dati, halos mapuno ang blog ko tungkol sa kanya, puro na lang sya, iniiyakan ko sya lalo na pag naaalala ko yung dati, nung magkasama pa kami, parang ganito rin ang panahon nun, tag-ulan, tapos nagde-date kami kahit umuulan, at bumabagyo nung naging kami, akalain mong naaalala ko pa yun? syempre, naging bahagi ng buhay ko yun e, naging bahagi sya ng buhay ko, isa siya sa mga pinakaimportanteng tao sa akin,
ang hirap makalimot, hanggat pinipilit mong kalimutan ang isang tao, lalo mo lamang syang hindi makakalimutan, kaya hinayaan kong manatili sya sa loob ko, sa loob ng mahabang panahon, hinayaan kong mabuhay ako sa pangarap, pinaniwala ko ang sarili kong ako pa rin ang mahal nya, kahit malabo, kahit imposible,
palagi kong sinasabi kahit kanino na ako pa rin ang mahal nya, siguro kasi hindi lang kayang tanggapin ng isip ko na makakalimutan nya ako, yung pinagsamahan kasi namin, kahit gaano kaigsi, hindi basta basta pwedeng kalimutan, kung ako nga nahirapang kalimutan sya e, at kung nakalimutan nya nga ako, ganun ba ako kadaling kalimutan?
minsan akong naging tigyawat sa buhay ko, oo, sa mukha nya, gaya ng sabi ko dati, halos magsawa na sya sa kakalagay ng gamot para lang maalis ako sa mukha nya, at tiniis ko ang sakit nung mga gamot na nilalagay nya, para lang maalis ako, hanggang sa nagsawa sya, at ganun din ako,
ang pinakamasakit dun, tinuring nya akong tigyawat, tinuring nya akong isang dumi sa mukha nya, ikinahiya, binalewala, hindi ipinaglaban, wala ng mas sasakit pa para sa isang babae ang balewalain at ikahiya ng lalaking mahal nya, at hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko, nagawa na nya sa akin yan pero minahal ko pa rin sya,
it takes an apple to forget an orange...
totoo, akalain nyo yun, kailangan ko lang palang makilala si mike para lang makalimutan ko sya, at gaya ng sabi ko rin dati, nung ako ay tigyawat pa, aalis din ako sa mukha nya balang araw, makakalipat din ako mukha ng isang tao na hindi tigyawat ang magiging turing sa akin, at eto na nga, si mike na nga ang sagot sa lahat, buti na lang pala hindi ako umuwi, buti na lang pala, at kaya naman pala ako naghintay eh, kasi nagpapahintay pala si mike...
tapos ngayon, bumabalik sya, nagsisisi, humihingi ng tawad, nung tumawag sya sa akin, umiiyak sya, gusto nya akong bumalik, babalik ba ako? hindi na, wala na akong maramdaman e, hindi ko na maramdaman yung dati kong naramdaman para sa kanya, kaya wala ng dahilan para bumalik pa ako sa kanya,
dati may nabasa ako, sabi nila, ang lalaki daw, pag nakipagbreak sayo kala mo kaya nila, pero antay ka ng ilang buwan saka ka tatawagan at saka magtatanong "ano bang meron ka?" ngayon ko nalamang totoo yan, wag lang buwan ang bilangin mo, taon, kasi, sa totoo lang, yung ibang lalaki, lalo na pag immature pa, mga tanga yan e, hahayaan nilang mawala ka, kahit ayaw mo, saka lang nila maiisip yung katangahan nila pag nawala ka na sa kanila, ang mga lalaki talaga oo...
No comments:
Post a Comment