Friday, April 17, 2009

si uday...

Si Uday! Bow!

1. Pambansang Star Dancer - Move over Sex Bomb Girls and Beyonce Knowles! Kapag si Uday ang humataw, tiyak na mahahawi ang dance floor! Mahihiya ang mga star dancer sa Pegasus! Ang hitsura lang naman nya eh parang turumpong tumira ng katol na nagpapa-ikot-ikot sa dance floor! Panalo di ba?

You'd better push the buttons and let me know....

2. Dakilang Chochalite - San ka ba naman nakakita ng trainee pa lang sa Chochal Society pero suki na ng Celine at mas chochal pa sa founder na si Alex! Yun nga lang, kalevel pa rin nya si Jepay sa pagiging trainee. Hindi pa kasi kumpleto ang kanyang training. Kailangan ko pa syang turuan ng mga Table Etiquette gaya ng tamang paggamit ng tutpik sa pagagamitan ng paa at si Alex naman, tuturuan sya sa tamang paggamit ng kubyertos at tamang pagkain nito.

3. Si Uday na Walang P - Kung anong P ang wala sya, kung puri, pera, papabol, pandesal o problema, i-fill in the blanks nyo na lang sa inyong mga wild but creative imaginations. Basta ang alam lang namin, wala sa bokabolaryo nya ang finesse, penis lang.

4. Pambansang Kamao - Bakit nga ba tinatawag na boksingero si Uday?

a. Dahil kamukha sya ni Pacquiao? Hindi ni Manny ha? Ni Jinky! (yoko masapak eh!)

b. Dahil parang boksingero sa laki ang kanyang mga braso? Impernes, halos magkasinglaki na rin naman kami ng braso. (yoko sabing masapak eh, kaya laglag ko na rin sarili ko!)

c. Dahil parang boksingero sya sa tapang? Wala syang inuurungang kaaway. Kagaya ni Pacquaio, kayang-kaya nyang patulugin ang kanyang mga kaaway in three rounds only!

d. Dahil para syang boksingero sa tibay ng katawan, lakas ng pananampalataya, at tigas ng mukha, este, tigas ng loob.

Kaya nyang magtrabaho sa loob ng 48 hours! Basta meron lang syang kapeng maligamgam na nilagyan ng malamig na tubig at isang sandok na coffeemate. Kung makapagtrabaho sya eh parang meron syang pinapag-aral na boylet sa Ateneo na kumukuha ng Law.

Kahit saang lupalop sya ng mundo naroroon, kahit sa Timbuktu pa yan, hahanap at hahanap sya ng simbahan nila para makasamba! Hindi nya palalagpasin ang Hwebes at Linggo na hindi sya nakakasamba! Kaya abut-abot ang sermon nya sa amin ni Alex dahil ang huling simba pa namin eh nung Linggo...Linggo ng Pagkabuhay.

Kung meron man dito sa atin ang karapat-dapat tawagin na survivor si Uday yun. Kung anuman ang pinagdaanan nya sa buhay, di na kailangan pang sabihin pa dito. Basta ang masasabi lang namin, taas ang kamay namin sa katapangan at katatagan ng babaeng ito.

5. Dakilang Kaibigan, Matinik na Kaaway - Marahil nga, maraming nakakaaway si Uday dito. Marahil nga prangka sya at palengkera. Marahil nga, iba ang impression ng ilan sa kanya. Yan ay dahil hindi pa nila nakikilala ng lubusan si Uday.

Una naming nakilala si Uday sa Give A Gift project. Mga sampung minuto pa lang ang nakakaraan mula ng makilala namin sya, feeling namin eh mga sampung taon na namin syang barkada. At simula nun, lagi na namin syang kasama sa lakwatsa. Siguro, kung bibigyan lang ng iba ng pagkakataon si Uday para makilala sya ng lubusan o maging kaibigan sya, most probably maiiba ang impression nila. That Uday doesn't only have a big mouth, but a big heart as well. At meron pang isang big sa kanya, hulaan nyo na lang kung ano.



Kahit maging isang batalyon pa ang makaaway mo, labs na labs ka pa rin namin! Kahit naging si Nancy Navalta ka na dahil tinakasan mo kami kahapon, ok lang. Me next week pa naman!

Wish namin, sana magkaroon ng kahihinatnan ang lablayp mo kay Lomboy! At sana manalo ka pa uli sa boksing! Este, sana patuloy kang lumaban sa mga pagsubok sa buhay!

We Labshu Uday!





Aytenchu! Bow!

No comments:

Post a Comment