Friday, April 17, 2009

extra challenge!

Date of arrival: November 24, 2006 10:35 am

Destination: Sa aking bagong mansyon

Partner: Whoelse? nyahahhaha

Challenge: Makipagtitigan sa partner ko sa loob ng isang araw! nyahahhaha


okay eto na, dumating kami ni luvrina sa bago kong mansyon ng mag-a-alas dyes y media ng umaga,

jusme nagkaligaw ligaw pa kami dahil sa hindi ko matandaan kung san nakatirik ang bago kong mansyon nyahahahahha

buti na lang, may konti pa kong load kaya natawagan ko ang aking landlord bweheheheheh

so, ayun na, nakarating na kami sa wakas sa aking bagong mansyon,

maingay dun tapos medyo magulo pa kasi kasalukuyan pang inaayos ang aming bahay, pero okay na ang kwarto ko, kaya kahit maingay ang paligid, nakatulog din kami ni luvrina,

kamusta naman pagkagising namin, wala ng tao dun kundi kaming dalawa na lang, jusme!

ang masama pa, wala kaming tv dun, wala ding radyo, at wala kahit anu!

nung umpisa okay lang kasi okay pa kami,

naisipan din naming lumabas para maggrocery, susme nilakad namin simula bahay gang palengke kamusta naman yon! kaya wag ng magtaka pag nakita nyo kung gano kalaki ang binti ko nyahahhahah

so ayan, nakapaggrocery na kami, nakauwi na rin, nga pala, sumakay naman kami ng jeep pauwi noh,

eto na, magluluto na kami, susme! napaka-high tech ng kalan namin! siya ang latest kalan nung 1920s nyahahhahaha

natakot pa kami kasi bigla siyang umapoy ng malaki, akala namin masusunog na kami dun, nyeta ng dahil sa pagluluto ng noodles, muntik pa kaming magkasunog

pero nairaos din namin ang pagkain namin,

eto na, nung matapos na kaming kumain, wala na kaming ibang magawa, as in wala!

Pano wala kaming tv.

Wala ding radio.

Walang relo.

Walang cellphone!

Nyeta talaga!

Hay naku!

At alam nyo ba kung pano namin nalaman ang oras? Dahil sa mabilis na mata ni luvrina, nakakita siya ng relo sa kapit bahay naming parang haunted house

At pagabi na rin nung nakakita kami ng relo

Wala kaming ginagawa, nakakasawa ng magkwentuhan, problema naming kung pano palilipasin ang oras.

Kaya nagkwentuhan na lang kami ng mga walang kakwenta kwentang bagay, nagbolahan na lang kami, naglokohan, sabi pa nga niya, mas okay na daw yun compared to lugaw nyahahahhaha

At last! Nakatulog din kami sa wakas! At nagising din kami ng maayos at mapayapa! Nyahahahhaha

So to make it short, iniwan din ako ni luvrinang p*kp*k nyahahahhaha

At ako na lang mag-isa

Alam nyo, maganda naman yung mansion ko, maayos, maaliwalas at malinis. Kaya lang habang gumagabi na, eeeeeeeeeeeee!!!

Alam nyo kasi, kung dun kila alex, may mga naliligaw na kaluluwa,

Dun sa min, wala,

KASI NAMAN TERITORYO NILA YUN!

Kakatakut!!!!

Nyetang buhay to, pero since mambabarang ako, ah, wa epek sila sakin bwahahahaha

No comments:

Post a Comment