Friday, April 17, 2009

walang magawa...

its been a while since my last blog, wala lang, nakakamiss lang magsulat, ano na bang bago sa akin? eto inlab na inlab pa rin, miss na miss ko pa rin ang lolo ko, salamat na lang at may internet kaya nagkakausap kami everyday twice a day (parang prescription lang ah),

andito lang ako sa bahay, pero di ako tambay, homebased ang trabaho ko ngayon, and so far, nag eenjoy ako, kasi tipid sa lahat, wala ng pamasahe, wala ng pambili ng pagkain, tapos hindi mo na poproblemahin ang isusuot araw araw, pagkagising mo, hindi ka obligadong maghilamos o maligo agad nyahahahaha, walang sisita sayo kung gusto mong magtrabaho ng nakahubad, kahit may muta ka pa okay lang, or may panis na laway yakkkk! as in wala kang boss nyahahahah ang saya saya! walang mahadera sa buhay mo, walang sisira ng araw mo, walang mambubwiset sayo, walang sisita ng Pure English na magpapadugo hindi lang ng ilong mo kundi pati na utak rin, hindi na sasakit ulo mo kakaisip kung yung written reprimand ba e talagang naiintindihan nung gumawa nun or baka type nya lang talaga magpasikat sa kakaenglish kaya kung ano na lang masabi? ah ewan... ang masasabi ko lang, i am so free,

pag homebased ang trabaho mo, hindi mo na kailangang pasakitin ang ulo mo kakaisip kung pano mo sasagutin ang email ng manager mo na nanghihingi ng explanation kung bakit mo kinuha ang overtime form mo sa desk nya para pa-approve sa general manager kasi nakalimutan nyang ipasa kaya hindi naisama sa cut-off, tapos gulung gulo ka kasi parang kasalanan mo pa na pinapirmahan mo yung over time slip mo sa general manager kasi nakalimutan pirmahan ng manager mo, at ngayong nasabon sya ng general manager, kaw hihingan nya ng explanation nyahahhahaah WTF! tapos syempre, since manager mo sya, at ikaw e isang pangkaraniwang empleyado lang na pwedeng pwedeng matsugi anytime, syempre mag aalangan kang hingan sya ng explanation kahit gigil na gigil ka na at gustung gusto mo ng sipain itlog nya e wala kang magawa nyahahahahahha hay naku leche!

kaya naman mas masarap pang mag homebased, pag homebased ka, hindi ka na makakareceive ng ebook na How To Be Happy At Work, o kaya ng survey na How To Love The Job You Hate, nyahahaha nyeta parang pangfriendster lang ah!

pag homebased ka, kahit ilang part time jobs pwede, hindi rin bawal magbrowse sa internet habang nagwowork, hindi bawal mag youtube, hindi rin bawal maging-idle ng isang oras or kahit ilang oras pa yan as long as matapos mo yung trabaho on time, you are being paid based on what you've done, kung ano lang nagawa mo, yun lang babayaran sayo, so kung taghapit ka kasi tuition na naman ng boylet mo, e di magsipagsipagan ka, kung feeling mo naman e ang yaman yaman mo na kaya mong bilhin kahit megamall, e di pumetiks nyahahhaah hindi tulad pag sa office ka nagwowork, kahit andami dami mo ng nagawa, hindi pa rin marecognize ang efforts mo, hahanapan at hahanapan ka pa rin ng butas masita ka lang,

at alam nyo ba ang pinakagusto ko sa homebased job? HINDI BAWAL MAGDALA NG SARILING HEADSET nyahahhahahahaha

bitter pa rin ako nyahahahahah

No comments:

Post a Comment