Friday, April 17, 2009

pag-aasawa

Habang kumakain ako kanina sa tapsihan sa labas ng building namin, may dumating pang dalawang babae, at umupo sila sa tabi ko. Habang hinihintay nila yung order nila, dinig na dinig ko usapan nila. Narinig kong balak ng mag-asawa nung isa habang yung isa naman, pinapayuhan yung dalaga ng mga dapat at hindi dapat gawin, kung anu gagawin niya kung gusto na nilang magkaanak, at kung anu anu pa. Narinig ko rin na yung isang babae, may dalawang anak na. In fairness, hindi siya mukhang may anak. Alaga ang katawan niya at hindi losyang.

Natapos din akong kumain at nakaalis na sa tapsihan, pero yung topic nila ang hindi mawaglit sa isip ko hanggang dito sa work station ko.

Pag-aasawa. Yeah, right, pag-aasawa. Doesn’t it sound exciting? Well, as for me, in my state of mind right now, oo, it sounds exciting. At oo, aaminin ko, at my young age, gusto ko ng mag-asawa. Kung may boyfriend nga lang ako ngayon malamang ako na magyayang magpakasal na kami.

Bakit nga ba gusto ko ng mag-asawa? Hmmm, its not because of sex. Its quite unexplainable pero sige try ko pa rin. Gusto ko lang kasi na meron na akong aasikasuhin, yung may ipagluluto na ako, yung may ipaglalaba, ipagpaplantsa, at yung may kasama na ako sa buhay. In short, ready na kong maging ganap na longkatuts, nyahahahha

Hinde, seryoso ako. Isa pang dahilan, gusto ko na rin kasing magkaanak. Miss na miss ko na kasi yung isang pamangkin ko, na ako ang nag-alaga simula nung iwan siya ng mama niya, tapos bigla na lang kinuha at dinala sa Thailand. Hay… Pero gusto ko na rin talagang magkaanak. Sabi kasi ng mga tita ko na gusto na akong mag-asawa, iba rin daw pag sarili kong anak yung inaalagaan ko. Kung dati yung mga tita ko sobrang higpit sakin pag dating sa boyfriend, akalain mong halos ipagtulakan na akong mag-asawa na? Susme! Kung kailan nalipasan na ko ng panahon nyahahahahah joke lang, I’m still as young looking as ever nyahahahaha hay naku joke pa rin. Ang totoo niyan, ngayon pa lang ako nagmumukhang tao, kasi dati, susme bisayang bisaya na hindi mo maintindihan itsura ko, eeeewwww!!! Well, at least ngayon, pacquiao na tawag nila sakin, o di ba improving? nyahahahahahah

Gusto ko ng mag-asawa. Hindi sa sawa na ko sa buhay dalaga, ang totoo, ngayon pa lang ako nag-eenjoy sa mga gimik at lakwatsa. Marami pa rin akong gustong marating na lugar. Gusto ko pang malibot ang pilipinas. Pero, magagawa ko pa rin naman yun kahit may asawa na ko. Pwede rin naman na hindi muna kami magkaanak, para magawa pa rin namin lahat ng gusto naming gawin.

Sobrang nag-eenjoy ako pag kasama ko mga real friends ko sa lahat ng mga gimik namin, sa lahat ng lakwatsa, sa mga out-of-towns namin, pero anu nga kaya kung ang kasama ko ay yung asawa ko naman? Pano nga kaya pag ang kasama kong nagboracay ay yung lalaking mahal na mahal ko? Di ba? Iba rin siguro yun.

Alam ko, ang pag-aasawa ay hindi birong bagay. Dapat sobrang careful ka sa mga ganito kaseryosong desisyon, at kailangan higit sa lahat ng guidance Niya para di ka magkamali.

Naalala ko lang tuloy yung tita ko, kung pano siya mamalakad ng pamilya niya. Siya yung maituturing kong perfect wife. Bukod sa maganda na, sobrang maalaga pa. Yung tita ko, grabe mukha lang kaming magkaedad kung titingnan, at ako kung iko-compare sa kanya, mukha pa rin talaga kong tagabitbit ng tsinelas nyahahahah

E pano naman kasi ang ganda ganda ng tita ko. Hindi pa losyang, oo tumaba pero susme artistang artista pa rin ang itsura. Tapos ang gwapo pa ng tito ko. Tito ko, habulin ng lahat, mapa bata, matanda, may asawa o wala, lalake, babae, at syempre pati bakla, name it. Oo, ganun kahabulin tito ko. Kamukha niya si Julio Diaz nung bata pa siya. At kahit ngayong may edad na, mala-Pierce Brosnan naman ang appeal niya, kaya naman ang tita ko, di pwedeng magpakalosyang noh.

Pero ang nakakabilib sa tita kong yun, nakuha pa niyang imaintain yung postura niya, kahit na wala siyang katulong, never siyang kumuha ng katulong. Nagagawa niyang asikasuhin ang buong pamilya niya na hindi napapabayaan ang sarili niya. Kahit nung nandun pa ko sa kanya. Ang totoo niyan, anak ang turing sakin ng tita ko. Ni hindi ako obligadong gumawa sa bahay kasi estudyante ako nun e. Pero syempre sa kanya ko natutong makisama.

Hay sana nga ganun din ako pag nag-asawa na ko. At sana, tulad ng tita at tito ko, sana mahal na mahal din ako ng magiging asawa ko.

Wala lang talaga. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganitong feeling. Akala ko pa naman nun, ang pag-aasawa ay pag nabuntis ka lang, pag gusto mo lang ng seks, at pag may nakita ka lang na kayang magprovide para sayo, hindi pala.

Ikaw, naramdaman mo na ba yung ganitong pakiramdam?

No comments:

Post a Comment