This song is very special as for me. This is the one that really describes my real feelings toward this man. Not only that, listening to every word of this piece is like listening to our story, our very own love story. I’m very happy to find it here.
Siya si Neil, at ako si Eil (pronounces as Ayel). Dati kaming magkaklase nung grade school. Pero di kami close, maloko kasi siya e. Tapos naging kapitbahay namin siya, pero sadyang maloko talaga kaya di ko siya naging kabati.
High school, sa ibang school ako nag-aral dahil lumipat kami ng bahay. Simula non, hindi nako nagawi sa bayan namin.
Second year high school nung muli kong makita si Neil. Binatilyo na siya. Nagkita kami sa school kung saan ako nagha-high school. Athlete kasi siya e, pareho kami. Alam kong nakikilala niya ko, pero hindi pa rin kami nag usap, naiilang kasi ako sa kanya. One week din kaming magkasamang di nag-babatian. Pagkatapos ng event, di ko na siya nakita pa.
October 2002 nung umuwi ako sa probinsya. Nakakatamad sa bahay kaya naisipan kong umuwi sa bayan namin, sa mga pinsan ko.
Iba pala talaga ang feeling pag matagal kang hindi nakauwi, pero halos walang nagbago sa bayan namin, ganun ang ganun pa rin ang ambiance.
Lumabas agad kami ng bahay ng pinsan ko para hanapin yung kapatid niya. Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti, pano ba naman, dun ako halos lumaki na, at pagkatapos ng siyam na taon, eto akong muli.
Habang naglalakad kami, may nakita akong lalaking nakatingin at nakangiti agad sakin. Una, hindi ko agad matandaan yung pangalan niya kaya nagtanong pako sa pinsan ko, “sino nga yun?” “Si Neil.” Ayun, siya nga! At nag-iba na itsura niya, kung dati hindi ko makitang gwapo siya, ngayon, oo, yun na ang tamang description sa kanya. Panahon lang pala ang kailangan para lumabas ang pagkagwapo niya na hindi ko makita sa kanya nung mga bata pa kami.
Kaya lang may karga siyang bata! Kaya imbes na “kamusta” ang una kong masabi, “Anak mo?” ang nasabi ko. Pamangkin niya daw. Gusto ko pa sana siyang kausapin, kaya lang itinuro niya na agad sakin yung mga dati kong kaklase na tulad ko, dalaga na rin, at ang gaganda namin, hehehe…Gulat sila nung nakita ako, at bigla ko silang namiss grabe.
Gabi gabi na kami lumalabas, hanggang bayan lang naman kami e, lakad lakad lang, tambay lang sa beach, padalaw dalaw sa mga teachers namin nung elementary. Kung dati terror sila samin, ngayong mga dalaga’t binata na kami, hindi na, instead, parang mga kabarkada na lang namin sila.
Isang gabi na magkakasama kami, napansin kong si Neil ang pinakatahimik sa lahat. Siya yung palaging nasa hulihan, pero nagsasalita naman pag kinakausap. Sa bakada, palagi talagang meron mas close sayo. Kaya nung pagkaupo namin sa may flower pot, humiwalay yung dalawang babae, hanggang sa naiwan ako kina Neil at Dante. So sila ang kinausap ko, puro kalokohan lang naman ang pinag uusapan namin. Tapos may sayawan pala non, malapit lang sa pinupwestuhan namin. Bigla na lang akong niyaya ni Neil na sumayaw, hindi ako marunong, wala daw problema dun sabi niya, hindi rin daw kasi siya marunong hehehe..
Hindi naman talaga kami nakapagsayaw, lumayo lang kami sa mga kaklase namin. Nagusap lang kami, konting kamustahan, tapos yun lang. Wala pa siguro kaming 30 minutes na nag uusap, dumating yung pinsan ko at niyaya na kong umuwi kasi daw andun na si kuya niya, baka daw makita kami. Kaya yun, medyo bitin yung pag uusap namin.
Tapos nung gabi, sabi ko sa pinsan kong parang nagiging crush ko na siya, sabi naman ng pinsan ko, dati daw nanligaw sa kanya yon, wala lang, loko-lokohan lang.
Isang gabi ang ulan ulan, tapos nakakatamad talaga sa bahay ng pinsan ko kasi wala man lang TV, sawa na ko sa kakapakinig ng mga CD ko, buti na lang, pumunta si Donna sa bahay, tapos tyempo namang wala ng ulan, tinatamad din daw sya kaya lumabas kami para pumunta sa tambayan. Kaya lang wala dun yung mga barkada namin, pero naghintay pa rin kami. Maya maya lang, ayan na si Tisoy. Si Tisoy, tisoy talaga siya, gwapo, parang artistang naligaw sa probinsya. Lumapit siya samin. Kwentuhan ulit. Mayamaya lang, eto na ang pinakahihintay ko, si Neil!
Kaya lang, lasing siya! Kaya medyo madaldal, tapos maloko, panay ang titig sakin. Tinutukso na kami nung dalawa, hehehe kinikilig ako. Tapos dumadami na yung tao sa pinupwestuhan namin, hindi ko mga kilala yung iba, tapos hindi ko na namalayan na wala na si Donna at si Tisoy, hmm san kaya sila nagpunta? Hehehe anyway, since wala na kong masyadong kakilala dun, sinabi ko kay Neil na ihatid na niya ko. Magpahatid daw ba, hehehe.. Hindi bale, willing naman siya e. Tapos hinatid na niya ko. Lakad lakad, tapos minsan nasasanggi pa niya yung kamay ko, nanadya baga. Siguro dalawang bahay na lang at bahay na namin, bigla pang bumuhos ang ulan. Grabe! Ano ba to pagkakataon? Sumilong kami sa bahay ng dati namin kaklase, si Chris, kaya lang sarado na at napakadilim pa kasi nga probinsya pa yung samin, la pang street light. Ako pa naman ginawin, at talaga namang nanginginig ako sa lamig! Masyadong mahina ang tolerance ko sa lamig. Nahalata niya siguro na giniginaw na ko, kaya sabi niya, “pwede mo kong yakapin kung gusto mo para hindi ka masyadong ginawin,” hehehehe what an offer! Syempre tumanggi pa ko nung umpisa, sabi ko “hindi okay lang, titila din naman yan maya maya lang” pero siguro 30 minutes na hindi pa rin humihina yung ulan, parang bumabagyo. Ano ba to? Pagkakataon? Pinagbibigyan ba kami? Hehehe I don’t know. Tapos nung halos nanunuot na sa buto ko yung lamig, feeling ko nagfreeze nako, yumakap na ko sa likod niya. Walangya naman, para siyang nilalagnat, hahaha. Pero okay lang, nawala bigla yung ginaw ko.
Tapos dun na siya nagsimulang magsalita. Sabi niya, “hindi ko alam kung bakit ganito, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko sayo, hindi ako sigurado, ang alam ko lang, hindi ka na nawawala sa isip ko simula nung nakita kita ulit, kaw ba, ganito rin ba nararamdaman mo?” Dyuskoday! Halos hindi ako makaimik sa sinabi niyang ito, lalo na’t hawak niya na ang mga kamay ko, ang tanging nasabi ko lang, “lasing ka Neil, hindi mo alam ang sinasabi mo” sumagot naman siya, “pasalamat ka nga at lasing ako, dahil kung hindi, hindi ko to masasabi sayo,” tapos tumahimik lang ako, ipinikit ko ang mga mata ko, lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa likod niya, gusto kong tumatak sa isip ko yung eksenang yun, yung kaming dalawa lang, madilim, umuulan, bumabagyo, nakayakap ako sa likod niya, hawak niya ang mga kamay ko, gusto kong manatili sa isip ko ang alaalang yun.
Nung mga pagkakataong iyon, ayoko munang mag isip, ayokong bigyang daan ang duda sa puso ko, ang tanging gusto ko lang ay pagbigyan ang sarili ko, yung sundin ang gusto ng puso ko. Ayoko munang magpakaipokrita, ayoko munag isipin na aalis din ako agad para bumalik sa maynila. Kaya naman ang sabi ko sa kanya “alam mo, hindi ko rin alam ang sasabihin ko sayo, basta ang alam ko, masaya akong kasama kita ngayon, hindi na rin ako mahihiyang aminin sayo na iniisip din kita gabi gabi simula ng makita kita,” tapos sumagot siya, “kaya mo bang tanggapin kung ano lang ako?” sabi ko naman, “hindi mahalaga sakin kung ano ka, ako, matatanggap mo ba kung ano ako?” at ang sabi niya, “oo naman” hehehehe at kami na nga. “Bukas kaya, pag nahimasmasan kana, maalala mo pa kaya yung sinabi mong yan?” “kahit naman lasing ako, alam ko ginagawa at sinasabi ko,” “sinabi mo yan ha,” Kinilig ako, hanggang ngayon andito pa rin ang pamilyar na pakiramdam na yun, hindi nawawala, kahit matagal ng nangyari.
Ambilis diba? Ambilis talaga. Pero hindi na mahalaga yun, ang tanging mahalaga ay masaya kami pareho sa nararamdaman namin.
Sa wakas, tumila na ang ulan, pero ayaw pa naming umuwi, kaya umupo muna kami sa may flower pot sa harap ng bahay nila Chris. Ganito ang pwesto namin, nakasandal siya sa semento at nakasandal ako sa hita niya paharap sa kanya. Wala lang, nakuntento na kami sa hawak lang ng kamay, titigan kahit madilim. Ang saya namin nun, kahit walang nagsasalita samin, siguro ganun talaga, pag nakakaintindihan ang puso nyo, wala ng halaga ang salita, para sakin, yun na ang the best moment na tinitreasure ko. Habang nasa ganung ayos kami, tong kantang to ang naririnig naming pinapatugtog sa kung saan, basta dinig na dinig namin.
Maya maya lang, kinabig niya ko sa dibdib niya, tapos yakap yakap niya lang ako. Hanggang sa halos naiidlip na ko sa ganung ayos namin. Malamig sa labas, pero hindi ko maramdaman. Para kaming nasa ibang mundo, yung kaming dalawa lang.
Dun sa kinapwepwestuhan namin, tanaw namin yung tambayan ng mga kabarkada namin, habang nasa ganung pwesto kami, nakita na namin na andun nay ung mga barkada namin. Pero mas ginusto pa naming magsolo na lang, tutal, pagkakataon na namin to, kasi paalis na din ako nun.
Ayos na sana, kaya lang umaambon na naman, kaya sa ayaw namin at sa gusto, kelangan na naming umuwi. Inihatid na niya ko sa bahay namin, hindi siya umaalis hanggat hindi ako nakakapasok sa bahay. Nung pumasok nako, saka siya tumalikod, pero parang may kulang pa, kaya hindi ako nakatiis at tinawag ko siya, “Sandali!” Noon na ko tumakbo para yakapin siya at halikan. First kiss namin. Hindi ko alam kung gano katagal. Hindi na mahalaga yun, parang biglang tumigil ang mundo nung mga sandaling yon. Niyakap niya rin ako ng mahigpit, mahigpit na mahigpit. Dahil siguro sa sobrang tuwa ko din, kaya napaiyak ako. Unexplainable yung halik na yon, unforgettable. Sabi ko, “uuwi nako bukas samin, mamimiss kita,” ang hindi niya alam, malapit na din akong bumalik ng maynila, hindi ko sasabihin sa kanya, ngayon pa na kami na? Ayoko. Gusto ko bago ko umuwi ng maynila, gusto kong naging masaya kami, tutal yung alaalang yun ang babaunin ko pag alis ko. Ang sabi niya naman, “ihahatid kita hanggang sa inyo, hintayin mo ko,” “Sige” tapos isang halik pa bago ko tuluyang pumasok ng bahay.
Dahan dahan akong pumasok sa kwarto namin ng pinsan kong si Enoy, patingkayad pa ko kasi tulog na sila kuya sa salas. Pagkapasok ko sa kwarto, aba at gising pa, nakangiti, nakakalokang ngiti, ako naman ewan ko ba pero hindi pa rin mawala sa mukha ko ang ngiti ko. “Nakita ko kayo hehehe” sabi niya sakin, “Kayo na no?” ngumiti lang ako, “sana lang wag kang magkaproblema sa pag alis mo,” sabi ko naman, “okay lang, kakayanin ko, at eto pa, ihahatid niya ko bukas! Yessss!” humaglpak ng tawa ang pinsan ko, “sana lang wag niyang makalimutan ang mga sinabi niya,” Pero ang sakin lang, imposibleng makalimutan niya yung sinabi niya, yung ihahatid niya ko, pwede nya pang makalimutan yun, kaya hindi ako umasa dun, kasi nga gabi na at maaga pakong magbibiyahe bukas. Pero yung moment namin, imposibleng makalimutan niya yung tagpong yon, imposible.
Kinabukasan, parang nagdilang anghel si Enoy, yung pinsan ko, hindi nga siya dumating para ihatid ako, usapang lasing nga. Hay naku! Okay lang kahit medyo mabigat sa loob ko na umuwi mag isa, pero hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya, mas nangingibabaw pa rin yung sayang nararamdaman ko nung nagdaang gabi. Imposibleng makalimutan niya yon. Imposible talaga.
No comments:
Post a Comment