This sucks, really. Nung isang gabi, habang nasa kwarto ako at tinatamad pang bumangon, narinig ko ang mga housemates kong nag-uusap tungkol dun sa isang friend nila. At alam nyo ba kung ano pinag-uusapan nila? Hay nako, nakakatetano, or siguro kasi babae lang ako kaya medyo naiirita ko sa pinag-uusapan nila, well, malamang nga, siguro kung lalake ako, hindi siguro ako mao-offend. At least napatunayan kong babae ako diba, bweheheheh…
So eto ang pinag-uusapan nila, yung kaibigan daw nila, nakakainggit, bakit daw, kasi since nagkaroon ng pera, afford niya ng bumili ng “tahong.” Yes, you read it right, “tahong” nga. At nakabili nga daw si friend nila ng tahong that night.
So magkano naman daw yung nagastos ng friend nila? Eto, 250 per hour ang presyo ng tahong, tapos 150 per hour yung lungga ng tahong, tapos 100 pamasahe sa tricycle back and forth, kasama na paghihintay ni manong dun. So sa halaga palang 500 pesos, makakatikim ka na ng tahong sa loob ng isang oras, susmeeeeee!!!!!
Hindi ko alam kung mamumurahan ba ako o mamamahalan sa presyo nun, nyemas na yan! Kung ako yung lalake, sasayangin ko ba yung 500 ko sa isang oras lang? Sa hirap ng buhay ngayon, hinde noh! Maliban na lang kung sadya lang talagang may sira ako sa tuktok noh!
Sa point of view naman nung tindera ng tahong, sa halaga bang 250 pesos papayag akong ipakain sa kung sino lang yung tahong ko? Ganun na ba kamura yun? At binibenta bay un?? Susme noh! Maliban na lang kung ako ay sadyang haliparot at palaging nangangati, pwede pa siguro. Pero, considering the face value of that guy, eeeeeeeeeeeeewwwwwwwwww!!! Papayag na lang akong maging tigang habang buhay noh!!!
I just don’t get it. Ganun na ba kadesperado yung ibang mga lalake para lang makatikim ng sex? Hindi ko nilalahat ha, sabagay, gaya nga ng sabi ko kanina, considering the face value, mapipilitan talaga siyang magbayad na lang kasi malabong may pumatol sa kanya. Oh c’mon, hindi ako ganun kasama, siguro mahihirapan akong sabihin to kung mabait yung tao, kaso mo, ala na ngang face value, nyetang yan, patapon pa ugali, haynaku! So kahit papano may katotohanan din pala yung dati kong post, nyahahahahha, makikita mo rin pala sa mukha ng tao kung anung klaseng tao siya, pero hindi ko nilalahat ha,
Sensya na, kelangan ko lang maisulat to, para mawala na sa isip ko hehehe…
No comments:
Post a Comment