eto na naman ako, kakapost ko lang ng tungkol sa tigyawat, tigyawat na naman ang taytol ng post ko, hay nako...
so ano nga ang tigyawat? ito ang mga nakakainis na elemento na nakakainis talaga pag tumubo sa mukha mo, ang iba, ginagawa ang lahat para lang wag tubuan ng tigyawat, nagpapa-facial, skin peeling, at kung ano ano pang chechebureche para lang mapanatiling tigyawat free ang mukha nila, pero may mga tao namang katulad ko na bukod sa nasa lahi na ang tigyawatin, e may pagkapabaya pa pagdating sa tigyawat, o siguro sadya lang kaming lapitin ng mga tigyawat, leche!
nito lang, nasabi ko kung gano ko ka stress sa trabaho, well, totoo naman siya, at dahil dito, lalong lumalala ang mga tigyawat ko, pero ang mga tigyawat kong ito na ayaw magsigaling ang isa pang nakakadagdag ng stress ko, lalo akong naiistress dahil sa kanila, bwesit!
pero, aminin na natin, ang tigyawat ay bahagi na ng buhay natin, sino ba ang hindi tinubuan ng tigyawat dito kahit minsan? ang magtaas ng kamay panget nyahahahahhahah joke!
ibat ibang klase din ang tigyawat, meron sandali lang magaling na, meron namang kahit anong gamot ang ilagay mo nyeta ayaw pa ring gumaling, meron din naman na parang hindi mo maintindihan kung gusto niyang lumabas o hinde pero nararamdaman mong bumubukol siya sa mukha mo, at meron din namang tinatawag na blackheads at whiteheads na para sa kin ay walang kwentang tigyawat kasi hindi mo siya halos papansinin lalo na kung hindi ka masyadong conscious,
sa ngayon, may mga lentek na tigyawat na palaging bumabalik sa mukha ko, at talagang nakapwesto pa sila sa noo at magkabilang pisngi ko ha, hindi na nga ako maganda, lalo pa akong pumanget, hay nako!
napansin ko lang, yung isang tigyawat ko, ito rin yung dati eh, kasi tumubo ulit siya kung saan siya dati nakapwesto, ito yung pinakamalupet kasi ito yung pinakamasakit at pinakamali sa lahat, pinakapansinin, at pinakanakakahiya kasi nung tumubo ito, halos gusto ko ng manghiram ng fez sa aso, pero in fairness, gumaling naman after a few years, gumaling to kung kelan nagsawa na ko sa kakagamot sa kanya, ang kaso lang, ngayon bumabalik na naman siya, pakshet!
meron pang isang tigyawat sa kabilang pisngi ko naman, ito ang pinakamatagal kong tigyawat, ewan ko ba pero ito lang ang nakatagal sa akin, nyahahahah punyeta mahal na mahal ako ng tigyawat na ito kasi ginawa ko na lahat para mawala siya pero hindi pa rin niya ko iniiwan, so ang ginawa ko nun para mawala siya, ininoman ko nga ng isang gramo ng antibiotic tatlong beses isang araw sa loob ng isang lingo, at presto! gumaling siya damay pati lahat ng mga maliit na tigyawat ko bwahahahaah kala niya ha,
kaya lang, ngayon na medyo nakalikot ko ng konti, bumalik na naman at nambubwesit na naman hay naku!
tapos meron namang maliit na tigyawat sa noo ko, ang liit liit niya, hindi naman siya masakit, hindi rin malala, hindi masyadong nakakairita pero nagtataka lang ako kung bakit hindi siya mawala wala ng tuluyan, ayoko namang kalikutin baka lalong lumalala,
pero, kahit naman papano, naiintindihan ko naman ang mga tigyawat na ito eh, kaya nga ngayon, halos pabayaan ko na lang silang nakatambay sa mukha ko kasi wala naman akong magawa sa kanila, sa mahal nila mukha ko eh, nyahahahah yun nga lang, hindi ito yung pagmamahal na nakakahaba ng hair, hindi na nakakaflatter, kundi nakaka-flat na nyahahahahah nakakairita na, pero gaya ng sabi ko, ano ba magagawa ko?
at higit sa lahat kaya ko sila naiintindihan, kasi tigyawat din ako ngayon, sa mukha ng isang tao, hehehe...
oo naiirita na siya sakin, nagsawa na siya sa kakalagay ng gamot , at sa totoo lang, nasasaktan na rin ako sa mga gamot na inilalagay niya sa akin para lang mawala ako sa mukha niya, kaya eto pinapabayaan niya na lang ako, pero gaya ng ibang tigyawat, mawawala at mawawala din ako sa mukha niya, anyway, wala naman sa lahi nila ang tigyawatin, ako lang naman tong nag iisang tigyawat na nagpupumilit na makatira sa mukha niya habang buhay,
pero alam ko rin na darating din ang araw na tuluyan ko ng iiwan ang mukha niya, at alam kong hindi na magtatagal yun, hehehe, ang daming mukha jan na pwede kong pwestuhan noh sus!
at sa susunod, sisiguraduhin ko na pag may nakita ulit akong mukha na pwedeng puntahan, kikilalanin ko muna ng husto ang mukha na yun, aalamin ko muna kung okay lang bang tumira sa pisngi niya habang buhay, at higit sa lahat, kung ituturing ba niya akong tigyawat o hinde, at sana, ang susunod na mukhang makikita ko, sana hindi tigyawat ang turing sa akin kundi isang mahalagang elemento ng buhay niya na hindi niya na gugustuhing mawala pa,
ikaw, tigyawat ka ba ngayon?
No comments:
Post a Comment