just a thought, alam kong hindi na to bago, pero it really caught my attention,
"mabuti pa daw ang durog na tinapay kesa sa bahay na puno ng pagkain pero pinaghaharian ng kaguluhan"
how true! sa totoo lang, aanhin mo ang yaman kung wala kang kapayapaan? aanhin mo ang maraming pera na hinahangad ng maraming tao ngayon kung hindi naman maayos ang pamilya mo? aanhin mo ang maraming pagkain sa bahay mo kung andami mong sakit at halos lahat ng pagkain mo bawal sayo?
sa totoo lang, hindi lahat ng mayaman at maraming pera ay maayos ang buhay, hindi lahat ng professional na mga magulang ay magulang, ano ibig sabihin nun? ibig kong sabihin, hindi lahat ng professionals na magulang ay alam kung pano ang maging magulang,
ang pagiging magulang naman kasi, hindi natututunan sa paaralan, ang ikapagiging mabuting magulang ay matututunan sa biblia, ang totoo niyan, marami na ang naisulat na babasahin kung pano mapapatatag ang pamilya, pero ang pinakamabuting saligan talaga ay ang biblia,
hindi porke naibibigay mo ang mga materyal na pangangailangan ng mga anak mo eh mabuting magulang ka na, hindi dun natatapos ang pagiging magulang,
kaya, hindi lang pala ang requirements sa pag-aasawa ay yung nasa tamang gulang ka na, may matatag na hanap buhay ka, mahal nyo ang isa't isa, hindi lang pala yun, meron pa palang isang pinakamahalaga sa lahat,
wala ka pa rin palang karapatang mag-asawa kung hindi mo pa kayang pangalagaan ang kapakanan ng isang tao,
hay naku ano ba tong pinagsasasabi ko dito bangag na naman ako nyahahahahahah
No comments:
Post a Comment