hello hello! eto na naman ako, gusto ko lang ulit dumaldal ng dumaldal, maglabas ng sama ng loob, at mag-inarte bweheheheh!
so, kwento ko lang yung nangyari sakin kahapon, well kasi family reunion namin kahapon, kasi nga bortdey ng pinsan ko nung friday, o davah! kabortdey niya pa ang ex-kras ko, kamusta naman yon, pero wala akong pakialam sa ponsiopilatong yon, mabalik tayo, since birthday ng mahadera kong kuya, syempre, reunion na naman, at as usual, obligadong pumunta kunde naku mapuputukan na naman ako ng mga tita ko, sasabihin na naman kung saan saan ako nakakarating pero hindi ako makarating sa bahay nyahahahaha
so, what happened yesterday? well, wala lang, wala lang silang ibang napansin sakin kundi ang namumutaktak kong pimples, nyemas talaga!
aba naman, pagkadaan ko pa lang sa may gate, nakita ko ang kapatid ko, syempre binati ko, sabi ba naman, ang dami mong tigyawat teh, sabi ko naman, sus stressed lang ako, palaging double shift, pero gagaling din yan,
pasok ako sa bahay, at nakita kong lahat sa sala yung mga tita ko, jusme! walang ibang napansin sakin kundi ang pimples ko! siguro mahigit sampung beses kong narinig ang tanong na: "anong nangyari sa mukha mo? bat nagkaganyan?" at syempre pa, mahigit sampung beses din akong sumagot na: "stressed ako eh, palaging double shift, kulang sa tulog, gagaling din yan pag nakabawi ako sa tulog."
Sa sagot kong yan, iba iba ang naging reaction nila, eto:
Reaction ng mga tita kong beauty conscious: "Ne dapat kasi since sumusweldo ka naman, palagi kang magpapafacial, tingnan mo ko,"
reaction ng mga pinsan kong concern sakin: "Uday may gamot ako sa bahay, bibigyan kita, pero dun ka muna matulog, bwehehehe,"
reaction ng mga alaskador/liberated kong pinsan: "Tigang ka lang kase!"
reaction ng unwanted unwelcome unknown pinsan-daw-namin-ewan na mas mataba pa sa baboy: "papala-Palawan ka tapos stressed ka?" (wag na kayong magtaka, bitter lang talaga siya nyahahahaha)
Matapos ang mahaba habang kwentuhan tungkol sa katigyawatan ko, napunta naman sa usapang kapektyuran ko, o davah! mistula akong nasa hot seat kahapon susme!
Sabi ng tita kong concervative: "aba ikaw, pinakita sakin ng pinsan mo yung picture mo daw sa internet, anak wag ganun, kadalagang tao mo chuvachuvachuvachuvachenezz!"
sabi ng mga pinsan kong hanga sa lakas ng loob ko: "Uday ikaw ba talaga yun? grabe ang sexy mo naman, kakainggit ka, maganda ba sa palawan? e sa boracay?"
sabi ng mga pinsan kong alaskador: "alam mo, perfect ang kuha mo dun, buti na lang tinakpan mo mukha mo nyahahahahah!"
at syempre, sabi ng unwanted unwelcome unknown pinsan-daw-namin-ewan na mas mataba pa sa baboy na hindi naman kagandahan: "sino nag edit niyan?" nyahahahahahah pakshet! dito ko nabwiset, pero syempre, since family gathering yun, nagpaka-cool lang ako kahit na umuusok na bumbunan ko sa sobrang ngitngit, at naisip ko rin, hindi ako dapat magpaapekto noh, susme! kaya sinagot ko siya ng:
"ateh, hindi po edited yan, kung may ipapaedit man ako sa picture, walang iba kundi yung mukha ko, pero ang katawan ko, never, sus sa sexy kong to, ano pa ipapaedit ko dito? sinuwerte lang ako at sexy ako, e teka ikaw kelan ka maggygym?" nyahahahahaha sabay tayo at kuha ng pagkain sa kusina nyahahahahaah
pero kahit na merong unwanted at unknown people sa family namin, okay pa rin, masaya pa rin, minsan lang kasi kami makumpleto eh, pag nakumpleto kami, halos ayaw ng maghiwahiwalay, pag nagtawanan, walang humpay, hagalpak kung hagalpak, wala ring tigil sa kainan, kwentuhan kung kwentuhan, at ang pinakamahirap lang dun, pag gumagabi na, syempre uwian na, ang hirap maghiwahiwalay, pero ganun yata talaga...
so yun, ganun ang naging weekend ko, may part na nakakabwiset, pero nasa sayo na kung pano mo ihahandle at kung ano gagawin mo para hindi maapektuhan ang mood mo,
okay jan lang muna, byerz!
No comments:
Post a Comment