recently kasi, may nakausap akong isang babae, mga 40 years old na siya, late na siya nag-asawa kaya 3 years old pa lang anak niya,

sinabi niya sakin, dati daw, nung hindi pa siya nag-aasawa, madalas niyang sabihin sa mga friends niya na okay lang daw maging single for life, masaya naman daw siya sa ganung status, nagagawa niya lahat ng gusto niya, walang pressure, may pera siya, hindi siya stressed,

pero...

deep inside daw, malungkot ang mag-isa, yung mga sinasabi niyang masaya din naman ang buhay ng single ay front niya lang para hindi siya kaawaan ng lahat, pero malungkot daw talaga,

pag nag-iisa daw siya sa kwarto niya, minsan nag sasalita siya mag isa na parang may kausap siyang asawa (waaaa nakakabaliw ito),

tapos kahit may pera na siya, parang walang napupuntahan kasi nga since single siya gumagastos siya para sa sarili niya, at since sumosobra ang pera niya, natural umaasa sa kanya ang ilang kamag anak niya, pero hindi naman siya madamot, kaya lang daw, mas maganda daw yata kung ang pera niya e napupunta sa sarili niyang pamilya,

pero nung time naman na halos hopeless na siyang makapag-asawa pa, kasi 36 na siya nun eh, bigla naman daw dumating yung lalaking para sa kanya,

in fairness, ang gwapo ng asawa niya ha, at ang bata, grabe gwapo talaga, ang swerte nya pa kasi mahal na mahal siya nun,

alam kong totoo ang sinasabi niya, kasi nakikita ko yun ngayon sa matandang dalaga na kasama ko sa bahay eh, yung landlady ko,

yung landlady ko, kabarkada ng nanay ko, pero kung titingnan mo, parang 10 years ang tanda ng nanay ko kesa sa kanya, well siguro kasi nga sa dami ng problema, tapos mga pasaway pa kaming magkapatid, waheheheheh

yung landlady ko, simula nung natira ako sa kanya, daig pa sa anak ang turing sakin, and im grateful for that, kaya lang, its too much, to the point na nakakairita na,

pero naiintindihan ko naman, kasi siguro since hindi siya nagkaanak, at anak ako ng friend niya, so parang anak na rin ang tingin niya sakin, sabik siya sa anak, and i could say na sabik na sabik siya sa kausap,

to the point na:

minsan kahit natutulog pa ko e gigisingin na ko (punyeta!)

minsan kahit male-late nako e ayaw pang tumigil sa kakakwento (punyeta talaga!)

madalas kahit hindi ko ma-take ang luto niya eh pilit akong hahainan ng napakarami (isa pang punyeta!!!) hindi biro ang magpanggap at sabihing masarap ang luto niya kahit punyeta ang lasa (gwarkkkk)! i'll give my self 10 points for that,

at wala akong ibang role pag magkasama kami kundi maging listener (pakshet naman! sa daldal kong ito ang hirap maging listener ha!)

at halos wala naman siyang ibang kinukwento kundi yung mga past niya, na kesyo andaming nagkakagusto sa kanya, in fairness, maganda naman siya ha, tapos paulit ulit na nakakasawa na at minsan pa paiba iba ng version nyahahahahhahhah




so ano ikaw teh, gusto mo bang matulad sa kanya? ayokong matulad ka sa kanya, kaya alisin mo sa isip mo na okay lang maging single for life kasi hindi talaga okay, okay?

haylabshu teh!

something for you to think about

just a thought, alam kong hindi na to bago, pero it really caught my attention,

"mabuti pa daw ang durog na tinapay kesa sa bahay na puno ng pagkain pero pinaghaharian ng kaguluhan"

how true! sa totoo lang, aanhin mo ang yaman kung wala kang kapayapaan? aanhin mo ang maraming pera na hinahangad ng maraming tao ngayon kung hindi naman maayos ang pamilya mo? aanhin mo ang maraming pagkain sa bahay mo kung andami mong sakit at halos lahat ng pagkain mo bawal sayo?

sa totoo lang, hindi lahat ng mayaman at maraming pera ay maayos ang buhay, hindi lahat ng professional na mga magulang ay magulang, ano ibig sabihin nun? ibig kong sabihin, hindi lahat ng professionals na magulang ay alam kung pano ang maging magulang,

ang pagiging magulang naman kasi, hindi natututunan sa paaralan, ang ikapagiging mabuting magulang ay matututunan sa biblia, ang totoo niyan, marami na ang naisulat na babasahin kung pano mapapatatag ang pamilya, pero ang pinakamabuting saligan talaga ay ang biblia,

hindi porke naibibigay mo ang mga materyal na pangangailangan ng mga anak mo eh mabuting magulang ka na, hindi dun natatapos ang pagiging magulang,

kaya, hindi lang pala ang requirements sa pag-aasawa ay yung nasa tamang gulang ka na, may matatag na hanap buhay ka, mahal nyo ang isa't isa, hindi lang pala yun, meron pa palang isang pinakamahalaga sa lahat,

wala ka pa rin palang karapatang mag-asawa kung hindi mo pa kayang pangalagaan ang kapakanan ng isang tao,

hay naku ano ba tong pinagsasasabi ko dito bangag na naman ako nyahahahahahah

maganda, pogi, gwapo, atbp...

maganda/gwapo...

napaka-relative ng terminong ito,

iba iba ang ibig sabihin nito depende sa tao,

sa iba, maaaring maganda/gwapo ka na,

yung kaibigan mo, maaaring sabihing maganda/gwapo ka,

pwede ring sinasabi lang nila to kasi friend ka nila, ayaw ka nilang ma-hurt, whatta friend! nyahahahaha

pwedeng panget ka pagdating sa ibang tao, maaari ding nagsasabi sila ng totoo, nyahahahah

at pwede ring panget ka pagdating sa sarili mong assessment sa sarili mo,

at syempre pwede rin namang diyos/diyosa ka pagkausap mo ang sarili mo sa salamin,

at syempre pa, libre din lang naman ang mangarap davah? nyahahahah

bakit ko naman to naisip na naman davah?

wala lang,

pinagtawanan kasi ako nung isa jan hmp!

sabi niya yung mga type ko daw eh mukhang bisaya,

well, aminado naman ako noh! wenonaman grrrrr!!!!

siya nga eh, ibang iba ang definition niya sa maganda, nyahahahaha

siya nga ang maganda sa kanya, yung maganda ang wallet, nyahahahaha (dapat girbaud, prada, etc.)

may isang officemate din ako, para sa kanya, yung babaeng payat, maputi, maliit, at tsinita, maganda yun para sa kanya,

may isa naman jan, kahit maganda/gwapo na ang isang tao, para sa kanya panget pa rin, dapat daw mga artistahin talaga ang dating para masabi niyang maganda/gwapo ang isang tao,

may isa din naman jan na iisa lang ang definition ng gwapo, si dennis trillo lang, nyahahahaha so pag hindi mo kamukha si dennis trillo, panget ka nyahaahahah

tapos may ilan din jan, para sa kanila, pag kalbo gwapo nyahahahahahahahahahaha

pero mabalik tayo sa akin, nyahahahhaha syempre post ko to noh,

isa lang ibig sabihin ng gwapo sakin, nyahahaahahah

kelangan pa bang imemorize yan? nyahahahahha


so sa inyo, ano at sino ba talaga ang definition ng maganda/gwapo?

follow up question din, gusto niyo ba talaga ng maganda/gwapo?

hehehe =)

first meeting with mike...

tagalog na lang kasi namiss ko magsalita ng tagalog, biruin mong dalawang linggo kaming magkasama na puro jengliz ang salita namin, susme, awang awa na ako sa lolo ko kasi panay dugo ilong niya sa akin, kasi naiintindihan ko lahat ng sabihin niya, sya tong hindi makaintindi sa mga sinasabi ko, akalain mo yun? pero ganun daw talaga, pag pareho kayong baliw, magkakakaintindihan at magkakaintindihan kayo kahit ano mangyare, hehehe...

january 12, nagkita kami ni neo sa mrt taft, 8pm dapat, grabe late ako, kakahiya, ako na nga sinamahan tapos ako pa late, tapos umuulan pa, tapos wala pa akong dalang payong kasi tinatamad ako magdala, kaya yun, wa poise, naka-mini skirt pa mandin ako nun, pero okay lang, keri pa rin, pero bago kami magkita ni neo, panay na asar niya sakin, tanung ng tanong kung nagpaparlor daw ba ako, susme, di na kailangan noh, naks! charing lang...

okay, so in short nagkita na kami ni neo, at nakahanap din kami ng taxi na may driver na wala ng ginawa kundi i-share sa amin ang virus niya susme, pero gayunpaman, nakarating pa rin kami ng airport, at pagdating sa airport, shushunga shunga ako kasi malay ko ba naman sa airport noh, hindi ko alam ang mga lugar lugar dun, so ang ginawa ko sumunod lang ako ng sumunod kay neo habang nagtetext, kaya yun hindi ko napansin pati sa cr ng mga lalake nakapasok ako, susme kakahiya, sabi tuloy sa akin ng mga nasa crew sa labas ng cr, ingat ka sa mga pinapasukan mo, kasi maraming armalite jan sa pinasukan mo, wahahaha, salamat sa masansang na amoy ng cr ng mga lalake, kung di dahil dun, hindi ko pa mapapansin na mali na pala napasukan ko, hay nako...

kumain muna kami ni neo dun sa waiting area, expected ko na na delayed ang flight ni mike, salamat sa confirmation email ng continental, kaya yun, alam ko na na medyo madedelay dating niya, so habang naghihintay, chikahan muna kami ni neo tungkol sa mga buhay buhay, kasi kahit naman magka-officemate na kami, hindi pa rin kami madalas magkakwentuhan kasi nga sobrang busy din kami sa trabaho, tapos hindi pa sabay mga schedule namin, kaya yun,

nung nakita kong nagblink yung flight 933, ibig sabihin dumating na siya, parang hinalukay ang tiyan ko, well, sa sobrang sexcitement wahahaha, tapos lahat ng dumadating tinitingnan ko, hanggang sa kung ano ano na nakikita ko, dalawang tao na napagkamalan ko na siya, buti na lang at pasensyoso kasama ko, alam ko naiinip na rin siya, pero cool lang siya, ako lang tong mukhang gaga na hindi mapakali, well sino ba naman ang hindi mapapakali noh, makikita ko for the first time ang "The Right One" na sinasabi kaya okay lang yun,

antagal tagal naming naghintay, lakad dito, lakad dun, abang dito, abang dun, hanggang sa napalitan ng inip yung nararamdaman ko, tapos naiiyak iyak na daw ako, sa dami ng tao na andun nung mga oras na yun, iniisip ko kung pano kami magkikita, tapos may narinig pa kaming page na kapangalan niya, pero sa baggage claiming naman,

tapos biglang nagvibrate phone ko, may tumatawag, at ayun ang lolo ko na nga susme, hanapan na naman, buti na lang nakitawag siya, tapos sinabi ko kung nasan kami ni neo at pupuntahan daw nila kami, nila, kasi sasamahan siya nung napagtanungan niya, hindi pa rin kami nagkakitaan, kaya tumawag ulit siya, at sabi ko magkita kami sa may duty free, at dun nga kami tumayo ni neo, at presto! maya maya lang, may sumisigaw na ng "uday! uday! baby im here!"

grabe, nagkita din kami sa wakas, ampogi ng lolo ko kahit medyo may edad na, para sa akin ha, tapos yun, yakapan ng mahigpit, kiss ng konti, grabe naiyak daw ako, hindi pa rin ako makapaniwalang magkasama na kami nung mga oras na yun, tapos parang kami lang ang tao sa mundo, tapos ang saya saya, tapos gandang ganda siya sa akin, grabe hindi ko akalaing may ganun, na may taong tingin e ang ganda ganda ko, at take note, nag iisa lang siya, well, siguro kasi siya na nga,

nakahanap din kami ng taxi na sobrang mahal pero okay lang, basta makauwi lang kami, neo, salamat ulit, makakabawi din ako sayo, hehehe, tapos kala mo naka-glue kami sa isat isa, magkayakap kami palagi, tapos... tapos... iba pala talaga ang kiss ng "The Right One," hindi ko mai-describe eh, basta iba, iba sa lahat,

nakarating din kami ng bahay, at natutuwa naman ako mga tita at tito ko, tinanggap nila si mike sa bahay ng maluwag, tapos usap usap muna sila,

nung matapos silang mag-usap, pumasok na kami sa kwarto ko, grabe kakahiya kasi hindi kagandahan, tapos ang liit pa ng higaan ko, himala na na nagkasya kaming dalawa dun,

tanong, may nangyari ba nung gabing yun?


syempre meron naman, kwentuhan kami hanggang madaling araw, at halos dalawang oras lang tulog namin, hehehe...

walang magawa...

its been a while since my last blog, wala lang, nakakamiss lang magsulat, ano na bang bago sa akin? eto inlab na inlab pa rin, miss na miss ko pa rin ang lolo ko, salamat na lang at may internet kaya nagkakausap kami everyday twice a day (parang prescription lang ah),

andito lang ako sa bahay, pero di ako tambay, homebased ang trabaho ko ngayon, and so far, nag eenjoy ako, kasi tipid sa lahat, wala ng pamasahe, wala ng pambili ng pagkain, tapos hindi mo na poproblemahin ang isusuot araw araw, pagkagising mo, hindi ka obligadong maghilamos o maligo agad nyahahahaha, walang sisita sayo kung gusto mong magtrabaho ng nakahubad, kahit may muta ka pa okay lang, or may panis na laway yakkkk! as in wala kang boss nyahahahah ang saya saya! walang mahadera sa buhay mo, walang sisira ng araw mo, walang mambubwiset sayo, walang sisita ng Pure English na magpapadugo hindi lang ng ilong mo kundi pati na utak rin, hindi na sasakit ulo mo kakaisip kung yung written reprimand ba e talagang naiintindihan nung gumawa nun or baka type nya lang talaga magpasikat sa kakaenglish kaya kung ano na lang masabi? ah ewan... ang masasabi ko lang, i am so free,

pag homebased ang trabaho mo, hindi mo na kailangang pasakitin ang ulo mo kakaisip kung pano mo sasagutin ang email ng manager mo na nanghihingi ng explanation kung bakit mo kinuha ang overtime form mo sa desk nya para pa-approve sa general manager kasi nakalimutan nyang ipasa kaya hindi naisama sa cut-off, tapos gulung gulo ka kasi parang kasalanan mo pa na pinapirmahan mo yung over time slip mo sa general manager kasi nakalimutan pirmahan ng manager mo, at ngayong nasabon sya ng general manager, kaw hihingan nya ng explanation nyahahhahaah WTF! tapos syempre, since manager mo sya, at ikaw e isang pangkaraniwang empleyado lang na pwedeng pwedeng matsugi anytime, syempre mag aalangan kang hingan sya ng explanation kahit gigil na gigil ka na at gustung gusto mo ng sipain itlog nya e wala kang magawa nyahahahahahha hay naku leche!

kaya naman mas masarap pang mag homebased, pag homebased ka, hindi ka na makakareceive ng ebook na How To Be Happy At Work, o kaya ng survey na How To Love The Job You Hate, nyahahaha nyeta parang pangfriendster lang ah!

pag homebased ka, kahit ilang part time jobs pwede, hindi rin bawal magbrowse sa internet habang nagwowork, hindi bawal mag youtube, hindi rin bawal maging-idle ng isang oras or kahit ilang oras pa yan as long as matapos mo yung trabaho on time, you are being paid based on what you've done, kung ano lang nagawa mo, yun lang babayaran sayo, so kung taghapit ka kasi tuition na naman ng boylet mo, e di magsipagsipagan ka, kung feeling mo naman e ang yaman yaman mo na kaya mong bilhin kahit megamall, e di pumetiks nyahahhaah hindi tulad pag sa office ka nagwowork, kahit andami dami mo ng nagawa, hindi pa rin marecognize ang efforts mo, hahanapan at hahanapan ka pa rin ng butas masita ka lang,

at alam nyo ba ang pinakagusto ko sa homebased job? HINDI BAWAL MAGDALA NG SARILING HEADSET nyahahhahahahaha

bitter pa rin ako nyahahahahah

Globe Broadband Request for Termination

For those of you who are so tired of the crappy service of Globe Broadband, you may wanna take a look at this letter I submitted to them. This was very effective. No questions asked when I submitted this.

To: Globe

From: uday

Subject: Cancellation of Internet and phone service

Dear Globe,

Please be advised that I wish to cancel my account #830213737 for internet and phone service effective immediately. Globe has failed to provide and maintain a stable internet connection to me and periods of no internet at all have lasted as long as three weeks under the guise of a so-called "System Restoration".

This kind of "service" is intolerable.

Repeated attempts to resolve this issue with Globe Customer Service agents were not only futile but obviously scripted to make promises Globe has not kept and obviously cannot keep. Your obligation to provide a stable internet connection is a basic element of our contractual agreement and Globe has treated me with only contempt.

Furthermore, I was promised one month of free service as an incentive to activate service with Globe but I did not get it. I still have the leaflet that says if I subscribe from November 2007 until December 2007, I am entitled to avail Globe's promos, and since I want so bad to have my internet, I subscribed, and I chose the 1 Month Subscription Free over the printer since I am not going to need the printer. And guess what? I got my first bill which has a one-day billing period and when I called Globe Customer Service, she said that that is the supposed 1 Month Subscription Free and its not even free at all! I asked her how could that happen? I was supposed to have my first month subscription free but she said that that is system generated and that there is nothing they can do about it. I was really disappointed. I was attracted to Globe and that 1 Month Subscription Free had a big impact on me because I thought it was true.

Regarding this advertisement, based of the RA7394 or Consumer Act of the Philippines Title III - Protection Against Deceptive, Unfair and Unconscionable Sales Acts or Practices; Chapter 1 Article 48 to 52. I just want to highlight Article 50 Prohibition Against Deceptive Sales Acts or Practices - A deceptive act or practice by a seller or supplier in connection with a consumer transaction violates this Act whether it occurs before, during or after the transaction. An act or practice shall be deemed deceptive whenever the producer, manufacturer, supplier or seller, through concealment, false representation of fraudulent manipulation, induces a consumer to enter into a sales or lease transaction of any consumer product or service.

The total lack of responsive customer service and reliable internet service has caused me to lose my job which was dependant on a reliable and stable internet connection. My patience has come to an end and I will not tolerate any further deceit from Globe. I have received two statements regarding payment of my account through the postal service, it is obvious that you cannot bill people on the internet because your customers would never receive it. Therefore I refuse to pay any payments due and in fact I demand a refund for the 5 months I have had your "Service" because it is defective and completely unreliable. I have since applied for and received good service from another internet provider and I have no intentions of ever being a Globe customer again. Additionally, I cannot and will not recommend Globe to any person I come into contact with.

Sincerely,
uday

dati...

dati, halos mapuno ang blog ko tungkol sa kanya, puro na lang sya, iniiyakan ko sya lalo na pag naaalala ko yung dati, nung magkasama pa kami, parang ganito rin ang panahon nun, tag-ulan, tapos nagde-date kami kahit umuulan, at bumabagyo nung naging kami, akalain mong naaalala ko pa yun? syempre, naging bahagi ng buhay ko yun e, naging bahagi sya ng buhay ko, isa siya sa mga pinakaimportanteng tao sa akin,

ang hirap makalimot, hanggat pinipilit mong kalimutan ang isang tao, lalo mo lamang syang hindi makakalimutan, kaya hinayaan kong manatili sya sa loob ko, sa loob ng mahabang panahon, hinayaan kong mabuhay ako sa pangarap, pinaniwala ko ang sarili kong ako pa rin ang mahal nya, kahit malabo, kahit imposible,

palagi kong sinasabi kahit kanino na ako pa rin ang mahal nya, siguro kasi hindi lang kayang tanggapin ng isip ko na makakalimutan nya ako, yung pinagsamahan kasi namin, kahit gaano kaigsi, hindi basta basta pwedeng kalimutan, kung ako nga nahirapang kalimutan sya e, at kung nakalimutan nya nga ako, ganun ba ako kadaling kalimutan?

minsan akong naging tigyawat sa buhay ko, oo, sa mukha nya, gaya ng sabi ko dati, halos magsawa na sya sa kakalagay ng gamot para lang maalis ako sa mukha nya, at tiniis ko ang sakit nung mga gamot na nilalagay nya, para lang maalis ako, hanggang sa nagsawa sya, at ganun din ako,

ang pinakamasakit dun, tinuring nya akong tigyawat, tinuring nya akong isang dumi sa mukha nya, ikinahiya, binalewala, hindi ipinaglaban, wala ng mas sasakit pa para sa isang babae ang balewalain at ikahiya ng lalaking mahal nya, at hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko, nagawa na nya sa akin yan pero minahal ko pa rin sya,

it takes an apple to forget an orange...

totoo, akalain nyo yun, kailangan ko lang palang makilala si mike para lang makalimutan ko sya, at gaya ng sabi ko rin dati, nung ako ay tigyawat pa, aalis din ako sa mukha nya balang araw, makakalipat din ako mukha ng isang tao na hindi tigyawat ang magiging turing sa akin, at eto na nga, si mike na nga ang sagot sa lahat, buti na lang pala hindi ako umuwi, buti na lang pala, at kaya naman pala ako naghintay eh, kasi nagpapahintay pala si mike...

tapos ngayon, bumabalik sya, nagsisisi, humihingi ng tawad, nung tumawag sya sa akin, umiiyak sya, gusto nya akong bumalik, babalik ba ako? hindi na, wala na akong maramdaman e, hindi ko na maramdaman yung dati kong naramdaman para sa kanya, kaya wala ng dahilan para bumalik pa ako sa kanya,

dati may nabasa ako, sabi nila, ang lalaki daw, pag nakipagbreak sayo kala mo kaya nila, pero antay ka ng ilang buwan saka ka tatawagan at saka magtatanong "ano bang meron ka?" ngayon ko nalamang totoo yan, wag lang buwan ang bilangin mo, taon, kasi, sa totoo lang, yung ibang lalaki, lalo na pag immature pa, mga tanga yan e, hahayaan nilang mawala ka, kahit ayaw mo, saka lang nila maiisip yung katangahan nila pag nawala ka na sa kanila, ang mga lalaki talaga oo...

classmates and schoolmates in high school...

wala lang, nakita ko yung mga classmates ko nung high school sa friendster, nakakatuwa yung iba, yung mga tatahitahimik at tinuturing na commoner ay mga asensado na ngayon, nakakatuwa talaga...

tapos yung iba naman, yung mga dating angyayabang, e mayayabang pa rin hanggang ngayon, pero ang nakakatuwa lang, kase ngayon e ampapanget na nila weh! nyahahahahaha... tiningnan ko talgang mabuti yung mga pictures nila sa friendster, kasi yung iba hindi ko na makilala, kasi mga mukhang manong na hahaha, yung mga feeling pogi nuon, e feeling pogi pa rin hanggang ngayon, yun nga lang, gang feeling na lang sila, tapos yung mga talande e, ayun, mga losyang na nyahahahaaha... pero talande pa rin, hehhehe... may mga payat na nagtabaan, at may mga payat na payat pa rin, yung mga hindi nawawalan ng boypren at gelpren nuong high school e mga mukhang pinagsawaan na ng boypren at gelpren ngayon, hay buhay...

tama nga si bob ong, yung mga dating crush ng bayan sa school e nagmumukhang pandesal din pagdating ng araw, wahahahaha...

visa journey dot com

dating post na to, lipat ko lang dito =)


tagalugin ko na lang para mahirapang mag-translate ang mga MIB (maiitim ang budhi) nyahahahah

pumunta kayo sa artikulong ito na kung saan ay minaliit at inapak-apakan ang pagkatao ng pinay ng mga akala mo kung sinong magagaling sa mundo pero jusme mga wala namang sinabi, pero bilib din ako sa pagpapalusot nila, huling huli na e lumulusot pa rin, at pag nasukol mo na sila, hah! saka ka nila pepersonalin,

ang naturang artikulo ay nasa isang forum na kinabibilangan ng ibat ibang lahi at uri ng tao sa ibat ibang panig ng daigdig, at ako ay kaanib din dito, www.visajourney.com ang pangalan ng website, sa aking palagay, itinatag ang website na ito para magbigay impormasyon at makatulong sa lahat ng nagnanais na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na naninirahan sa Estados Unidos ng Amerika,

ngunit sa kasamaang palad, dahil sa ang forum na ito ay kinabibilangan ng ibat ibang lahi at uri ng tao, hindi maiiwasang makasagupa ng mga taong walang kwenta, mababang uri, mapangmata, at mapanghusga, gaya ng mga taong inyong mababasa sa artikulong ito at ito pa na walang ibang ginawa kundi laitin, maliitin, at siraan ang mga filipina,

sa totoo lang, hindi kailanman karapatdapat pag ukulan ng pansin ang mga ganyan kababang klase ng mga tao, subalit paminsan minsan kailangan din naman nating ipagtanggol ang ating lahi lalo na kung ito ay labis ng sinisiraan ng mga taong walang ginawa kundi ang makialam sa buhay ng may buhay,

naniniwala ako na lahat ng forum ay may mga moderators at ang iba pa nga ay mayroon pang tinatawag na organizers, ano ba ang tungkulin ng isang moderator o organizer? base sa aking kaalaman dahil ako ay isang moderator/organizer din, ang moderator ay syang taga-ayos o taga-saway kapag may bumabangong hindi pagkakaunawaan, at ang organizer naman? ang organizer ay isang taong pinakakatiwalaang mag-ayos ng forum kung mayroong mga naliligaw na artikulo at taga-lagay sa tamang kategorya, naniniwala din ako na ang admin ng kahit saang website ay may sapat na kaalaman para pumili ng kung sinumang nais nyang maging moderator o organizer ng isang forum, at hindi sya maglalagay ng moderator o organizer na sa tingin nya ay walang kapasidad,

kung ikaw ay isang organizer, nakakahihigit ka sa isang pangkaraniwang miyembro, at ang pangkaraniwang miyembro at automatic na magkakaroon ng respeto sayo dahil sa naniniwala ang lahat ng miyembro na hindi ka pipiliin ng admin na maging organizer kung hindi ka karapatdapat, at bilang organizer, dapat ay hindi lang artikulo ang inaayos mo, bilang responsableng mamamayan, dapat ay marunong ka ring pumagitna at sumaway lalo na pag hindi available ang mga moderators,

ngunit sa kasamaang palad, sa visajourney forum, may isang organizer na siya pa mismo ang pasimuno sa pagkakaroon ng pagkakampi kampi at siya pa ang numero unong nakikisali at nagpapalaki ng gulo, dati ay akin syang iginagalang, subalit nung nakita ko kung pano nya pagtawanan at laitin ng isang pinay na pinag tutulung tulungan ng mga matatandang binasted ng mga pinay, mabilis pa sa alas kwatro ang pagkawala ng respeto ko sa kanya, kaya wala na akong pakialam kung sya man ay isang organizer dahil sa napakababa na ng tingin ko sa kanya, sya ay nag ngangalang "carlos,"

may mga grupo na kung tawagin ay "filipina haters" ang forum na ito, at inaakala ng mga "filipina haters" na ang mga filipina ay walang pinag-aralan at jan sila nagkamali, kaya naman bilib na bilib sila sa mga sagot ng mga pinay, at pumapalakpak ang tenga nila kapag sila ay sinasagot ng mga pinay dahil sa nagkakaroon ng buhay kahit papano ang kanilang mga walang kakwenta kwetang buhay,

may ilang mga matatandang lalaki sa visajourney na galit na galit sa mga pinay, ito kaya ay dahil sa sila ay binasted at iniwan ng mga kapatid nating pinay? haha! malamang! at hindi ko rin naman masisisi ang mga pinay na nambasted at nang iwan sa kanila, e ang papanget naman kasi nila noh! lalo na ang lalaking nagngangalang roi_aggie, na ganun na lang kung makapanlait ng pinay, at pagnakita nyo ang kanyang litrato sa kanyang pahina, hindi na kayo magtataka, mas maitim pa ang ugali nya kesa sa kulay ng balat nya, at kung gaano sya kapanget ay ganun din ang pag uugali nya, nga pala, maaari kang manalamin sa isang parte ng ulo nya, hulaan nyo na lang kung saan, hehehe...

marami pa sila, anjan si Amby, mawilson, natty-bumppo, at marami pa, na pawang mga kaawa awang mga nilalang, mga patapon,

may ilang kababaihan din na "filipina haters" at hindi ko alam kung bakit sila galit sa mga pinay, pero ayon sa akin nabasa, may isa na iniwan ng kaniyang asawang amerikano at pinagpalit sa isang pinay, haha! magtataka pa ba kayo? sa panget ng pag uugali nila at sa bait at pagkamaasikaso ng pinay, talo na sila,

para sa mga pinay na pilit pinagtatanggol ang kapwa pinay, mabuhay tayo! inggit lang ang mga yan dahil sa ang gaganda natin! naisipan kong dito ipost ang artikulong ito at hindi na sa visajourney, baka pagpiyestahan pa ng mga MIB, at pagnagkataon, nagawan ko na naman sila ng pabor, dahil sa magkakaroon na naman ng excitement ang walang kakwenta kwentang buhay nila, wag na, hehehe...

Thursday, April 16, 2009

filipino style spaghetti sauce

This is a very simple and yet tasty spaghetti sauce.

parmesan pork medallion

This is not just mike's favorite, but also mine, the combination of parmesan cheese and bread crumb is awesome!

Wednesday, April 15, 2009

potato

This is a recipe I learned from www.foodwishes.com my husband likes it a lot =)

Tuesday, April 14, 2009

ang mga pinoy talaga oo...

nagcontribute ka na nga, kung ano ano pa sinasabi, buti sana kung sila e nagko-contribute din, e hindi naman, tsaka okay lang namang mag-critize lalo na pag maayos yung pagkakasabi, tsaka iba naman ang criticism sa insulto, ang mga pinoy talaga oo...

Monday, April 13, 2009

how to make flour tortilla

this is how i make tortilla, i've learned it here from youtube =) thanks aavillanueva for sharing the recipe!

Sunday, April 12, 2009

Beef Fajita

i got this recipe from Chef Jason Hill, the only thing i didn't have was the orange, but anyway, it turned out so good, and my husband likes it, and I suggest you try it!

Thursday, April 9, 2009

Tuesday, April 7, 2009

Monday, April 6, 2009

Pork in white sauce...

I learned this recipe when I was still in the Philippines. My friend, Ate Malou, taught me how to cook this before I leave the country. Thanks Malungay! Miss you na! Anyway, this recipe goes very well with rice. I hope you guys try it and when you do, please let me know the outcome. By the way, you can adjust the ingredients according to your preferrence.



Ingredients:

3 cloves garlic
1 pc medium onion
1 pound pork (chicken will also do)
1 can cream of mushroom
2 tbsp fish sauce
1/2 tsp black pepper
1/4 cup cooking oil

Saturday, April 4, 2009

Country Hash Brown

Its finally Saturday! We got up so late and hungry so we have no choice but to cook something fast and easy, but tasty. So, today, we made some hash brown, a different kind of hash brown. This is just another way to cook potatoes. My husband calls it "country hash brown." Again, this is just my own version. You can adjust the ingredients however you want to.



Ingredients:

2 pcs large potatoes
1 pc medium onion
3 cloves garlic
1 pc bell pepper
1/4 cup olive oil, any other cooking oil will do
3 tsp Tony Chachere's Creole Seasoning, if available, if not, salt and black pepper will do.

Friday, April 3, 2009

carbonara sauce

yesterday, my husband and i decided to film the food that i was going to cook, so here it is, my own version of carbonara sauce...



ingredients:

pasta of your preference
3 cloves garlic
1 pc onion
3/4 cup whip cream
10 oz cream of mushroom
1/2 tsp black pepper
4 tbsp fish sauce
1 cup shredded cheddar cheese
6 oz water (optional)