Friday, April 17, 2009

para sa isang ate ko jan...

wala lang, gusto ko lang malaman mo na happy ako na naging friend kita, thanks,

happy ako na successful ka sa career mo ngayon, (te malu peram muna ng line ha, hehehehe),

pero siguro mas magiging happy ako kung makikita mo na yung lalaking makakapagpabago ng isip mo,

wag mong isiping okay lang tumanda mag-isa, u-huh! a big no-no,

baket ko nasabi?

just recently kasi, may nakausap akong isang babae, mga 40 years old na siya, late na siya nag-asawa kaya 3 years old pa lang anak niya,

sinabi niya sakin, dati daw, nung hindi pa siya nag-aasawa, madalas niyang sabihin sa mga friends niya na okay lang daw maging single for life, masaya naman daw siya sa ganung status, nagagawa niya lahat ng gusto niya, walang pressure, may pera siya, hindi siya stressed,

pero...

deep inside daw, malungkot ang mag-isa, yung mga sinasabi niyang masaya din naman ang buhay ng single ay front niya lang para hindi siya kaawaan ng lahat, pero malungkot daw talaga,

pag nag-iisa daw siya sa kwarto niya, minsan nag sasalita siya mag isa na parang may kausap siyang asawa (waaaa nakakabaliw ito),

tapos kahit may pera na siya, parang walang napupuntahan kasi nga since single siya gumagastos siya para sa sarili niya, at since sumosobra ang pera niya, natural umaasa sa kanya ang ilang kamag anak niya, pero hindi naman siya madamot, kaya lang daw, mas maganda daw yata kung ang pera niya e napupunta sa sarili niyang pamilya,

pero nung time naman na halos hopeless na siyang makapag-asawa pa, kasi 36 na siya nun eh, bigla naman daw dumating yung lalaking para sa kanya,

in fairness, ang gwapo ng asawa niya ha, at ang bata, grabe gwapo talaga, ang swerte nya pa kasi mahal na mahal siya nun,

alam kong totoo ang sinasabi niya, kasi nakikita ko yun ngayon sa matandang dalaga na kasama ko sa bahay eh, yung landlady ko,

yung landlady ko, kabarkada ng nanay ko, pero kung titingnan mo, parang 10 years ang tanda ng nanay ko kesa sa kanya, well siguro kasi nga sa dami ng problema, tapos mga pasaway pa kaming magkapatid, waheheheheh

yung landlady ko, simula nung natira ako sa kanya, daig pa sa anak ang turing sakin, and im grateful for that, kaya lang, its too much, to the point na nakakairita na,

pero naiintindihan ko naman, kasi siguro since hindi siya nagkaanak, at anak ako ng friend niya, so parang anak na rin ang tingin niya sakin, sabik siya sa anak, and i could say na sabik na sabik siya sa kausap,

to the point na:

minsan kahit natutulog pa ko e gigisingin na ko (punyeta!)

minsan kahit male-late nako e ayaw pang tumigil sa kakakwento (punyeta talaga!)

madalas kahit hindi ko ma-take ang luto niya eh pilit akong hahainan ng napakarami (isa pang punyeta!!!) hindi biro ang magpanggap at sabihing masarap ang luto niya kahit punyeta ang lasa (gwarkkkk)! i'll give my self 10 points for that,

at wala akong ibang role pag magkasama kami kundi maging listener (pakshet naman! sa daldal kong ito ang hirap maging listener ha!)

at halos wala naman siyang ibang kinukwento kundi yung mga past niya, na kesyo andaming nagkakagusto sa kanya, in fairness, maganda naman siya ha, tapos paulit ulit na nakakasawa na at minsan pa paiba iba ng version nyahahahahhahhah




so ano ikaw teh, gusto mo bang matulad sa kanya? ayokong matulad ka sa kanya, kaya alisin mo sa isip mo na okay lang maging single for life kasi hindi talaga okay, okay?

haylabshu teh!

No comments:

Post a Comment