tagalog na lang kasi namiss ko magsalita ng tagalog, biruin mong dalawang linggo kaming magkasama na puro jengliz ang salita namin, susme, awang awa na ako sa lolo ko kasi panay dugo ilong niya sa akin, kasi naiintindihan ko lahat ng sabihin niya, sya tong hindi makaintindi sa mga sinasabi ko, akalain mo yun? pero ganun daw talaga, pag pareho kayong baliw, magkakakaintindihan at magkakaintindihan kayo kahit ano mangyare, hehehe...
january 12, nagkita kami ni neo sa mrt taft, 8pm dapat, grabe late ako, kakahiya, ako na nga sinamahan tapos ako pa late, tapos umuulan pa, tapos wala pa akong dalang payong kasi tinatamad ako magdala, kaya yun, wa poise, naka-mini skirt pa mandin ako nun, pero okay lang, keri pa rin, pero bago kami magkita ni neo, panay na asar niya sakin, tanung ng tanong kung nagpaparlor daw ba ako, susme, di na kailangan noh, naks! charing lang...
okay, so in short nagkita na kami ni neo, at nakahanap din kami ng taxi na may driver na wala ng ginawa kundi i-share sa amin ang virus niya susme, pero gayunpaman, nakarating pa rin kami ng airport, at pagdating sa airport, shushunga shunga ako kasi malay ko ba naman sa airport noh, hindi ko alam ang mga lugar lugar dun, so ang ginawa ko sumunod lang ako ng sumunod kay neo habang nagtetext, kaya yun hindi ko napansin pati sa cr ng mga lalake nakapasok ako, susme kakahiya, sabi tuloy sa akin ng mga nasa crew sa labas ng cr, ingat ka sa mga pinapasukan mo, kasi maraming armalite jan sa pinasukan mo, wahahaha, salamat sa masansang na amoy ng cr ng mga lalake, kung di dahil dun, hindi ko pa mapapansin na mali na pala napasukan ko, hay nako...
kumain muna kami ni neo dun sa waiting area, expected ko na na delayed ang flight ni mike, salamat sa confirmation email ng continental, kaya yun, alam ko na na medyo madedelay dating niya, so habang naghihintay, chikahan muna kami ni neo tungkol sa mga buhay buhay, kasi kahit naman magka-officemate na kami, hindi pa rin kami madalas magkakwentuhan kasi nga sobrang busy din kami sa trabaho, tapos hindi pa sabay mga schedule namin, kaya yun,
nung nakita kong nagblink yung flight 933, ibig sabihin dumating na siya, parang hinalukay ang tiyan ko, well, sa sobrang sexcitement wahahaha, tapos lahat ng dumadating tinitingnan ko, hanggang sa kung ano ano na nakikita ko, dalawang tao na napagkamalan ko na siya, buti na lang at pasensyoso kasama ko, alam ko naiinip na rin siya, pero cool lang siya, ako lang tong mukhang gaga na hindi mapakali, well sino ba naman ang hindi mapapakali noh, makikita ko for the first time ang "The Right One" na sinasabi kaya okay lang yun,
antagal tagal naming naghintay, lakad dito, lakad dun, abang dito, abang dun, hanggang sa napalitan ng inip yung nararamdaman ko, tapos naiiyak iyak na daw ako, sa dami ng tao na andun nung mga oras na yun, iniisip ko kung pano kami magkikita, tapos may narinig pa kaming page na kapangalan niya, pero sa baggage claiming naman,
tapos biglang nagvibrate phone ko, may tumatawag, at ayun ang lolo ko na nga susme, hanapan na naman, buti na lang nakitawag siya, tapos sinabi ko kung nasan kami ni neo at pupuntahan daw nila kami, nila, kasi sasamahan siya nung napagtanungan niya, hindi pa rin kami nagkakitaan, kaya tumawag ulit siya, at sabi ko magkita kami sa may duty free, at dun nga kami tumayo ni neo, at presto! maya maya lang, may sumisigaw na ng "uday! uday! baby im here!"
grabe, nagkita din kami sa wakas, ampogi ng lolo ko kahit medyo may edad na, para sa akin ha, tapos yun, yakapan ng mahigpit, kiss ng konti, grabe naiyak daw ako, hindi pa rin ako makapaniwalang magkasama na kami nung mga oras na yun, tapos parang kami lang ang tao sa mundo, tapos ang saya saya, tapos gandang ganda siya sa akin, grabe hindi ko akalaing may ganun, na may taong tingin e ang ganda ganda ko, at take note, nag iisa lang siya, well, siguro kasi siya na nga,
nakahanap din kami ng taxi na sobrang mahal pero okay lang, basta makauwi lang kami, neo, salamat ulit, makakabawi din ako sayo, hehehe, tapos kala mo naka-glue kami sa isat isa, magkayakap kami palagi, tapos... tapos... iba pala talaga ang kiss ng "The Right One," hindi ko mai-describe eh, basta iba, iba sa lahat,
nakarating din kami ng bahay, at natutuwa naman ako mga tita at tito ko, tinanggap nila si mike sa bahay ng maluwag, tapos usap usap muna sila,
nung matapos silang mag-usap, pumasok na kami sa kwarto ko, grabe kakahiya kasi hindi kagandahan, tapos ang liit pa ng higaan ko, himala na na nagkasya kaming dalawa dun,
tanong, may nangyari ba nung gabing yun?
syempre meron naman, kwentuhan kami hanggang madaling araw, at halos dalawang oras lang tulog namin, hehehe...
No comments:
Post a Comment